"Naglayas ka para ma-experience mo ang Normal life?" tumango ako sa tanong ni Ate Cassy. Kakatapos ko lang na ikwento sakanila ang lahat ng nangyari sakin. "Such a lame reason." Komento naman ni Prince. Napatango naman si Ate Cassy sa sinabi niya kaya napayuko ako. "Kaya pala kilala ka ni Jayden. I remember kasi na kinuwento ka niya samin, pati si Charlene, may picture pa nga kayong dalawa sa kwarto ni Prince." Wika pa ni Ate Cass. "Ha?" takhang wika ko. Napatingin ako kay Prince at nakita ko siyang nag-iwas ng tingin. Nagpaalam si Ate Cassy na may kukunin lang at nang bumalik siya ay may dala na siyang picture, pinakita niya ito sakin at halos manlaki ang mga mata ko nang makilala ko iyon. Picture ng dalawang babae na magkayakap habang nakangiti. This picture was taken two years ago, k