Dahil sa takot ko sa sinabi ni Landon ay nagpakita ako sakanya sa coffee shop na malapit sa bahay ni Prince n asana ay hindi ko nalang pala ginawa dahil lalong nagalit sa akin ang Superstar. "Hindi mo ba naiintindihan ang ginagawa namin, Alexa? We are protecting you tapos ay magpapakita ka sa psychopath na iyon? Ano ba ang gusto mong mangyari? Ha?" sigaw ni Prince saka hawi sa vase na nakita nito. Napapitlag ako at napayuko. "Ang sabi niya kasi ay isusumbong niya ako kay Daddy--" "Tingin mo ay magagawa niya iyon? God, Alexa! Diba matalino ka? Dapat ay nag-iisip ka. Alam na ng buong bansa ang tungkol sa kwento mo, plus the fact na may issue kayo ni Landon, ginagamit ka lang 'non para malinis niya ang pangalan niya at ikaw naman na tanga ay uto-uto." Napapikit nalang ako at hinayaan na tu