Dali-dali akong naglakad sa pasilyo ng kumpanya patungo sa isang silid. Kanina pa ako tinawagan ni Paula at sinabi niyang kukuhanan ako ng litrato para sa unang trabaho ko. Binigyan nila ako ng trabaho sa pagmomodelo para sa bagong sangay na bubuksan ng kumpanya. Bigla akong napatigil nang harangan ako ni Ivy.
"Maria," tawag niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad nang bigla niyang hilahin ang buhok ko mula sa likuran. Natigilan ako, at sumakit ang leeg ko dahil sa lakas ng paghila niya.
Mabilis kong binawi ang buhok ko mula sa kanya at sinabi, "Ano ba ang problema mo, Ivy?"
"Ikaw ang problema dito. Simula nang dumating ka sa kumpanyang ito, nakukuha mo lahat ng atensyon nila, lalo na si Alex."
"Sino ka ba talaga, Maria? Ikaw ba talaga si Labanos? Pero imposible. Sinabi ni Tatang na nahulog ka sa bangin. Paano ka nakaligtas? Labanos.
"Iyan ba ang sinabi ni Tatang, Ivy? At tama ka, ako nga si Labanos, buhay at humihinga pa."
"A-Ano?"
"Hindi ka naman siguro bingi, diba? At narinig mo ang sinabi? Hindi ko na hahayaan na saktan mo ako, Ivy.
"Ah! Lumalaban ka na ngayon? Nagkamali ka, at sigurado akong pagsisisihan mo kung bumalik ka pa rito."
"At anong gagawin mo? Ibenta mo ulit ako, halayin, at patayin? Ganun ba, Ivy? Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang nangyari sa akin noon. Kaya dahan-dahan ka sa pagsasalita mo sa akin kung ayaw mong lalabanan kita sa kahit anong paraan."
Hindi na ako katulad ng labanos na kilala at nakasama mo, umiiyak lang sa gilid.
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Paula.
"May nangyayari ba dito?" diretsong tanong niya habang nakatingin sa aming dalawa.
"Wala naman, trabaho lang ang pinag-uusapan namin ni Maria," sagot ni Ivy.
Tumingin sa akin si Paula, bahagyang naningkit ang mga mata.
"Tama si Ivy; nag-uusap lang kami," sabi ko.
"Tara na, kanina pa kayo hinihintay sa kwarto," tugon ni Paula. Agad kaming nagtungo sa kwarto, at nakita ko si Sir Alex na nakaupo.
"Anong ginagawa ni Sir Alex dito?" bulong ko sa sarili.
"Alex," sabi ni Ivy, marahang inilagay ang kamay niya sa braso nito.
"Alex," tawag ni Paula. Agad siyang lumingon sa amin. Mabilis na inalis ni Sir Alex ang kamay niya mula kay Ivy at lumapit sa amin.
"Ma," daing niya, inilagay ang braso sa baywang ko, "Masaya ako na nandito ka na," aniya. Mabilis kong kinuha ang kamay niya at umatras.
"Ma, may problema ba?" tanong niya. Tiningnan ko siya ng diretso, ngumiti, at sumagot,
"Wala naman, sir. Napadalas yata ang pagkakahawak niya sa braso mo," sabi ko, bahagyang nagtatampo.
" Tumawa siya ng maiksi at pinisil ang ilong ko.
"Nagseselos ka sa kanya?" aniya.
"Selos? Hindi, ah," sagot ko, seryoso ang mukha.
"Talaga? Hindi ka nagseselos?" tugon niya, ngunit naputol ang pag-uusap namin ng tinawag ako ni Paula.
"Maria, halika dito," aniya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya para kuhanan ako ng litrato.
Nagulat ako nang lumapit si Sir Alex at umupo sa tabi ko habang kinukuhanan ako ng litrato.
"Ano ang ginagawa niyo, sir?" tanong ko. Tiningnan niya lang ako at ngumiti sa camera.
"Pwede ba kayong mas magkalapit ng konti?" sabi ng photographer.
Agad na inilagay ni Sir Alex ang braso niya sa baywang ko at nilapit ang mukha niya palapit sa akin. Parang tumigil ang mundo ko nang magtama ang mga mata namin.
"Mahal kita, Ma," bulong niya, saka hinalikan ang labi ko.
"Sir, ano ba ang ginagawa mo? Nakatingin sila sa atin," nahihiyang sabi ko.
"Eh! Ano naman kung nakatingin sila? Wala akong pakialam. Kaya tigilan mo na ang pagseselos kay Ivy, okay?"
"Hay! Salamat, natapos na rin kaming magpa-picture," bulong ko.
"Ma, okay ka lang ba?" tanong niya, sabay abot sa akin ng isang bote ng tubig.
"Sabay na tayong umuwi mamaya, ha?" sabi niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Pagkalipas ng dalawang oras.
Nakaupo kami sa sala, nanonood ng TV nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang tiningnan kung sino ang tumatawag at saka ibinaba ang tawag.
Sinulyapan ko ulit ang cellphone niya nang tumunog ulit ito. Agad niyang sinagot at nagsimula nang mag-usap.
"Ano ba ang kailangan mo?!" singhal niya na galit.
"Hindi mo ba naiintindihan? Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa'yo, wag kang tatawag kung hindi tungkol sa trabaho?" Agad niyang ibinaba ang cellphone niya. "Istorbo," bulong niya sa sarili.
"Sir, ayos ka lang ba?" tanong ko.
"Tiningnan niya lang ako at sinabi, 'Halika ka nga rito, sobrang na-miss kita. Simula nang magtrabaho ka, wala na tayong oras sa isa't isa. Nagtatampo na ako dahil pakiramdam ko may kahati ako sa oras mo.'"
"Bakit hindi ka na lang mag-tambay sa opisina ko buong araw?" pang-aasar niya.
"Ha! Mag-tambay? Seryoso ka, Sir? Imposible naman 'yon, at saka, mukhang masaya ka naman kasama si Ivy," ganti ko, may halong biro. Pinitik niya ng mapaglaro ang noo ko.
"Ibibigay mo na ba ako sa iba, Ma? Bakit ka nagsasalita ng ganyan? Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo, hindi ko gusto si Ivy."
"Eh, bakit hinahayaan mong kumapit siya sa braso mo? Wala ka man lang reaksyon," sabi ko, at ngumuso.
"Huwag kang magalit, sinusubukan ko lang kung may nararamdaman ka rin sa akin. Alam mo naman na mahal kita mula noon." Tinitigan ko siya nang diretso sa mata.
"Ano bang ibig mong sabihin, Sir?"
"Wala, tandaan mo lang na lagi kang nandito," sabi niya, itinuro ang dibdib niya.
Ginagawa ba niya 'to para magselos ako?
"Ano ba ang tingin mo sa akin? Papatulan ko ang Ivy na 'yan, huh?" aniya. Binuhat ako at pinaupo sa mga paa niya.
"Sir, ayan na naman ang kamay mo, naglalakad na kung saan," tugon ko.
"Hayaan mo na ako, Ma; ngayon lang naman ulit gumagapang. Marahan niyang hinalikan ang leeg ko habang naglalakbay ang isang kamay niya sa buong katawan ko hanggang sa umabot sa hita ko.
Mabilis niya akong inihiga sa sofa at agad na bumalik sa paghalik sa labi ko saka sa leeg hanggang sa itinaas niya ang damit ko.
Tinitigan niya muna ako sa mata at saka agad hinimas ang isang s**o ko. Lalong lumakas ang kaba sa puso ko nang itinaas niya ang bra at hinalikan iyon. Napaungol ako nang gumapang ang isang kamay niya sa pagitan ng mga hita ko.
Hindi na ako umiwas; gumanti naman agad ako ng halik sa kanya sabay lagay ng dalawang kamay ko sa leeg niya.
"Mm~" mahinang ungol ko nang maramdaman ko ang isang kamay niya na pumasok sa panty saka hinimas ang p********e ko.
Nang biglang tumunog ang cellphone niya sa mesa, napatigil ako sa paghalik.
"Sir, may tumatawag sa inyo," mahinang sabi ko.
"Hayaan mo na lang muna; mamaya ko na sasagutin, 'yan?" tugon niya at bumalik sa paghalik sa labi ko, pero tumunog ulit ang cellphone niya. Kinuha niya iyon ng madalian at sinagot agad.
"Pwede bang mamaya ka na lang tumawag? Busy ako," masungit niyang sabi at binaba ang tawag. Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa paghalik sa labi ko.
"Sir, may tumatawag ulit sa inyo. Baka importante; sagutin niyo muna," daing ko. Tumayo siya, nakakunot ang noo, at sinagot ang tawag.
"Ma," gulat niyang sabi. Napangiti ako nang marinig kong si Ma'am Amor ang tumatawag.
Bigla niyang kinurot ang ilong ko at hinila ako sa kandungan niya habang kausap si Ma'am Amor sa kabilang linya.
"Mamaya na, Ma. Sige, pupunta ako."
Pagkatapos ng usapan nila, nagpaalam si Sir Alex, sinabing pinapatawag siya ni Ma'am Amor sa kumpanya. Kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.