Mabigat ang pakiramdam ni Maggy ng gumising siya ng araw na iyon. Pauli-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang mga natuklasan nang manggaling sila kina Jaspher. Mainit siyang tinanggap ng pamilya nito, at mababakas ang kasiyahan ng mga ito nang makilala siya. Ngunit sa tuwing mapapasulyap siya sa kasintahan, ay tila may malalim itong iniisip. Nang tanungin niya naman ito, ay sinabi nitong pagod lang siguro ito. Hindi na siya nagtangkang kulitin pa ito. Matapos ang munting salo-salo ay inihatid na siya nito sa kanilang bahay. Malambing pa rin naman ito, ngunit parang may nabago. Hindi na lang niya ito inusisa. Nadatnan niyang nagkwekwentuhan sina Karen at Xandrie sa kusina. Nagtatawanan ang dalawa at ng tanungin niya ang mga ito ay walang sumagot. Bahagya siyang nalungkot ngunit hindi ipina