NABIGLA si Angela sa kung sino man ang yumakap sa kanya.
"Yehey! My wife is here!" masayang saad ng isang lalaki, nasa tono nito ang tila isang batang nabigyan ng regalo.
Wala itong pang-itaas at ramdam niya ang makinis na balat nito kaya naman bahagya siyang kinabahan sa inakto nito. Nakadikit ang baba nito sa kanyang balikat. Umikot si Angela para mas mapagmasdan ang lalaki— ang kanyang asawa.
"You are already here. I’m happy." Masaya at hawak pa nito ang pisngi na parang nagpapa-cute.
'Oh! F*uck!' Her cheeks turned red in an instant when Torin placed a smack on her cheeks. "S-sit on the bed!" utos niya rito.
Mas ikinabigla niya ang mabilis na pagsunod nito sa kanya na parang mabait na tuta, umupo ito sa paahan ng malambot na kama. Akala ni Angela ay nagbibiro lang si Beth nang sabihin nito ang tungkol sa lalaki. Pinagmasdan niya nang mabuti ang mukha ni Torin. Akala niya noon ay si Enzo na ang parang anak ng diyos sa paningin niya. Hindi niya akalain na mas mahihigitan ni Torin ang features ng bawat parte ng mukha ng lalaki. Kung may maipipintas siguro siya dito kay Torin, malamlam at kulang sa masculinity ang mata nito. Samantalang mabigat ang mata ni Enzo, sa tingin pa lang ay halatang papatay na.
Hinawakan niya sa baba si Torin at pinagbaling-baling ang pisngi nito para mas masuri iyon. Makapal at maayos ang kilay nito. Itim, diretso at makintab ang buhok. Makinis ang pisngi nito na parang galit ang balat nito sa pimple ngunit may maliliit na tumutubong balbas. Wala siyang makitang marka na dumanas iyon ng sugat o kahit ano sa kabuuan ng mukha. He has a sexy nose bridge at manipis ang labi, nang-aarok ang inosente nitong mga mata na may tsokolateng kulay. Para sa tulad niya na hindi ganoon kaganda sa nakaraan niyang buhay, isang anak ng diyos ang tingin niya sa pagkatao ni Torin.
Too bad, he is dumb—a special child. Nagulat na lang siya nang palibutan ng bisig nito ang kanyang baywang. Inilapit pa nito ang ulo sa tiyan niya.
"My wife is here. May kalaro na ako," nakangiti nitong saad.
Hindi niya maiwasan na mapangiwi. Kung normal na lalaki siguro si Torin ay iisipin niya na nakararami na ito ng tyansing sa kanya. Niyayapos nito ang katawan niya na parang hindi iyon ang unang araw na nagkita sila.
"I was told na nagswimming ka raw sa pool. Pinulikat ka rin ba kaya ka dinala sa ospital?"
She was silent.
"Let's play tomorrow!" anito. Hindi niya pa rin ito sinasagot dahil lumilipad ang kanyang isipan. Kung anu-ano pa ang sinabi nito. Sa totoo lang ay naiingayan siya rito at bahagyang sumasakit ang ulo niya.
“Wife, did Gloria hit you? She always hit me when I did something bad. Let’s just follow her, alright? Kapag mabait tayo, hindi niya tayo sasaktan. That’s what they have told me.”
Nalungkot siya para kay Torin. Hinaplos niya tuloy ito sa buhok. Ayon kay Beth ay treinta na ang lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng awa rito. Base na lang sa mga binanggit nito ay nakaranas ito ng pang-aalila sa bahay na iyon, lalo na kay Gloria.
“Don’t worry, she will never do bad things again with you. I will protect you,” sabi niya rito.
Kailangan niyang pangatawanan si Torin bilang asawa niya dahil matutulungan din naman siya nito sa kagustuhan niyang makaganti. At dahil binigyan siya ng ikalawang buhay, sa tingin niya ay si Torin ang kabayaran niya noon sa mga kapangahasan na ginawa niya noong Angela Capili pa siya.
"Wife, help me wash. Ayaw nila akong tulungan na maligo," malungkot na saad nito. Para itong maiiyak habang nagsusumbong sa kanya.
Hindi pa man ay namula ang pisngi niya sa narinig. Kahit naman isip-bata ito, Torin was physically a big man—a big gorgeous man. Hindi niya napigilan na singhalan tuloy ang lalaki. “Y-you are old enough to do that! Even a four-year-old boy can do it. Go and wash to the bathroom!”
Bigla nitong niyakap ang sarili dahil siguro sa bigla at takot sa kanya. Napayuko at nalungkot. Bumuntonghininga si Angela, kahit gustuhin niya na tulungan ang lalaki ay hindi niya magagawa. Ayaw niya na umabuso ng batang lalaki.
Intellectually, she's twenty-seven in a twenty-three-year-old body, while this man is twelve in a thirty-year-old body.
What kind of situation is this?
“I-I’m sorry.” Hindi niya maiwasan na magpaumanhin. Kahit naman papaano ay hindi normal si Torin. “Come, I’ll teach you instead.”
Mabilis na umaliwalas ang mukha nito at sumunod sa kanya. Inakay niya ito sa loob ng banyo. Binuksan niya ang shower knob at sinuri ang katamtamang init ng tubig. “Come here!”
Binasa niya ng tubig ang kamay nito. “Sakto na ba sa iyo ang init?”
