HINDI nakaligtas sa mata ni Angela ang footprint ng sapatos sa terasa kinabukasan. May naiwang mantsa ng putik sa kung saan saang parte nito. Sinuri niya ang sahig at ang haligi nito. Ilang mga bakas ang napuna niya roon. Kahit sa pader ay may marka.
Nang nagdaang gabi ay maulan sa siyudad kaya naman kumunot ang kanyang noo. Hindi kaya sila inakyat ng magnanakaw nang nagdaang gabi? Hindi malabong mangyari na matakam ang mga masasamang loob sa tahanan na iyon lalo na at may kalakihan ang bahay ni Torin.
Imposible na isa sa kanila ni Torin ang may-ari ng mga sapatos na iyon. Sa personalidad pa lang ni Torin ay alam niya na hindi ito umaalis ng bahay. Isa pa, hindi hamak na mas maliit ang marka ng mga sapatos kaya sigurado siya na mas maliit din ang paa ng may-ari ng mga iyon.
Napakislot na lang siya nang yakapin siya ni Torin sa baywang mula sa likuran habang sinusuri niya ang mga parte na iyon ng kanilang tahanan.
"Wife, what were you thinking?" Idinikit nito ang ulo sa likuran niya. Nasanay na yata siya sa mga pagyakap-yakap nito kaya hindi na siya masyadong naiilang.
"Nothing. Did you see someone here last night?" Hindi niya napansin ang pagtalim ng mata ni Torin dahil nasa likod niya ito.
"Why?"
Tinuro niya ang mga mantsa ng putik sa sahig at sa pader. "Parang inakyat tayo ng magnanakaw. Sigurado ka ba na walang nawawala rito sa kuwarto mo?" Noon lang siya umikot para harapin ito.
"Baka 'yung guard sa labas ang may-ari n'yan. May nakapasok kasing pusa rito kahapon."
“Ahh…” Napatango na lang si Angela. "Siya nga pala, narinig ko kanina na si Estella ang may-ari nitong bahay. Huwag mo sanang masamain kung itanong ko kung sino si Estella."
Nakita niya na lalong lumungkot ang mga mata nito at parang iiyak. Tila isang paslit na inaalala ang malungkot na nakaraan. Pumasok ito sa loob ng silid at umupo sa dulong bahagi ng kama. Niyakap ang mga binti.
"My Mom. She… she's dead. Limang taon na nang mamatay siya."
Tinabihan niya ito ng upo. "Pasensya ka na. Gusto ko lang kasi na makilala ka at ang pamilya mo. Si— 'yung Enzo, paano kayo naging magkapatid?"
Umiling si Torin. "Hindi kami magkadugo. Anak siya ni Tita Selena sa ibang lalaki, but my dad loves him and his mom."
Bigla itong humiga at inilapat ang ulo sa kanyang binti habang nakabilog ang katawan na parang pusa. "Fifteen years ago, my dad left my mom for Tita Selena. Then, he legally adopted Enzo when they got married."
"My Mom… my mom accepted Tita Selena because they are best friends, but five years ago… my Mom died. Her heart stopped beating," narinig niya na pumiyok ito habang nagkukuwento.
Hinaplos niya ang itim nitong buhok. Naisip ni Angela kung gaano kasakit ang mga iyon para kay Torin. Ngayon ay nag-iisa na lang ito at walang masandalan. Wala ang nanay nito, ang tatay naman nito ay naroon na sa pamilya ni Enzo. Tumiim ang bagang niya matapos maisip na nagawa pa itong ipakasal sa isa pang inosente na si Angela Madrigal— ang tunay na Angela.
***
NAAALIW si Torin sa kanyang asawa. He never thought he would enjoy the drama this much. He could touch her physically at wala itong magawa dahil asawa siya nito. Hindi ito nag-iisip ng masama sa kanya o kahit tsansingan niya ang maganda nitong katawan.
Sa totoo lang ay gusto na nga niya itong angkinin. She's alluring and sexy. Her beautiful face is a plus too. Maraming beses na siya nitong inaakit nang wala man lang itong kaalam-alam because she's careless. She flaunted her round boobs and her slender legs right in front of his eyes. Seeing her erect n*****s under his white shirt was too sexy, and he couldn't just ignore it. So, he touched it.
Naaaliw siya kahit sa mga tanong nito sa kanya. Nagawa pa nitong punahin ang mga marka ng sapatos ni Sam noong nagdaang gabi. Ngunit totoo ang kalungkutan niya sa dibdib nang maalala ang ina.
Pinadala siya nito sa Amerika pitong taon pa lang siya para doon pag-aralin kasama ang kanyang lolo. Naririnig niya lang noon na galit ang lolo niya sa kanyang ama nang maghiwalay ang mga ito. Sa una ay nagagawa pa siya nitong puntahan sa Amerika kasama ang ina hanggang sa paunti-unti ay tuluyan na siya nitong kinalimutan.
Sampung taon lang siya nang malaman niya na nagpakasal na pala ito sa iba—kay Madam Selena. Noong mga panahon na pinadala siya ng ina sa Amerika.
When he was twelve, Madam Selena made a move on him. Mula sa eskuwelahan ay sinundo siya ng kanyang driver para ihatid sa kanilang tahanan. Hindi niya akalain na dinakip na pala siya ng isang grupo. His driver was accomplice at hindi niya iyon matanggap.
Dinala siya nito sa isang liblib na lugar mula sa school, masukal at pinaliligiran ng mga puno. The men were drug addicts, tila sabog ang mga ito nang harapin siya.
