"Natutuwa ako at nakakangiti na ng totoo si Prince." Wika ni Ate Cassandra mula sa gilid ko. Awtomatikong napaangat ang tingin k okay Prince na kasalukuyang nakaupo kasama ni Landon, at nang ibang producer, composer at si Ms. MD Alejandro, nasa isang Hotel kami para sa press conference nang bago niyang album na kasama si Landon. Nakatayo kami sa gilid at busy ako sa pag-aayos ng mga cd's na may pirma ni Prince na ibibigay sa mga fans na nasa labas ng Hotel. "Paanong totoong ngiti, Ate Cass?" takhang tanong ko. Wala naming bag okay Prince, ganoon parin naman siya, except sa hindi na mainitin ang ulo niya at lagi na siyang kalmado kung mag-utos at magsalita. "Dati-rati kasi ay napaka-plastik niya kung ngumiti. Minsan nga ay hindi pa ngumingiti. Pati nga ang photographer doon sa Magazine ku