Tumango naman ito sa kanya. Tinuruan niya ito ng mga gagawin. Hindi mawala ang pagkapula ng pisngi niya nang turuan niya ito kung paano lilinisin ang maselan na parte ng katawan nito.
“Your cheeks and ears are blushing,” puna ni Torin.
‘Damn! Of course, it will turn red!’ isip-isip niya. “I-it’s because it’s hot in here!” pagkakaila niya. Napalakas ang kanyang boses dahil kanina pa siya naiilang.
“D-don’t be mad…” Bigla itong napaatras sa pinakagilid.
“Just do what I told you, Okay? Mula ngayon ay tuturuan kita sa maraming bagay. Did you understand everything I said?”
“Yes! Just don’t be angry.” Bigla na naman siya nitong niyakap. Siguro ay isang stuff toy ang tingin ng kanyang asawa sa kanya.
“G-good!” Mabilis na humiwalay siya rito at lumabas ng CR.
Sinilip niya ang sarili sa salamin at napahawak sa dibdib dahil mabilis na nagtatambol iyon matapos mawala ng lalaki sa kanyang paningin. The man inside the shower room is giving her a different kind of feeling. Having the thought that he is her husband making her face flushed. Para kasing anak ni Adonis ang lalaki. Ang makita ang hubad na katawan nito ay nagbibigay ng kakaibang init sa pagkatao niya. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay.
“Whew!” She needs to calm herself. She wasn't even sure if Torin would treat her as his wife or just a playmate.
Pinagmasdan ni Angela ang kabuuan ng kuwarto. Malaki at malapad ang kama na binabalutan ng red wine na comforter. May suot na makintab na roba na gawa sa satin ang body stand sa tabi ng kama, red wine din ang kulay.
Nababalot ang kabuuan ng silid ng kulay pulang alak, kahit ang kurtina ay red wine. She likes the entire room’s color as the old Angela, but what about her husband Torin?
Kung hindi niya kilala si Torin ay iisipin niya na nasa loob siya ng kuwarto ni Drakula. Iniisip niya tuloy kung ang mga kasambahay sa bahay na iyon ang salarin sa mga kulay na iyon sa kuwarto, para lalong takutin ang kanyang asawa.
May malapad na pintuan sa tabi ng CR. Binuksan niya iyon at napagtanto na iyon ang wardrobe ng lalaki. Iisang hilera lang ang may mga nakasabit na damit. Pantulog, T-shirt at mga simpleng kasuotan ang una niyang nakita. Sa bandang dulo ay mga suit na panglalaki ngunit halata na walang gumamit sa mga iyon. Sa ilalim na bahagi ay mga hilera ng mga sapatos na panglalaki. May maliliit na cabinet kung saan nakatupi ang sando at mga panloob ng lalaki.
Bigla niyang napagtanto na wala pala siyang kasuotan sa bahay na iyon. Pinag-iisipan niya kung sa ibang kuwarto siya tutuloy o hayaan na lang niya na tabihan si Torin dahil asawa naman niya ito. Mas pinili niya ang huli dahil kailangan nilang suportahan ang isa't-isa. Nais niya rin na mas makilala pa ito.
Ayaw naman niya na bigla niyang hilingin dito o kaya naman ay kay Gloria ang isang ekstrang silid, baka kung ano ang isipin ng mga kasambahay sa bahay na iyon. Narito na siya kaya kailangan niyang yakapin ang buhay ni Angela Madrigal.
Sabay sila ni Torin na lumabas; ito sa CR at siya ay sa loob ng wardrobe. Lumabas ito na tanging nakatapis lang ng tuwalya ang tumatakip sa katawan nito. Agad niyang iniiwas ang paningin palayo sa katawan nito na may tumutulo pang tubig.
"M-magbihis ka na."
"Bihisan mo ako," hiling nito na may halong paglalambing.
Kinuha niya ang nakasabit na roba at inihagis niya dito. "W-wear this!"
Tinanggap naman nito ang manipis na roba.
"Thanks, Wife!" Nabigla na lang siya nang yakapin na naman siya nito sa baywang at pinaghahalikan siya sa pisngi. Hindi maiwasan na tumutulo ang basa nitong katawan sa kasuotan niya. Gusto niyang mapamura dahil sa bango ng lalaki. Bumabalot sa pagkatao niya ang amoy ng shower gel nito.
"I-I don't have anything to wear. Nabasa na ako," reklamo niya rito.
"Hala! Just wear my shirts." Hinila siya nito pabalik sa loob ng wardrobe at kumuha ng isang pirasong t-shirt doon. Itinapat nito sa kanya ang damit. "Wear this. Wow! Kasya!"
"O-okay." Mabilis siyang nagpaalam at nagpunta sa katabing CR para linisin ang katawan. Kinakabahan pa rin siya. Wala pa silang isang oras na nagkita ni Torin ngunit matindi na agad ang kaba niya sa presensya nito.
Sa loob ng palikuran ay mas malinaw niyang nakita ang sarili sa malaking salamin na halos bumuo sa pader. Angela Madrigal is a beauty. No, she's a goddess! Hinaplos niya ang kanyang pisngi habang nakatingin sa sarili na nasa harapan. Tinanggal niya ang buong kasuotan. Maganda rin ang katawan ng babae at ang mayaman dito ay ang dibdib nito. She cupped her breast. Never in her life did she imagine that one day, she will be having a big breast. Hindi niya naisip noon na magiging diyosa siya balang araw. Binabad niya ang sarili sa tub. Kailangan niyang kilalanin si Torin at ang tunay na Angela Madrigal.