bc

Perfect Timing (COMPLETED)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
6.4K
READ
drama
comedy
sweet
bxg
witty
office/work place
first love
sassy
Writing Academy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Adventurous na tao si Maggy, in fact nabansagan nga ito ng kaibigan na nakikipaghabulan kay kamatayan, dahil sa mga trip nitong makapigil hiningang activities. Wala siyang panahon sa love dahil na rin sa klase ng trabahong meron siya. Pangarap kasi niya ang malibot ang buong mundo at huli sa listahan niya ang boys. Kaya naman nang magsawa sa pagliliwaliw, nakisosyo siya ng negosyo sa kaibigan. Nagtayo sila ng sariling travel agency since iyon naman ang forte nila.

Hanggang sa makilala niya ang lalakeng magpapatibok ng kaniyang puso. Si Jaspher Villamonte, isang businessman na magiging client nila. Sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata ay naramdaman na niya agad si Mr. Spark. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lang mapalapit sa binata. Well, hindi naman siya nahirapan at hindi nagtagal nakuha na rin niya ang kaniyang inaasam na pag-ibig nito.

Maayos naman sana ang lahat, ngunit biglang may umieksena. Nagbabalik ang ex-fiance nitong nang-iwan dito. Ano na ngayon ang gagawin niya? Paano niya ipaglalaban ang kaniyang pag-ibig para sa binata? Piliin kaya siya nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Maggy, bumaba ka na nga d’yan sa puno ikaw na bata ka! Kow, ba’t ba kasi naigawa-gawa ka pa ng ganyan ng Papa mo d’yan? Hala bumaba ka na at kakain na!” sigaw ng kanyang lola sa ibaba ng punong kanyang kinaroroonan. “Opo ‘la, bababa na po!” ganting sigaw niya dito at saka walang pakundangang nagpadulas siya sa bakal na katabi ng puno. “Sus kong bata ka papatayin mo talaga ako sa nerbyos!” Nanlalaki ang mata ng kanyang lola sa kanyang ginawa. Ngingisi-ngisi naman siya saka lumapit dito at niyakap ito. “Maggy, ikaw ay dalaga na kaya dapat kumikilos ka ng maayos. Mamaya niyan matusok iyang ano mo diyan, naku ewan ko na lang.” Kinurot pa siya nito sa kanyang tagiliran. Tatawa-tawa naman siya habang umiilag sa kurot ng kanyang lola. Siya si Maggy, sutil, maharot, at adventurous. Ewan ba niya kung saan siya nagmana dahil ang kanyang ama’t ina naman ay mga walang hilig sa adventure. Samantalang siya, lahat na yata nang mapanganib na activities ay sinalihan na nito. Mountain climbing, cliff walking, plunge, at kung ano-ano pang mapanganib na gawain ang nakahiligan niyang gawin. Masaya siya kapag nagagawa niya ito, feeling niya kasi isa siya sa mga superheroes. “Lola, nag-iingat naman po ako. Saka pag-akyat lang naman iyan ng puno, ang baba-baba pa niyan eh.” Tingingala pa niya ang punong kanyang pinanggalingan. “Ay naku ikaw na bata ka. Kapag ikaw isang araw ay napahamak diyan sa mga pinag-gagagawa mo, ewan ko na lang sa iyo,” sermon pa nito sa kanya. Inakbayan naman niya ito at sabay na silang naglakad patungo sa kanilang bahay. She’s only 18 and currently taking up a BS Tourism course sa isang kilalang skwelahan sa kanilang probinsya. Ang mga magulang niya ay parehong professor sa ibang unibersidad sa kanilang probinsya. Sadyang pinili niyang kumuha ng ibang kurso, at mag-aral sa ibang Unibersidad. Ayaw kasi niyang pangilagan siya ng ibang studyante, kapag nalamang professor ang kanyang mga magulang. Very independent siyang