CHAPTER 5: Enjoying the drama

1924 Words
TORIN was looking at Angela's angelic face. Malalim ang tulog nito.  Maamo at maliit ang kabuuan ng hugis ng mukha nito na binabagayan ng itim at tuwid na buhok na umaabot hanggang likuran. Her eyes were dark brown, mapanuri. Makinis at maputi ang mukha na wala man lang bahid ng kahit anong marka. Her lips were thin, which makes an urge out of him wanting to kiss her. He wanted to suck her mouth until she begged of wanting more than a kiss. Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. The way she protects him is quite cute, o kaya naman ay baka ito ang naku-kyutan sa kanya.  When he saw her getting out of the car, he frowned. Akala niya kasi ay matapos nitong magpakalunod sa swimming pool ay hindi na ito babalik pa sa bahay na iyon. Sinong mag-aakala na itutuloy nito ang buhay sa piling niya—ni Torin Agassi na isang pabigat sa mata ng mga tao? Iba ang mga dumating na balita sa kanya sa inakto nito ngayong gabi. Ayon kay Sam na matagal na niyang kasama sa trabaho, halos hindi makabasag ng pinggan ang babae. Tahimik ito kahit sa ospital at madalas na paglaruan ng mga kasama. She was always bullied in the hospital where she’s working. Kaya naman kahit na hindi pa niya ito nakikilala noon ay dismayado na siya sa mga nabalitaan sa babae.  Malaki ang pagtataka ni Torin nang marinig sa puno ng hagdan na ipinamukha nito sa mga tao sa bahay na iyon na ito ang Boss sa bahay na iyon. She's feisty! Somehow, she amused him. When he saw her beautiful face inside his room, he couldn’t help but teased her and hugged her.  Isang bulto ng anino ang lumitaw sa terasa sa labas ng kanyang silid habang pinagmamasdan si Angela. Agad na nagdilim ang kanyang mukha. Dahan-dahan siyang tumayo at tumungo roon. Nilingon niya pang muli ang babae at nagpasalamat na mahimbing pa rin itong natutulog. Niyakap siya ng malamig na gabi nang tuluyan siyang makalabas.  "What is it?" mahinang tanong niya sa panauhin, ngunit matigas na halatang hindi siya natutuwa sa pag-abala nito. Diretso ang tingin niya sa kabuuan ng madilim na gabi. The softness in his eyes were no longer there. "Boss Torin, I just heard that your wife came back," saad ni Sam or Samantha Davis, ang kanyang partner at tauhan. She’s Filipino-American, kaya may katangkaran ang katawan. "Kung iyon lang ang sasabihin mo, maaari ka nang umalis." "But... she’s a hindrance," agad na protesta nito. "Bullsh*t!" Hindi niya napigilan na magmura, bahagyang nagtaas sa normal na tono. He saw Angela frowned in her sleep. Maaaring narinig nito ang singhal niya. Itinulak niya si Sam sa likod ng kurtina. "Look, I know what I am doing. Tell everyone, don't ever touch my wife. Your job is to spy the company, not this home, not my wife!" matigas niyang sabi kahit pabulong. "You... you like her," naniniguradong sabi nito. Hindi niya ito sinagot sa halip ay binitiwan niya ito at bumalik sa loob ng silid. Sinara niya ang pintuan na madalas na nakabukas bago tinabihan ang kanyang asawa. He’s starting to enjoy this drama. *** "NO! NO! I'm sorry! Ayoko!"  Mga pag-iyak at paghiyaw ang naririnig ni Angela sa pasilyo sa labas ng kuwarto na nagpagising sa kanya. Napangiwi siya at bahagyang hinilot ang ulo. Isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kanya nang magdilat siya ng mata. F*ck! I almost forgot I'm Angela Madrigal now. "Ahh—! Please... don't!” Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas. Iritableng bumangon siya mula sa kama at tinungo ang pintuan. Nawala sa isip niya na isang t-shirt lang ang kanyang suot dahil iyon lang ang naibigay sa kanya ni Torin noong nagdaang-gabi. Sinasakop nito ang kalahati ng bilugan at makinis niyang hita.  