Isang buwan ang nakalipas. Nagpaalam siya kina Xandrie na uuwi muna sa probinsya dahil sa opening ng boutique ni Charlie. Hindi nakasama si Jaspher dahil madami daw itong aasikasuhing trabaho. Nang makarating siya sa kanilang bahay, ay agad siyang tinanong ng lola niya kung nasaan ang kanyang kasintahan. “Lola, nakakahalata na ako sa inyo ha, palaging si Jaspher ang hinahanap ninyo. Hindi mo na ba ako nami-miss?” kunwa’y nagtatampo siya dito at nakalabi pa siyang tumingin sa lola. “Kow, ikaw na bata ka. Syempre na-miss kita apo. Natanong ko lang naman kung nasaan ang kasintahan mo.” “Busy po ‘la. Madaming trabaho eh,” sabi na lang niya sa matanda. “Ganoon ba? O siya, ika’y magpahinga na muna at maghahain lang ako saglit ng makakain na tayo.” Nagtungo na ito sa kusina. Agad naman siyan