tao, kaya kahit mag-isa siya ay makakaya niya. Simple lang din ang nakalakihan niyang buhay kasama ang kanyang mga magulang at lola. Wala siyang kapatid sapagkat hindi na kaya pang magbuntis ulit ng kanyang ina. Mayroon itong sakit sa obaryo, at kinailangan tanggalin ang bukol doon, dalawang taon matapos siyang isilang. Ayon sa doctor, masyado na nitong naapektuhan ang ovary ng kanyang ina, kaya kailangan na ito tanggalin pati ang bahay bata ng kanyang ina. Kaya naman kahit gustuhin pa ng kanyang mga magulang na magkaroon pa ng isang anak, ay hindi na pwede. “Maggy, pinainit mo na naman ba ang ulo ng lola mo?” tanong ng kanyang ina, na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa kanilang mesa. Humalik siya rito at saka naghugas ng mga kamay. “Naku iyang batang ‘yan, akala mo lalake kung makaakyat ng puno!” reklamo ng kanyang lola. “Grabe ‘la ha. Ang ganda-ganda ng apo niyo, tatawagin mo lang lalake?” Humahagigik pang sabi ni Maggy at naupo na sa tabi nito. “Hay naku anak, makinig ka sa lola mo. Dalaga ka na hindi ka na dapat kumikilos ng gano’n. Mamaya nasilipan ka pa diyan kaaakyat mo ng puno.” “Ma, hindi naman ako masisilipan, nasa private property ang puno natin, kaya walang magtatangkang pumasok dito. And one more thing, nakaleggings naman po ako ‘pag umaakyat ng tree house.” Pagtatanggol pa niya sa kanyang sarili, habang sumasandok ng kanin. “Kung bakit ka ba naman kasi naisipang gawan ng papa mo ng tree house.” Napapailing na wika ng kanyang ina. “Hay na ‘kow iyan nga din ang sinasabi ko diyan sa anak mo.” Pagsang-ayon pa ng lola niya. Nagkibit balikat na lang siya, at nagpatuloy na sa pagkain. “Speaking of Papa, asan nga pala siya Ma?” Naisipan niyang itanong, nang mapagtantong wala ang ama nito. “Nagpunta ng bayan at kikitain daw ang ninong mo. Mukhang namomroblema ang ninong mo kay Charlie. Nag-shift na naman daw ng course.” Si Charlie ang kababata niyang well, hindi pa naglaladlad. “Kausapin mo nga kaya si Charlie anak baka sa iyo makinig.” Tinignan pa siya ng kanyang ina. “Okay po. Hayaan niyo kakausapin ko siya kapag nagkita kami sa Monday,” sabi na lang niya sa ina. Kina lunesan, maagang nagpaalam si Maggy sa mga magulang na pumasok. Sinabi niya sa mga ito na magkikita sila ni Charlie bago mag-umpisa ang klase ng mga ito. Malapit lang naman ang kanilang unibersidad kaya nagtricycle na lang siya papasok. Madalas kasi siyang isabay ng mga magulang tuwing umaga. Maliban na lang kung may mga kailangan siyang gawin ng mas maaga katulad ngayong araw. Nagpalinga-linga siya sa malawak na ground ng kanilang university. Hinahanap niya si Charlie, dahil may usapan silang magkikita ng maaga upang pag-usapan ang problema nito. ‘Asan na ba ang baklitang ‘yon?’ Iniikot pa niyang muli ang kanyang paningin, hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang isang lalakeng kumakaway sa kanya sa di kalayuan. Agad siyang napangiti at dali-daling naglakad palapit sa kaibigan. Nang malapitan ito agad siyang inakbayan nito, at dinala sa isang bahagi ng kanilang paaralan, kung saan bihirang puntahan ng mga studyante. “Ano na girl? Sabi ni Mama magsi-shift ka na naman daw ng course?” agad niyang tanong dito, habang inaayos ang pagkakalapag ng kanyang bag sa ibabaw ng mesa. Walang kahit sino sa kanilang paaralan ang may alam sa tunay na kasarian nito maliban sa kanya. Napaamin niya