“You told me that you would give me twenty thousand dollars!” reklamo ng kanyang driver matapos siyang maihatid sa mga ito.
“What are you— A fool? I’m sorry, but we don’t have a plan to give you money.” Hindi nagdalawang-isip na binaril ng isa sa mga ito ang kanyang driver.
Sa edad na dose ay naranasan niya ang makasaksi ng binabaril na nilalang ilang metro lang ang layo sa kanya. Tila umaalingawngaw pa sa kanyang pandinig ang lahat. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Ang driver niya na pinagkatiwalaan niya at pinaamo siya sa loob ng ilang taon ay nasilaw sa pera ngunit pinatay ng mga taong ito na halang ang kaluluwa. The next thing he did was running.
“s**t!” Hinabol siya ng mga ito.
Hindi na niya alam kung ilang oras, minuto at kung gaano na kalayo ang kanyang tinatakbo, walang pakialam kahit galusan siya ng mga tinik. Hanggang makakita siya ng white van malapit sa ilog. Doon siya pumasok. Takot na takot at yakap niya ang sarili. Isang babae na nakasalamin ang nakatagpo sa kanya sa van nito nang hawiin nito ang kurtina. Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito ngunit sinenyasan niya ang babae na huwag siyang isusumbong. Naroon din ang asawa nito ngunit nasa labas.
Kasabay nito ang paglapit ng grupo sa van. Tinakpan siya ng babae ng kumot.
“Have you seen a boy?” tanong ng isa sa may-edad na lalaki.
Tapat ang huli na hindi siya nito nakita kaya nakakunot ang noo nito. He turned his head to his wife. Panay ang iling niya habang lumuluha. Humihiling na huwag siyang ituro habang naroon sa tagong parte ng van.
“Who are you looking?” the old lady asked the group behind the car window.
“We are looking for a boy, he’s wearing a uniform?” halos nag-e-echo ang boses nito sa paligid.
“A boy? Don’t you think it’s funny to see a boy in here?” sagot ng asawang lalaki.
“Let me check your van!” Lumapit ang isa sa mga grupo.
“Hold on, young man! Don’t scare my wife!” Naglabas ng isang shotgun ang asawang lalaki. “We don’t see a boy! One move, and I’ll shoot your head!”
Nagtaas ng dalawang kamay ang lalaki. “Alright! Alright! F*ck!”
“Let’s go!” matalim ang mata na sabi ng isa sa grupo.
This husband and wife, Filipino doctors saved him. Ibinalik siya sa kanyang magulang mula sa kanyang identification card na ginagamit sa school. Natulala si Torin nang dahil sa trauma sa loob ng ilang linggo. He became silent for weeks, scared. Iyon naman ang naging hudyat ni Madam Estella para ipaalam sa lahat na walang kakayahan si Torin.
She declared that Torin was a special child. Para iligtas siya sa masamang plano ni Madam Selena na kaibigan nito. Weeks after, nakabawi rin naman si Torin at lumaban para protektahan din ang kanyang ina.
"Torin, don't come back for the meantime," naalala niyang sabi nito sa kanya kahit nang makatapos siya sa kolehiyo. Huli na nang malaman niya na kaya pala siya nito pinadala sa Amerika ay para hindi niya masaksihan ang paghihirap nito.
Nasa kalagitnaan siya ng giyera laban sa terorista nang makuha niya ang balitang namatay ang kanyang ina. Hindi siya pinayagan na makauwi ng Pilipinas dahil kailangan nilang tapusin ang misyon. May ilang buwan na itong namatay bago niya nakuha ang abo ng ina. Tila nauwi sa abo ang kalungkutan ng kanyang ina. Sa loob ng ilang taon ay tiniis nito nang mag-isa na harapin ang problema. Humina raw ang puso nito— ito ang natanggap niyang dahilan mula sa autopsy.
Mas lalo siyang napoot sa ama nang malaman niya na ang mommy niya ang nagmamay-ari ng sixty percent shares ng kumpanya at sa kanya nito iniwan ang lahat.
Pero tuso ang kanyang ama, kahit sa kanya iniwan ng mommy niya ang lahat, nakasaad na ito pa rin ang hahawak at magmamaniobra sa mga iyon. Gayunman, naniniwala siya na mas tuso ang asawa at anak nitong si Enzo. Unti-unti ay nagkakaroon ng shares ang dalawa sa kumpanya ng ULab—ang kanilang kumpanya na binuo pa ng kanyang lolo.
Alam niya na sa huling laban, ang mag-ina ang magwawagi. Amoy niya ang kaluluwa ng mga ito. Walang alam si Torin sa business dahil ibang mundo ang ginalawan at kinalakhan niya. Kaya naman ang tangi niyang nagawa ay manmanan ang opisina. He secretly hired personnel in ULab, and these people were the ones who are reporting to him about the company’s movement.
Sa ngayon ay mukhang epektib ang plano niya na magpanggap na walang alam sa buhay dahil hindi siya naramdaman ng mag-ina na balakid siya sa mga ito.
To lure the enemy and play with them. Ito ang natutunan niya sa buhay na mayroon siya at uunti-untiin niya ang bagong pamilya ni Mr. Agassi, ng kanyang ama.
Totoo ang kalungkutan ni Torin at totoo sa loob niya na maiyak habang ibinabahagi sa kanyang asawa ang lahat. Para kasi siyang nakakita ng kakampi sa katauhan ni Angela. Nagawa pa nitong haplusin ang kanyang buhok habang binabalikan niya ang nakaraan
But the feelings of her big boobs over his head, touching a small part of his face? Damn! He has to think of something about how to enjoy them.