Manila… “Xandrie, asaan ka na ba? Andito na ako sa arrival area.” Nagpalinga-linga pa siya’t nagbabakasakaling makita ang kaibigan, habang nasa kabilang tenga ang telepono niya. “Teka lang ito na po. Ayan nakikita na kita,” anito sa kabilang linya. Maya-maya pa nga at nakita na niya ito na nasa loob ng sasakyan. Huminto ito sa tapat niya at mabilis na bumaba ng sasakyan. “Baks!” Saglit na niyakap siya nito, “Halika na at bawal huminto ng matagal dito.” Saka pinagtulungan nilang isakay ang kanyang mga bagahe sa likod ng sasakyan nito. “Naku, finally, may makakasama na ako sa bahay. Ipinaset-up ko na din iyong magiging office natin katabi ng sala!” excited na sabi ni Xandrie habang nagmamaneho. “Hindi ka talaga excited ‘no?” napapailing na sambit niya dito. “Ayy naku, baks kung alam