Nakita niya na nasa isang sulok si Torin, nakaupo sa pader at yakap ang sarili. Pinagagalitan ito ni Gloria. May bitbit pang pinutol na kawayan ang may-edad na babae na halatang pamalo nito. "What the hell are you doing?!" Agad niyang nilapitan ang dalawa at tinapik niya sa balikat ang may-edad na babae. Dinaluhan niya ang asawa para iligtas ito sa mapang-aping si Gloria. Lumuhod siya para yakapin si Torin. Nilingon niya ang ginang na sakto lang ang ekspresyon sa mukha, hindi galit at hindi rin naman natatakot sa kanya. "You b*tch! What did you do to my husband?!" galit na tanong niya rito.  "Sinabihan ko lang naman siya na kailangan ninyong pumunta sa mansyon ng mga Agassi. Ayaw niyang pumayag! Sa halip, binasag niya pa ang figurine!" Tinuro nito ang isang nagkapirapirasong disenyo sa sahig na nasa dulong bahagi ng pasilyo.  Alam niya sa sarili na hindi rin biro ang halaga niyon. Salubong ang kilay ni Angela na nakatingin sa may-edad na babae. Hinawakan siya ni Torin sa braso. "W-Wife, I-I don't want to go there. Enzo is bullying me. He— he’s bullying me. Papaluin niya ako rito, rito. H-he’s a bully. I d-don’t want to see him," sabi nito na uutal-utal, halatang nagsusumbong. His eyes were so scared while thinking about Enzo. Umiiling pa ito na halatang ayaw nitong makita ang taong kinamumuhian din niya. Napaismid siya. Ang maisip lang ang pagmumukha ng dating nobyo ay tila dumudurog sa pagkatao niya ngayon at nagpapainit din sa kanyang laman. Half of her heart was in pain, while the other is suffering from anger. Hindi na siya magtataka kung kung apihin din nito si Torin. Kilala niya ang pagkatao ni Enzo na kapatid ng kanyang asawa sa labas. Kapag mahina ang isang tao ay lalo nitong inaapakan hanggang sa tuluyan na madurog. Diyos ang tingin nito sa sarili. Hindi niya lang iyon pinapansin noon dahil wala rin siyang pakialam! She’s a selfish. Kita sa mata ni Torin na nangingislap sa luha ang takot nito sa lalaki.  “H-he’s bad!” His hands were clenching and not in place. Malikot ang mga mata. "Look at me.” Hinarap niya ang mata nito. “Don't worry. No one will bully you from now on." Hinaplos niya ito sa buhok para bigyan ito ng katiyakan. "Hmp!" Inirapan sila ng may-edad na babae at akmang tumalikod na para lumayo sa kanila. Naniningkit ang kanyang mata sa inakto nito.  "Ate Gloria," tawag niya sa pangalan ng babae.  Tumayo siya. Nananatili naman si Torin na nakaupo sa sahig at malinaw sa mga mata nito ang makinis niyang binti. "Ayoko nang makikita o malalaman na pinagkakaisahan ng lahat si Torin sa bahay na ito. Hindi ako magdadalawang-isip na parusahan ang kung sino man na susuway sa’kin." "Miss Angela, nasa abroad pa lang si Torin ay ako na ang namamahala sa bahay na ito! Nabubuhay pa si Madam Estella ay narito na ako. Thirty years akong nag-alaga sa bahay na ito." "Pero hindi ibig sabihin na ikaw na ang may-ari ng bahay na ito, tama? Hindi ibig sabihin na por que thirty years kang tumira rito ay ikaw na ang nagmamay-ari ng lahat!" Humalukipkip siya. "I told you last night— I'm. A. b***h!" Binigyang diin niya pa ang mga huling salita. Niyakap siya sa binti ni Torin. "Wife, don't.  She— She's just concerned about me. Don't be angry."  "Hmp!" Halos umusok ang ilong ng babae na nagpatuloy na tinungo ang hagdan. Naniningkit naman ang kanyang paningin sa likuran nito, hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Hindi na niya alintana na magaan na humahaplos sa kanyang binti ang kanyang asawa. "Get up!" Pinatayo niya si Torin at saka niya ito iginiya pabalik sa loob ng kuwarto.  