Chapter 22:KUWEBA

1354 Words
"Sir Alex, pagkatapos ng pamamasyal natin, dadaan tayo kina Nanay Posey. Sabi niya doon na tayo kakain ng hapunan," tumango siya at hinimok ang kabayo, binilisan ang takbo patungo sa gilid ng bukid. "Sir, medyo malayo na ang narating natin. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, mahigpit na nakakapit sa baywang niya. "May bibisitahin ako roon, Maria. Kailangan nating makarating doon sa tamang oras," diretso niyang sagot. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid habang mabilis na tumatakbo ang kabayo. "Sir, parang may nakasunod sa atin!" bulalas ko. Nakita ko ang ilang kabayo sa malayo, mabilis ding tumatakbo at papalapit sa amin. Biglang hininto ni Sir Alex ang kabayong sinasakyan namin at sinuri ang sitwasyon. "Lumipat ka sa unahan ko, Maria," utos niya, matatag at diretso ang boses habang pinagmamasdan ang ilang taong nakasakay sa kabayo. "Ha, sagot ko," "Wag nang maraming tanong. Sundin mo lang ang sinabi ko. Bumaba ka, dali, at pumunta ka sa harap ko." "Opo, sir," bumaba ako sa kabayo at agad niya akong tinulungan sumakay sa harap niya. "Humawak ka nang mahigpit, Maria," sabi niya. Habang papalapit ang grupo ng mga taong nakasakay sa kanilang kabayo, nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita si Hades na nakasakay sa kabayo kasama ang kanyang mga tauhan, dala ang iba't ibang sandata. "Sir Alex!" nauutal kong sambit, nanginginig ang boses ko sa takot. Hinimok niya ang kabayo na sinasakyan namin at mabilis na pinatakbo, pero naghahabol sa amin si Hades at ang mga tauhan niya. "Sir, ano na ang gagawin natin?" tanong ko, nag-aalala habang nakatingin sa mga nagkakalat na tauhan ni Hades. Ang kabayong sinasakyan namin ay nagwawala, nagtatadyakan pakanan at pakaliwa habang nagpapaulan sila ng bala sa amin. "Mas pinabilis pa ang pagtakbo ng kabayo na sinasakyan namin hanggang sa makarating kami sa isang liblib na lugar. Agad niyang pinahinto ang kabayo at maingat na sinuri ang lumang tulay na kawayan. Mukhang matagal nang hindi dinadaanan, at ang mga kahoy ay mukhang nabubulok na. Panigurado ako na kung tatawid kami, babagsak kami. Napalunok ako ng sunod-sunod habang nakatitig sa ilog. Ang lakas ng agos ng tubig, at ang tulay ay napakataas sa ilog. "Panginoon, patnubayan mo po kami at iligtas mula sa panganib, dalangin ko. Naririnig ko ang mahina na paghinga ni Sir Alex, at tila nag-aalala rin siya." Bigla kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Hades. Nagsalita siya mula sa likuran namin. "Mr. De Gutierrez, wala ka nang mapupuntahan pa. Ibigay mo sa akin ang babaeng iyan, at hahayaan kitang umalis. Tinitiyak ko sa iyo, lalabas ka nang buhay dito." "Sir," nautal kong sabi, tumulo ang luha sa aking mata. "Ibigay mo na lang ako sa kanila, Sir. Ako ang kailangan nila. Ayoko na mapahamak ka dahil sa akin." Mahina akong bumaba sa kabayo, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang aking braso bago nagsalita. "Sino ang nagsabi sa'yo na ibibigay kita sa demonyong iyon, Maria? Kailangan niyang dumaan sa aking bangkay bago ka nila makuha sa akin." "Ano bang iniisip mo sa akin, ha? Hindi kita mapagtatanggol sa kanila." At saka niya pinitik ang noo ko habang nakangiti at agad na humarap kay Hades. "Mali ka, Mr. Acosta. Sa tingin mo ba basta-basta ko lang ibibigay siya sa 'yo? Ipaalala ko lang na tatakbo ka para sa pagka-mayor ng bayan ng Isidro sa darating na halalan. Sa tingin mo ba iboboto ka ng mga tao kung malaman 'to?" "Nagkakamali ka, Mr. De Gutierrez, dahil sigurado ako na walang bakas na matatagpuan dito." "Tingnan natin, Mr. Acosta," sagot ni Sir Alex, hinihila pabalik ang kabayo na sinasakyan namin. "Kung hindi siya mapunta sa akin, hindi rin siya mapupunta sa'yo, o sa kahit sinong lalaki, Mr. De Gutierrez. Patayin sila," utos niya, malamig at diretso ang boses. Kumalabog ng husto ang puso ko nang biglang pinapatakbo ni Sir Alex ang kabayo patungo sa tulay. Narinig ko ang mahinang pag-ubo niya habang umuulan ng bala sa amin. "Ipikit ang mga mata mo, Maria," sabi niya habang mabilis na tumatakbo ang kabayo sa tulay. Narinig ko ang pag-crack ng sirang kahoy at ang pagbagsak nito sa likod namin. "Sir Alex!" sigaw ko, mahigpit na nakahawak sa kabayo habang nararamdaman kong nagbibigay-daan ang tulay. Tumalon ang kabayo. "Sir Alex, nakatawid tayo sa tulay nang walang gasgas!" sabi ko ng may malapad na ngiti, nakahinga nang maluwag. Pero pagkatapos, sa isang nakakabinging pagbagsak, gumuho ang tulay sa ilog. Agad akong napatingin kay Sir Alex nang marinig kong humigop siya nang mahina at biglang bumagsak sa sahig. "Sir Alex, sir, ayos ka lang ba?" tanong ko, at mahigpit siyang niyakap. Tumigil ako nang may naramdaman akong basa sa likod niya. Dali-dali akong tumingin, at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita kong may dugo na tumutulo sa likod niya. "Sir Alex, kumapit ka," sabi ko, nanginginig ang buong katawan. "Ano ang gagawin ko?" tanong ko sa aking sarili, nang biglang nag-ingay ang langit dahil sa kulog, kasabay ng kidlat. Parang nakikiramay sa amin ang bagyo, at mukhang uulan na rin ng malakas. Dali-dali kong tinulungan si Sir Alex, inilagay ang isang kamay niya sa aking balikat habang hawak ang baywang niya. Naglakad kami patungo sa sulok ng lugar. Hindi kami pwedeng manatili dito sa ilalim ng puno; napakalakas ng ulan. "Sir Alex, malapit na tayo," sabi ko, pareho kaming nababasa dahil sa malakas na ulan. Ilang sandali lang, nakita ko ang isang maliit na kuweba malapit sa amin. Mabilis akong naglakad patungo doon at pumasok. Medyo madilim sa loob. Agad kong inihiga si Sir Alex sa malawak na damuhan sa loob ng kuweba at saka kinapa ang kanyang mga bulsa. Mabilis kong kinuha ang kanyang lighter at saka naghanap ng mga kahoy panggatong para magkaroon ng liwanag dito sa loob ng yungib. Sa wakas, nagliwanag ang paligid. Mahina akong bumulong at agad na inilibot ang paningin ko, sinusuri ang paligid. Mabilis akong bumalik kay Sir Alex na nakahiga sa damuhan, nanginginig ang buong katawan. Lumapit ako sa kanya at nilagay ang kamay ko sa noo niya. "Mainit ka, Sir. Ang taas ng lagnat mo. Ano ang gagawin ko?" Nag-panic ako, nakaramdam ng takot habang nakikita siyang napapikit at nanginginig dahil sa sobrang init. "Maria, mag-isip ka ng paraan," bulong ko sa sarili ko. "Iiwan ko lang po kayo sandali, kukuha lang ako ng mga dahon para sa sugat ninyo," sabi ko, tumayo at mabilis na umalis sa kanyang harapan. Agad akong lumabas ng kweba. Malakas pa rin ang ulan. Napangiti ako nang makita ko ang isang maliit na puno ng bayabas malapit sa kinatatayuan ko. Mabilis akong kumuha ng ilang dahon nito at nagmadaling bumalik sa loob ng kweba. Agad ko itong dinurog hanggang sa maging pino. Tiningnan ko siya, nakahandusay pa rin sa damo sa parehong posisyon. Mabilis kong hinubad ang puting kamiseta niya at nilagyan ng katas ng bayabas ang tama ng bala. Pagkatapos, pinunit ko ang laylayan ng pulang damit ko at inilagay ito sa katawan niya, kasama ang mga dinurog na dahon. Bakit hindi pa rin bumababa ang lagnat niya? "Huwag kang mag-panic!" Maria, tugon ko sa sarili, halos maiyak sa sobrang pag-aalala." "Ano pa ba ang gagawin ko, sir? Wala na akong maisip kundi ang hubarin ang damit ko at yakapin siya. Bahala na si Batman kung anong mangyari," sabi ko habang hinuhubad ang pulang damit ko. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit habang pareho kaming nakahubad. Ang tanging suot ko lang ay bra at panty. Magkadikit na ang katawan namin dahil sa sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. "Maria," nauutal niyang sabi. Ramdam ko ang mabagal niyang paghinga at naamoy ko ang mabangong hininga niya. "Sir, wag mo naman akong takutin ng ganito, oh. Parang awa muna," sabi ko habang pilit niyang binubuksan ang dalawang mata niya na halos magkadikit na ang mga labi namin. "I'm fine, Maria. Don't cry, okay?" sabay ubo niya. "Sir, talagang ayos ka lang?" "Wag kang mag-alala, ayos lang ako," sabay punas sa mga luhang umaagos sa mata ko. "Sobrang lamig," bulong ko na ngayon ay nakahubad na. Napatingin ako kay Sir Alex, na dilat ng husto ang mga mata sa pagtataka nang makita akong nakahubad sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD