CHAPTER 1: Rebirth
[Warning: This chapter includes some inappropriate content and may cause discomfort to some readers]
NAG-IINIT ang kabuuan ng gusali. Isang science laboratory iyon na matatagpuan sa masukal na bahagi sa paahan ng Bundok-Banahaw. Nalulunod na sa nagbabagang-apoy ang kalahati ng istraktura. Sa gitnang bahagi nito naroon si Angela Capili.
Isang oras ang nakaraan, ginamit niya ang cellphone blang aparato para sirain at sunugin ang itinuring nang tahanan gamit ang mga bomba na siya mismo ang gumawa.
Enzo locked her in the building—to silence her. Dumating sa punto na kailangan na siyang patayin nito dahil makasisira siya sa plano ng lalaki. Mabuti na lang at lihim siyang binalaan ng kaibigan na si Kweku. Kaya’t bago nito magamit ang mga gamot na ginawa niya sa loob ng mahabang panahon ay siya mismo ang nagdesisyon na sunugin na ang lahat ng mga iyon. She’ll bring all of her medicine to her grave.
Habang tumatakbo papalayo dito ay binabasag niya nang paisa-isa ang lahat ng gamot na nasa mga bote na maayos na nakasalansan sa mga rack. Walang sino man ang dapat na makaalam ng mga formula na siya mismo ang may gawa.
Her eyes started to get blurry. Not sure if because of her tears or it’s because of the smoke inside the building.
Damn you, Enzo!
Isang baril ang pinatama ni Enzo malapit sa dibdib niya sa sobrang galit nito dahil halos sunugin na niya ang kabuuan ng gusali. Kailangan nito ang lahat ng gamot na naroon ngunit wala na siyang itinira kahit isa sa mga babasaging tube kung saan naroon ang mga likido ng gamot. She even destroyed her computer files.
Natumba si Angela matapos na sumirit ang dugo sa kanyang dibdib, tumilapon ang cellphone niya sa kung saan.
"Very good, Enzo..." pilit niyang bigkas habang tila tinutusok ng kung anong hapdi ang tinamaan nito ng bala. Hindi niya inaasahan na ito ang tatapos sa kanyang buhay—ang lalaking pinaglaanan niya ng oras at panahon, ang lalaking minahal niya nang mas higit pa sa sarili.
Umismid si Enzo saka dahan-dahan na lumapit. "Can't you see, love? I liked you before… but you became an annoying woman recently."
" But we love each other. I helped you. I helped you with so many things! I even killed ignorant people for you!" Umaagos ang luha niya dahil sa sakit. She’s loving Enzo for almost a decade. Kailan ba sila nagkakilala nito? Noong magsimula pa lang siya na mag-aral ng kolehiyo!
"Who told you I love you back?" madilim na tanong nito.
Mas lalong nakadagdag sa sakit ng dibdib niya ang mga narinig. Niligawan nito ang natutulog niyang puso, pinaibig siya, at inutusan siya na gumawa ng masama.
Nakasama niya si Enzo sa kolehiyo. He was a popular guy in the medical school. She got full marks dahil sa husay niya sa pag-aaral. Iba't ibang eskwelahan ang nagtatalo para lang makuha siya na sa eskuwelahan ng mga ito mag-aral. She has an ordinary look, hindi siya ganoon kaganda kaya naman nagulat siya nang mapaibig si Enzo Agassi—ang number one hunk sa buong eskwelahan.
Pinaibig siya nito sa mga mabulaklak nitong mga salita kaya naman mabilis siyang napapayag ng lalaki nang sinabihan siya nito na mag-aral sa paggawa ng gamot. He used her innocence. Until she decided to go with Enzo sa mas madilim na mundo. Both of them are fighters and mercenaries. They are living in an underworld organization called Black Knight. Ngayon niya lang nalaman na kinuha nito ang loob niya para lang pala gamitin siya sa plano nito.
"Kailangan kong pakasalan si Monica! Her father will help me, not some trashy girl like you! You are not even pretty!" Halata sa mata nito na parang nandidiri sa kanya.
Patuloy sa pag-agos ang luha ni Angela.
"I gave you everything! Iniwan ko ang pamilya ko para sa ‘yo!" parang nababaliw na sumbat niya rito.
Pag-aari ng pamilya niya ang gusali na iyon. Nag-iisang anak siya ng mga kilalang doktor sa industriya ng medisina at teknolohiya, ngunit kwestyonable ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Nag-iwan sa kanya ng ilang mana ang magulang niya, kasama ang gusali na iyon kung saan ginawa niyang laboratoryo.
"Let me tell you, Angela. Whenever we made love, halos masuka ako. Halos ayokong makita ang pagmumukha mo dahil nakakadiri ka! You are not as pretty as Monica. She's gorgeous. Every man in the world wants her in their bed. Tell me, saan banda ka mananalo sa kanya?" Halakhak ang mga sumunod na ginawa nito.
Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Matapos siya nitong gamitin kapag nabo-bore ito, sasabihin lang nito na nasusuka ito sa kanya?
"Boss Enzo, lumalaki na ang apoy!" Lumapit ang isang lalaki sa kanila para pakiusapan si Enzo na umalis na sa lugar dahil kaunti na lang ay sabay-sabay na silang kakainin ng mapula at nagbabagang init ng gusali.
Humakbang si Enzo papalapit sa kanya at saka tumungko. Marahas siya nitong hinalikan sa labi. Kinagat niya ang labi nito at ganoon din ito sa kanya. Agad na tumulo ang pulang likido roon.
"That is my goodbye to you, love!" Dinampian nito ng halik ang dulong bahagi ng panuro nito at saka ipinatong sa labi niya. Tumayo muli ito at saka itinutok sa dibdib niya ang dulo ng baril.
"Bye!"
Isang malakas na putok ng baril ang pumailanlang sa kabuuan ng gusali. Nagsipag-alisan ang grupo ni Enzo.
Ilang saglit pa ay kinakain na ng apoy ang kabuuan ng laboratoryo.
***
TILA nalulunod si Angela sa isang madilim at malalim na karagatan. Para bang tinatarak ng patalim ang dibdib niya sa sobrang sakit. Hindi maipaliwanag ang kirot. Hanggang sa unti-unti niyang marinig ang mga pag-beep. Beep mula sa kung anong bagay pero pamilyar.
Isang malalim na pagsinghap ang ginawa niya kasabay nang pagbukas ng mga mata. Para siyang nagising mula sa malalim na panaginip.
Isang kisame na sinasakop ng puting pintura ang bumungad sa kanyang paningin.
Lord, heto na ba ang langit? sabi niya sa sarili. Pero wala siyang karapatan na mapunta roon. Dahan-dahan niyang iniikot ang paningin hanggang sa makita niya ang dextrose sa gilid. Sinundan niya ang malinaw at manipis na hose nito hanggang sa makita niyang nakatusok iyon sa braso niya.
Mukhang nakaligtas ako sa kamatayan!
May nag-beep muli dahilan para lumingon siya sa kabilang bahagi. Cellphone na hawak ng isang babae ang una niyang nakita. Message alarm tone pala nito ang maingay.
"Miss Angela!" Nagulat ang babae nang maramdaan nito ang pagkilos niya.
Pinagmasdan niya ang mukha nito, sigurado na hindi niya ito kilala. Kinapa niya ang dibdib para alamin kung maayos ba ang surgery na ginawa sa kanya, ngunit wala siyang benda o indikasyon na dumaan siya sa opera. Inangat niya ang hospital gown para mas masuri ang sarili.
Wait! May mali! 34A lang ang size ng boobs niya at base sa kanyang nakikita ay sigurado siya na mas malaki iyon nang hindi hamak sa dibdib niya noon! Nagsimula siyang kabahan.
"M-miss?" Napahawak siya bigla sa lalamunan, kahit ang tono ng boses niya ay naiiba. A-anong nangyayari?
"P-pahiram ng cellphone!" Natataranta na siya sa mga pagbabago niya.
Sinunod naman siya nito. Mabilis niyang hinanap ang camera sa mga icon at halos manlaki ang mata niya sa nakita. Mukha ng isang magandang babae ang nasa loob ng maliit na screen.