May ilang sandali pa bago humupa ang takot nito. "Thank you, wife! My wife is amazing!" Halos maipit ang buo niyang katawan nang yakapin siya ng asawa. Saka siya nito pinaghahalikan sa pisngi. Napapangiwi na lang siya habang iniisip na hindi normal ang kanyang asawa kaya ganoon ito umakto. Hindi niya lang maintindihan kung bakit nahinto sa edad dose ang pag-iisip ni Torin. Hindi masyadong bata, hindi rin naman matured. He’s just dumb? "By the way, I have a question. You don't have a job right now, and I don't have a job either, paano natin pinapasuweldo ang mga tao rito?" she asked. "Oh!" Tapos nakita niya na parang nag-isip ito. "Wife, what do you mean?" tanong nito na parang hindi alam ang ibig niyang sabihin. Napakamot sa sentido si Angela. Nakalimutan niyang wala nga pa lang alam sa adult world si Torin. Malamang na iniisip nito na nag-babahay-bahayan lang sila doon sa malaking tirahan na iyon.  "Like, paanong nakabibili ng pagkain ang mga kasambahay? Sino ang nagbibigay sa kanila ng pera?" "Ah! I have money! My mom left me with so many blue bills." Kumunot ang kanyang noo at saka inisip na malamang ay isang libo ang tinutukoy nito na blue bills. "Ibig mo bang sabihin ay iniwanan ka ng mommy mo ng maraming pera at iyon ang ginagastos mo sa bahay na ito?" Napakamot ito sa ulo saka ngumuso at umiling. "Wife, I don't know."  Dinala siya nito sa loob ng wardrobe, binuksan ang isang drawer at kinuha ang isang cardholder na maayos na nakalagay sa gilid. Inilabas nito ang tatlong credit cards mula roon. "My dad said, if I want to buy something, I can use this."  Nakahinga nang maluwang si Angela matapos makita ang mga iyon.  "Why?" tanong ni Torin.  "It's because. I need to shop for my personal things," sabi niya. Napangiwi pa siya nang ibahagi ang dahilan dito. Baka kasi isipin nito na gold digger siya at masaya siyang nakakita ng kaperahan. "Then I will go with you. Wow! Your balls are bouncing," puna nito at sinakop ng dalawang palad nito ang kanyang bilugang dibdib. Noon niya lang napansin na nakasuot lang siya ng Tshirt nito at underwear. Nanlaki ang mata niya nang lumapat ang palad nito sa kanyang dibdib. Mabilis na dumaloy ang init ng palad nito sa kanyang katawan. Bigla siyang gumilid at tinakpan ng dalawa niyang braso ang kanyang hinaharap. She was careless. "H-h’wag mong gagawin ang bagay na iyon sa kung kanino lang!" Bigla itong napaatras at lumitaw ang takot sa guwapong mukha.  "D-don't be angry…" Parang magluluha na naman ang mata nito na napayuko. Naihilamos na lang niya ang kamay sa mukha.  "Aisht! Hayaan mo na nga, Angela, at ikaw naman ang asawa!" bulong niya sa sarili ngunit hindi nakaligtas sa pandinig nito ang kanyang sinabi. "P-promise me that you will never do it with another woman, or girls, or any opposite s*x," sabi niya rito. Hindi niya alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Para siyang pumasok sa patibong. Kaunti na lang kasi ay parang sinabi niya na rin na pumapayag siya, basta siya lang ang pwede nitong hipuan. Panay ang tango nito sa sinabi niya at saka siya muling niyakap. "I promise! Does that mean I can touch you?" Napapikit nang mariin si Angela. "J-just don’t do it in public." Tumalikod na siya saka tumungo sa terasa para makalanghap ng sariwang hangin. Pinaypayan niya muli ng palad ang sarili. Para siyang lalagnatin lagi sa presensya ni Torin. Nahihirapan siya palagi na mag-isip ng idadahilan dito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya makapagsabi ng no sa lalaki. Bumalik din naman sa kanyang isipan ang sinabi ni Gloria. Hindi nito nakasama sa loob ng ilang taon ang kanyang asawa.  Ibig bang sabihin ay galing ng abroad si Torin?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD