Wala sa sarili si Maggy at maghapong tahimik habang nagtatrabaho. Mabuti na lang at hindi masyadong busy ngayon kaya malaya siyang magpatumpik-tumpik sa kanyang mga gawain. Tila rin naman naintindihan siya ng mga kaibigan kaya’t walang ni isa ang kumukulit sa kanya. Ilang beses ding nagpa-uli-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Ian kaninang umaga. “Dapat pinag-uusapan agad iyan. ‘Wag mo nang patagalin iyan Magz. Ang pride parang underwear lang iyan, kung hindi mo ibababa, walang mangyayare.” Napabuntong hininga na lang siya, at malungkot pa ring napasandal sa kanyang upuan. Tinitigan lang niya ang mga bulaklak na inabot sa kanya ni Karen kanina. Magaganda ang mga iyon, ngunit hindi pa rin nakakatulong para maibsan ang kanyang kalungkutan. Maya-maya pa nagyaya ng magmiryenda si Xand