Chapter 50:ALAK

1202 Words
Nakaupo ako ngayon sa kantina, pinapanood si Ivy. Malapad ang ngiti niya habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya, medyo malayo sa akin. Tumayo ako, pero napahinto nang makita kong papalapit si Sir Alex kay Ivy. "Isabela, pwede ba tayong mag-usap?" diretsong sabi niya. "Syempre naman, Alex, ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ni Ivy sa kanya. Kumulo ang dugo ko nang makita kong agad na pinalupot ni Ivy ang kamay niya kay Sir Alex at hinimas ang braso nito. Mabilis akong lumabas ng kantina nang biglang nagsalita si Ivy. "Maria, sandali lang." Huminto ako at humarap sa kanila, nakikita ko pa rin ang kamay niyang nakapalibot sa braso ni Sir Alex. "May kailangan ka ba, Ivy?" diretso kong tanong. "Wala naman, Maria. Gusto ko lang ipaalam na tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Ivy. Simula ngayon, tawagin mo akong Isabela De Gutierrez, dahil 'yan ang totoong pangalan ko." "Ivy, 'yon ba talaga ang tunay mong pangalan? Pasensya na, pero hindi kita matatawag ng ganyan. Pareho nating alam ang totoo dito," mabilis kong tiningnan si Sir Alex, na nakatulala lang. Tinalikuran ko silang dalawa at umatras, pero napatigil ako nang bigla siyang magsalita ulit. "Simula ngayon, wala ka nang trabaho dito sa kumpanya, Maria. Tinatanggal kita bilang modelo." Bahagyang tumango ako at tuluyan nang umalis sa kanilang harapan. Habang mabilis akong naglalakad sa pasilyo ng kumpanya palabas, "Miss Maria." tawag ni Claire, Lumapit ako at tinanong, "Ano 'yon, Claire?" "Itatanong ko lang sana kung ano po ang mga plano niyo para sa araw na ito." "Gusto kong mag-isa, Claire. Pwede ka bang sumama sa akin?" "Siyempre po. Saan gustong niyong pumunta, Miss Maria?" "Hindi ko alam. Gusto ko lang mapag-isa at malayo dito." "Ayos lang ba ang lahat sa inyo ni Boss Alex?" Hindi naman sa nakikialam ako, pero napansin ko lang na iba na ang kilos ni Boss nitong mga nakaraang araw. Hindi na siya kagaya ng dati." "Hayaan na lang muna natin siya, Claire," sabi ko, kahit na masakit sa akin ang mga ginagawa niya. Hindi ko siya nakakausap buong araw. Kahit nakikita niya akong mag-isa, parang walang kabuluhan sa kanya." "Gusto kong umiyak at sabihin kung gaano niya ako nasasaktan, pero kailangan kong maging matatag. Ngayon alam ko na, mag-isa akong lumalaban dito." Mabilis kong pinunasan ang mga luhang palihim na tumulo mula sa aking mga mata. "Tama siya; kailangan kong patigasin ang puso ko. Hindi dapat ako magpapahina," bulong ko sa sarili. "Ayos ka lang ba, Miss Maria?" tanong ni Claire, na nagpabalik sa akin sa realidad. Bago pa ako makasagot, "Ayos lang ako, Claire. Salamat." Agad akong naglakad patungo sa exit ng kumpanya, ngunit napatigil ako nang makita si Tatang Danilo na nakatayo roon. Nang makita niya ako, mabilis siyang lumapit. "Kumusta ka, Anak?" diretsong sabi niya, at nag-akmang hawakan ang kamay ko. Agad kong tinanggihan ang kamay niya at nagsalita, "Anak? Kailan pa ako naging anak mo, Tang? Simula pagkabata, hindi ko narinig 'yan mula sa'yo at kay Tiyang Susan, pero ngayon madalas na kitang naririnig na tinatawag akong 'anak.'" "Halos marape mo na ako noon; marahil nakalimutan mo na 'yon. Pinatay mo ako. Minsan, kahit ang taong pinakamalapit sa akin, ang taong nag-iisa lang na nagmahal sa akin, ang taong ipagtatanggol ako kahit alam niyang ang kapalit ay ang kanyang buhay, ay pinatay mo. Kriminal ka;" "Pangako ko, babayaran mo ang ginawa mo sa akin at kay Simon." Habang tumutulo ang luha ko, mabilis ko itong pinunasan at iniwan siya. "Maria, anak, hindi ko iyon intensyon. Nabigla lang ako at naapaw ang emosyon ko. Patawarin mo ako." "Patawad? Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin. Kinamumuhian ko kayo ni Tiyang Susan." Mabilis akong naglakad sa kalye, hindi alam kung saan ako pupunta. Ayoko nang bumalik sa bahay ni Sir Alex. Ano pa ba ang silbi ng pananatili ko sa kanya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito sa akin ngayon. Tumigil ako at tinitigan ang isang gusali na nagniningning ng iba't ibang kulay na ilaw. Pumasok ako, kahit na hindi ko alam kung anong uri ng lugar ito. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar, pero ngayon, papasok akong mag-isa. Pagpasok ko, sinalubong ako ng malakas na musika at nakita kong sumasayaw ang mga tao sa gitna, naliligo sa makukulay na ilaw, at may hawak na mga inumin. Parang ang saya-saya at walang problema ang mga mukha nila. Napangiti ako habang pinapanood sila. Umupo ako sa bakanteng lamesa at nag-order ng inumin. Habang naghihintay ako, nilibot ko ang paningin sa paligid. Parang ang saya-saya nilang lahat. Bigla akong naibalik sa realidad nang iabot sa akin ang bote ng alak na inorder ko. Agad akong sumimsim. "Anong klase ba 'yang alak na 'yan? Ang pait naman!" bulong ko sa sarili, kunot ang noo sa pagtataka. Hindi ko maunawaan ang lasa. Pero patuloy pa rin akong sumimsim hanggang sa maramdaman ko ang epekto ng alak. "Wow, ang saya-saya ko! Parang wala akong problema sa mundo!" sigaw ko habang sumasayaw sa gitna ng silid. Ganito pala ang pakiramdam ng lasing. Bigla na lang tumulo ang luha ko nang naisip ko si Sir Alex. Bakit ba nangyayari ito? Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa'yo? Totoo, ayoko kitang maging kapatid, Sir, dahil mahal kita. Mahal na mahal kita. Naiintindihan mo ba? Bakit hindi mo nakikita? Nasasaktan din ako. Ayoko maging kadugo mo. Bakit ang lupit ng tadhana sa akin? Ano bang ginawa kong mali? Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Sir, akala ko lagi kang nasa tabi ko, anuman ang mangyari. Nangako kang poprotektahan mo ako, kahit ano pa man. Pero ngayon, ano ba 'tong ginagawa mo? Parang itinatapon mo muna ako dahil ba wala na akong halaga sa 'yo. Ito ba ang tawag mong pagmamahal, Sir? daing ko ng malakas, halos lahat nakatingin sa akin habang hawak ang isang bote ng alak at agad ininom at dire-diretso ang paglagok, sa lalamunan ko. Bigla na lang may humawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya; nanlalabo ang paningin ko. "Huwag mo akong hawakan," daing ko, tinatanggal ang kamay niya. "Bitawan mo nga ako," sabi ko, umatras. Natisod-tisod pa ako, naghahanap ng mauupuan. Agad akong nag-order ng isa pang inumin. "Bakit mo ba ako sinusundan? Huh! Sino ka ba?" tanong ko nang makita kong umupo siya sa tabi ko. "Huwag mong sabihin na may nararamdaman ka rin para sa akin, o na naaakit ka sa katawan ko. Kayo talagang mga lalaki, pagkatapos ninyong makuha ang gusto ninyo sa aming mga babae at mangako ng kung anu-ano, iiwan niyo na lang din kami sa ere!" Tumulo na naman ang luha at hindi ko na napigilan ang paghikbi. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kailangan kong umiyak para mailabas ko lahat ng sakit na aking nararamdaman. Alam mo ba ang ibig kong sabihin? Tiningnan niya ako at saka nag-order ng inumin. "Pipi ka ba, O bigni?" tanong ko, pilit kong iminulat ang mga mata ko. Bigla na lang may lalaking lumapit sa akin at agad akong binuhat na parang sako ng bigas. "Ibaba mo nga ako!" sigaw ko. "Bro, ibaba mo siya!" aniya ng lalaki sa kanya, sabay harang sa lalaking nagbuhat sa akin. "Wag kang humarang sa daanan ko," sagot niya na may malamig na tono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD