“Maggy, I’m coming home!” tumitiling saad ng bessy niyang si Charlie. Isang lingo na silang nakakauwi sa Pilipinas, at kasalukuyan siyang nasa taas ng three house niya. “Bessy, hindi mo kailangan sumigaw! Sakit sa tenga bakla!” reklamo niya dito, “Kailan ba ang uwi mo? Alam na ba nila ninang?” magkasunod na tanong niya dito. “But of course, not…” maarteng sabi nito. Pero teka ano daw? “Hoy baklita ka anong ibig mong sabihing but of course, not? Hindi alam nila ninang?” “Hindi na surprise ‘pag sinabi ko sa kanila. Kaya nga ikaw muna ang tinawagan ko para ikaw ang sumundo sa akin. Sa sabado ang dating ko ng madaling araw, I’ll send you my itinerary mamaya after this call,” sabi pa nito sa kanya. Napataas naman ang kilay niya sa narinig. “Hoy Charlotte, anong madaling araw ka darating a