‘Welcome on-board self!’ Nakangiti siya habang tinitignan ang barkong kanyang sasampahan. Namamangha siyang pagmasdan kung gaano kalaki ang barko sa kanyang harapan. Sinalubong sila ng HR team, at dinala sa isang kwarto kung saan gaganapin ang kanilang unang training. Na-eexcite na talaga siya sa mga kaganapang mangyayare sa kanya sa loob ng anim na bwan. Matapos ang meeting, at training nila, ay nanatili siya roon upang hintayin ang isa sa mga kasamahan niya sa department na susundo sa kanya. Hindi nagtagal at dumating na ito. Nakangiting bumati ito sa kanya. “Hi, I’m Xandrie your buddy and your cabin mate.” Pakilala nito sa kanya. Sanay naman siyang makipag-communicate sa ibang lahi dahil sa klase ng trabahong meron siya noon. “Hello, I’m Maggy.” Nakipagkamay pa siya dito. Magand