Habang tumatakbo ako sa kalye, bigla akong napatigil nang may kotse na biglang sumingit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may ilang lalaki na bumaba sa kotse at mabilis na naglakad palapit sa aking kinatatayuan. Awtomatiko akong umatras ng tatlong hakbang, pinapanood sila habang papalapit.
Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko at lumiko sa ibang kalye, pero napilitan akong huminto nang makita kong may isa pang grupo na nakaharang sa daan. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, naghahanap ng paraan para makalusot. Napahinga ako nang malalim at kinuyom ang mga kamao. Bigla na lang may humawak sa kamay ko at binuhat ako na parang isang sakong bigas papasok sa sasakyan nila.
Mabilis kong siniko sa ulo ang lalaking nagbubuhat sa akin, tumilapon nang nabitawan niya ako, saka ko siya sinipa sa leeg, at naghanda nang mapansin kong nakatutok sa akin ang mga baril nila.
Sabay-sabay silang lumingon nang may biglang sumipa sa kanila mula sa likuran.
"Maria, ayos ka lang ba?" diretsong tanong ni Paula. Mabilis akong tumango sa kanya habang nakikita kong nag-aaway sina Claire at Mike sa mga hindi kilalang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mabilis na hinugot ni Paula ang baril niya, at sunod-sunod na umalingawngaw ang malalakas na putok na tumama sa mga hindi kilalang lalaki. Bigla akong napalingon nang may isa pang putok na umalingawngaw.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakahandusay sa sahig ang isang lalaki, patay.
"Sir!" diretso kong tawag sa kanya.
"Pasensya na kung medyo na-late ako, Ma," sabi niya habang mahigpit akong niyakap.
Nagkatinginan sina Claire, Mike, at Paula, hindi makapaniwala sa nangyari.
"Sino sila? Bakit ka nila hinahabol, Maria?" nagtatakang tanong ni Paula.
"Hindi ko rin alam, Paula, kung bakit nila ako hinahabol," diretso kong sagot.
"Alam ko kung bakit, Paula," sagot ni Claire. Sabay-sabay kaming lumingon sa kanya.
"Sa tingin mo ba niloloko nila si Tita Amor? Hindi tunay na anak ni Tita si Ivy, kundi si Maria?" Pero bakit naman nila gagawin 'yon, Claire?"
"Simple lang: para sa pera. Nakita nila kung gaano kayaman si Ma'am Amor. Syempre, gagawin nila ang lahat para makuha ang pera niya sa pamamagitan ni Ivy. Ibinenta na nila si Maria kay Hades Acosta noon." Kaya sigurado akong kaya pa rin nilang gawin 'yon ngayon."
"Tara na, umalis na tayo dito bago dumating ang pulis," singit ni Sir Alex sa usapan nila. Dali-dali kaming umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa hotel kung saan ako tumutuloy kasama si Sir Alex.
Pagkapasok namin, nagulat ako nang biglang sinuntok ni Sir Alex ang mesa.
"Nakikita mo ba ang nangyari kanina, Maria? Bakit ka umalis mag-isa? Alam mo namang delikado. Paano kung nahuli ka nila?" sigaw niya sa akin.
"Sir, bakit kayo galit sa akin? Kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko," sagot ko.
"Ganyan ba ang iniisip mo, Maria? Paano kung pinatay ka nila? Ha?"
"Sir, hindi ko maintindihan kung bakit galit ka sa akin ngayon." Tumingin siya sa akin nang diretso at huminga ng malalim.
"Ma, umalis na tayo dito. Lumayo tayo sa lugar na 'to. Kalimutan muna natin lahat ng nangyari."
"Ano ang ibig niyong sabihin, Sir Alex?" Mabilis siyang umupo sa sofa, kumuha ng sigarilyo, at sinindihan ito. Sunod-sunod niyang hinithit ang usok.
"Sir, may alam ka ba dito? Kilala niyo yung mga taong naghahabol sa akin kanina?" Tumigil siya at tumingin lang sa akin.
"Sir, sabihin niyo sa akin ang totoo. Kilala niyo sila?"
"Magpahinga ka na, Ma. Gagawa ako ng paraan kung paano malulutas 'to," sabi niya, at nagsindi ulit ng sigarilyo. Tiningnan ko muna siya bago naglakad papunta sa kwarto nang bigla siyang magsalita.
"Ma, ikaw ba talaga ang nawawalang kapatid ko?" diretso niyang tanong. Napahinto ako at humarap sa kanya.
"Hindi ko alam, Sir. Hindi ko nga alam kung sino ang mga magulang ko."
"Hindi ko rin alam kung si Ma'am Amor ang nawawalang Nanay ko," sagot ko.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay bago nagsalita.
"Ayoko, Ma. Ayoko maging kapatid mo. Hindi ko matatanggap na ikaw ang nawawalang kapatid ko," daing niya.
"Sir Alex," mahal na din kita, sabi ko sa sarili, tumutulo ang aking luha. "Paano kung totoong magka-dugo kami?"
"Ma, umalis na tayo dito. Pakiusap."
"P-Pero, Sir..." nakita kong dumilim ang mukha niya. Binitawan niya ang mga kamay ko at dumiretso sa kusina, binuksan ang ref.
Kumuha siya ng isang bote ng alak at binuksan ito. Ininom niya ng diretso, habang sinusubo ang buong bote at inubos sa ilang lagok lang.
"Ano bang problema ng lalaking 'to?" Naiintindihan kong nag-aalala siya sa akin, pero hindi ito ang reaksyon na gusto kong makita mula sa kanya. Hindi kaya kilala niya ang mga lalaking 'yon,
"Ma?" aniya. talaga bang bato na 'yong puso mo? Kaya mo nang lumaban?" tanong niya, kumuha ng isang pang bote ng alak at ininom ito. Napako ang tingin ko sa lalamunan niya nang makitang umaalon-alon ang alak sa kanyang leeg.
"Sir, tama na 'yan, lasing ka na," diretso kong sabi. Hinawakan ko ang magkabilang mukha niya; nakalubog ang mga mata. Sa totoo lang, gusto kong umiyak at manginig sa takot, pero kailangan kong magpakatatag at ipakita sa kanya na kaya kong lumaban.
"Ma," daing niya. Niyakap ako ng mahigpit habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya akong kargahin at pinatong sa malaking sofa.
"Gusto kong angkinin ka ngayon, Ma. Papayagan mo ba ako?" aniya.
"Sir, imposible ang iniisip mo."
"At bakit naman imposible, Ma? Dahil sa mga paratang nila sa'yo, hindi kita kailanman matatanggap bilang kapatid. Naiintindihan mo? Hindi ikaw si Isabela."
Nanlaki ang mga mata ko at sabay-sabay na tumulo ang luha nang bigla niyang punitin ang damit ko at agad na halikan ng marahas sa labi papunta sa aking leeg.
Ano ba, Sir Alex? Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako! Napasigaw ako ng pilit niyang ipinapasok ang kamay niya sa damit ko at agad na hinawakan ang magkabilang dibdib sabay halik sa leeg ng marahas.
Napaluha sa hindi makapaniwalang magagawa sa akin ito ngayon ni Sir Alex.Nang bigla kong makita si Senyorito Hades sa aking paningin, nanginginig ang buong katawan ko sa takot, nawalan ng lakas. Para akong batong nakahiga, naninigas sa malaking sofa.Tumigil siya at tumayo.
"Diba sabi mo kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo? sabi mo matapang ka na? Diba sabi mo bato ang puso mo, hindi na masasaktan? Hindi ka nagbago, Maria. mahina ka pa rin, tulad ng dati," daing niya, at saka nagpahakbang papunta sa kwarto.
Pinanood ko siyang umalis, sinusundan siya ng mga mata ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko.