“Thank you for this wonderful night,” pasasalamat ni Jaspher nang maihatid siya nito sa tapat ng gate nang tinutuluyan niya. “Maliit na bagay!” pa-cute naman niyang sambit, sabay ipit sa kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Pasensya ka na, at medyo ginabi na tayo,” sabi pa niya dito, ngumiti naman ang binata sa kanya. “Nah, it’s okay. I told you, tonight is a wonderful night. I hope this will not be the last time.” Sabay kamot nito sa batok na tila teenager na nahihiya. “I hope too,” matamis na ngiting sagot naman niya dito. Tuluyan nang nagpa-alam ang binata sa kanya. Hinintay pa niyang makaalis ang sasakyan nito, saka pumasok sa loob ng bahay nila. Kilig na kilig pa rin siya hanggang sa mga sandaling iyon. Kaya naman kahit malalim na ang gabi, ti