“Baks, birthday na ni mommy ah. May regalo ka na ba?” Nagliligpit sila noon ng mga gamit, nang maalala niyang itanong sa kaibigan ang tungkol doon. “Ano na bang petsa ngayon?” Saglit na tinignan nito ang kalendaryo na nakapatong sa lamesa nito. “Shocks! Baks, buti pinaalala mo nawala sa isip ko! Yari ako kay mommy ‘pag hindi ko man lang siya mapuntahan. Samahan mo ako!” Paglalambing ng kaibigan niya sa kanya. “Okay, teka bihis muna tayo. Maaga pa naman saka doon na din tayo kumain.” Pagkasabi niyon, ay nagkanya-kanya na silang tungo sa kanilang kwarto, at mabilis na nagbihis. Kasalukuyan siyang namimili ng ire-regalo sa mommy ni Xandrie, ng bigla siya nitong hatakin, at mabilis na naglakad palayo. Nagtataka man ay nagpatianod na lang siya dito. Tila nakakita ito ng multo sa bilis ng