Matuling lumipas ang mga araw, lingo, at buwan. Nananatili silang matatag at matibay ni Jaspher. Wala na siyang mahihiling pa sa pagiging mabait, maasikaso, at napakalambing na kasintahan nito. Sa kabila ng mga busy nilang schedules, talagang naisisingit nila ang magkita kahit tatlong beses sa isang lingo. Naipakilala na din niya ito sa mommy ni Xandrie, na itinuring na din niyang ina sa mga nakalipas na taon. Pormal na din niyang naipakilala sa kanila si Jaspher bilang kanyang nobyo. Flashback… Dalawang buwan matapos niyang sagutin ang kasintahan, ay lumipad sila patungong Bohol upang pormal na ipakilala ang kasintahan sa kanyang pamilya. Labis ang katuwaan ng kanyang lola ng ibalita niya ito sa kanila. “Sa wakas at mapapanatag na ang aming kalooban ngayong alam naming may ma