“Welcome to my humble home!” Namangha naman ang mga kasama niya nang makita ang kanilang malawak na bakuran. “Wow Ms. Maggy, bahay niyo ito?” manghang tanong ni Chris sa kanya. “Hindi sa kapit bahay namin ‘to, makikigamit lang tayo,” pilosopong sagot niya dito. “Joke lang, sa amin ito. Actually, sa lola ko. Pasok kayo.” Nagkanya-kanya nang hanap ng upuan ang mga ito. Siya namang labas ng lola niya. Agad siyang lumapit dito, at saka yumakap at humalik. “Magandang hapon po!” magkakapanabay na bati ng mga ito sa kanyang lola. “Magandang hapon din mga apo. Kayo ba’y kumain na?” tanong ng lola niya. “Hindi pa po lola. Gutom na ang mga iyan for sure,” sagot niya dito, saka sila nginitian. Nagsipagsang-ayunan naman ang mga kasama. “Tara na sa likod bahay, at nagpahanda na ako doon sa