ito ng minsang makita niyang may tinititigan itong larawan ng isang lalake. Simula noon naging matalik na silang magkaibigan. Madalas pa nga silang pagkamalang magkasintahan, dahil palagi silang sabay kung kumain. At kung minsan naman ay naghihintayan sila pagkatapos ng klase ng isa’t-isa. “Sis, kasi naman ayaw ko naman talaga ng mga course na gusto nilang ipakuha sa akin eh. Ayaw kong mag-Education wala doon ang passion ko girl.” Nakapangalumbabang saad nito. “Eh di sabihin mo kila ninong na ayaw mo maging guro katulad nila,” sabi naman niya, na ginaya pa ang pangangalumbaba nito. “Nagagalit na nga si Pudra kasi pangalawang shift ko na ‘to. Gusto ko lang naman ‘yong maintindihan nilang hindi ko talaga bet iyong mga pinapakuha nila sa akin.” Nagpakumpas-kumpas pa ito ng kamay. “Eh ano ba kasing gusto mo?” Nakataas ang isang kilay na tanong niya dito. “Gumawa ng gown!” Mabilis pa sa alas kwatrong sagot nito. Napahagalpak naman siya nang tawa. “Sige, pagtawanan mo ako. ‘Pag ako naging sikat na Fashion Designer, who you ka sa akin!” Inirapan pa siya nito. “Eto naman ‘di na mabiro. Eh di sabihin mo na sa parents mo na iyon ang gusto mong gawin. Maiintidihan ka naman siguro nila,” suhistyon niya sa kaibigan. Saglit din siyang natigilan ng maalalang hindi pa nga pala alam ng mga ito na isa siyang pamintang durog. “Sana nga ganun lang kadali girl.” Napabuntong hininga pa ito. “Hmmm, gusto mo tulungan kita magsabi kila ninong? Para naman hindi ka na nagtatago sa kanila. Maiintindihan ka din nila for sure.” Panghihikayat pa niya kay Charlie. “Eh paano ‘pag hindi?” maarteng tanong nito sa kanya. “Eh paano kung oo?” balik tanong naman niya dito, “Wag ka ng umarte diyan! Hindi natin malalaman ang sagot sa mga tanong natin kung hindi natin susubukan. Saka kahit anong mangyare, anak ka pa rin nila. Tiyak kong maiintindihan at matatanggap ka nila,” mahabang wika niya. Tumunog na ang bell kaya naman tumayo na sila sa kinaroroonan ng mga ito, at magka-angklang naglakad patungo sa building kung saan ang unang klase niya. Napapatingin pa sa kanila ang mga kababaehan na nakakasalubong nila. Eye catcher naman kasi talaga si Charlie, sa height nitong 5’10, at magandang pangangatawan, talaga namang agaw pansin ito sa mga babae. Idagdag pa na maputi siyang lalake, na may matangos na ilong, malalim na mga mata, may kakapalang kilay, at labing mapupula. Kung hindi nga lang ito pamintang durog malamang na niligawan na niya ito. “Sige na girl, papasok na ako. Hintayin kita mamayang uwian, at sasamahan kita sa inyo.” Pabulong na wika niya, para walang makarinig sa kanila. “Sige, pero ngayon pa lang eh ninenerbyos na ako!” Pabulong ding sabi nito. “Ms. Perez, and Mr. Rivero, tama na iyang paglalampungan niyo at nakaka-distract kayo sa ibang studyante.” Sita sa kanila ng isang guro. ‘Grabe si Ma’am lampungan agad?’ Sabay naman silang napabungisngis, at saka naghiwalay. Mamaya na lang sila uli mag-uusap pagkatapos ng kanilang mga klase.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.3K
bc

To Love Again

read
52.0K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
108.4K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
290.5K
bc

Secretly Married To The Campus King (Filipino)

read
273.9K
bc

Carrying The Billionaire's Son (Tagalog-R18)

read
481.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook