Chapter 19:LITRATO

1207 Words
"Saan ka ba nanggaling, Labanos? Kanina ka pa hinahanap ni Donya Soledad," bungad sa akin ni Agnes nang makita akong nagmamadaling pumasok sa kusina. "Ha? Bakit?" tanong ko. "Ewan ko, Labanos. Natatakot ako baka may gawin siyang masama sa 'yo. Kanina pa siya nag-aalburuto sa sala." "Sige, puntahan mo na siya bago pa magwala ang tigreng 'to." "Oo, Agnes," mabilis kong sagot. "Pupunta na ako sa kanya ngayon din." Nagsimula na akong maglakad nang biglang nagsalita si Agnes. "Teka, ayusin mo muna ang buhok at damit mo, Labanos. Mukhang bruha ka sa itsura mo. Tingnan mo, ang gulo-gulo ng buhok mo." Mabilis kong inayos ang damit ko, pinagbutones ko ang polo kong nakabukas. Pagkatapos, sinuklay ko ng daliri ko ang mahabang buhok ko na abot hanggang kili-kili at tinali ito ng nakaponytail. Nang matapos akong mag-ayos, nagmadali akong pumunta sa sala kung saan naghihintay sa akin si Donya Soledad. Sobrang kinakabahan ako, nanginginig ang mga tuhod ko, parang hindi na ako makalakad ng maayos. Pagpasok ko sa sala, agad kong nakita si Donya Soledad na nakaupo sa malaking sofa, nakatawid ang mga paa. Napansin ko rin si Natalie na nakatayo sa tabi niya, bumubulong sa kanya. Si Natalie ang paborito ni Donya Soledad sa mga katulong sa bahay. Malapit sila sa isa't isa. "Saan ka ba nagpunta, Maria?" tanong niya, matinis ang boses. "Alam mo bang pinag-antay mo ako ng mahigit sampung minuto?" "Pasensya na po, Donya Soledad. Kung nagpahintay po ako, sabi ko na nauutal." "Lumapit ka dito." Sumunod ako, naglalakad ng dahan-dahan at maingat patungo sa kanya. "Aba'y, bilisan mo ang paglakad," sabi niya, medyo napataas ang boses. Mabilis akong lumapit sa kanya. "May kailangan po ba kayong ipagawa, Donya Soledad?" tanong ko, nangangatog ang dila ko sa takot habang nakikita kong nakatitig siya sa akin, nakataas ang isang kilay, parang gusto niya akong lapitan at hilahin ang buhok ko. "Lumapit ka pa sa akin," sabi niya. Agad akong sumunod at lumapit hanggang sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya akong sampalin ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. "Ano ba ang nagawa kong mali, Donya Soledad?" diretso kong tanong, hinawakan ang pisngi ko nang maramdaman ang sakit dahil sa lakas ng sampal niya. "Ilagay mo ang sarili mo sa tamang posisyon dito sa loob ng bahay ko. Naiintindihan mo ba? Ayokong may nakisawsaw sa akin. Katulong ka rito, kaya ayusin mo ang mga kilos mo." "Po. Hindi ko maintindihan, Donya Soledad. Ano ba ang gusto mong sabihin? Wala akong ginagawang mali rito," sagot ko. "Ang kapal mo para sumagot sa akin, Maria. Ikaw ay isang malandi na nang-akit ng may asawa," sabi niya. "Ginoo," mabilis kong sagot. Dali-dali kong tinignan ang mga litrato na kuha kay Don Miguel at sa akin. Magkahawak ang aming mga kamay, at sa isang litrato, mahigpit ko siyang niyakap ng may ngiti habang nakayakap ako sa kanya. Agad akong lumingon sa isa pang litrato, isa na nakunan kami habang nagyayakapan. "Nagkakamali po kayo, Donya Soledad. Mali po ang iniisip ninyo tungkol kay Don Miguel at sa akin. Wala po kaming relasyon. Imposible po." "Nababaliw ka na ba? Sinasabi mong pekeng mga litrato 'to. Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko. Umalis ka na dito sa bahay bago ka mapahamak." Lumapit siya sa akin at paulit-ulit na sinampal ang mukha ko. Hindi pa nakontento, sinipa niya ako, binugbog ang katawan ko, at hinila ang buhok ko. "Tama na, Donya Solidad. Wala akong kasalanan." "Malaki ang kasalanan mo, Maria. Malandi ka. Masarap ba? Alam kong nasa kwarto ka ni Mr. De Gutierrez buong gabi. Sa tingin mo, hindi ko alam kung ano ang nangyayari?" Sabay hagis ng isa pang litrato sa sahig. Napanganga ako nang makita ko si Sir Alex na nakapatong sa akin na walang damit, tapos hinalikan ako. Paano ba nangyari 'yon? Ang bilis naman, may nakakuha na agad ng picture namin. Natisod ako nang sipain niya ako nang malakas; tumama ang paa niya sa bibig ko. Napaiyak ako nang malakas. Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at umupo sa harap ko, nakatingin sa akin. "Sir Alex," sabi ko na napilipit ang dila ko, "mabilis niyang pinunasan ang dugo sa bibig ko at pagkatapos ay kinuha ang litrato naming dalawa. Tiningnan niya at pagkatapos ay sumulyap sa isa pang litrato; ito ay larawan namin ni Don Miguel. "Halika rito," tinulungan akong tumayo. "Ayos ka lang ba?" tanong niya, pinupunasan ang dugo sa bibig ko na patuloy ang pag-agos gamit ang daliri niya. Mabilis siyang sumulyap kay Donya Soledad at Natalie, na nakatayo sa harap niya. "Mr. De Gutierrez, ikaw pala," mahina ngunit malinaw na sabi ni Donya Soledad. "May kailangan ka ba?" diretsong tanong niya. "Wala naman, Mrs. Acosta. Narinig ko ang malakas na sigawan sa sala kaya naisipan kong tingnan kung ano ang nangyayari dito." "Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, Mrs. Acosta. Ano ba ang ginawa ng katulong mo para ganyanin mo siya? Sinipa at binugbog mo siya ng todo!" Mr. De Gutierrez, wag kang makialam dito. Personal na problema namin ito. Hindi ito negosyo na kailangan mong makisawsaw. "Tama ka, Mrs. Acosta. Hindi ko kailangan makisawsaw sa problema ninyo. Pero narinig kong nabanggit niyo ang pangalan ko. Sino ang kumuha ng mga larawang ito? Ang clueless niya; hindi man lang nila na-edit bago ibigay sa inyo. Wala akong nakikitang masama sa larawan nila kasama si Mr. Acosta. Hindi naman iyon pribado; sa publiko naman iyon kuha. Tingnan mo, si Mr. Angelo Acosta nga nandun sa picture, at nakita ng maraming tao na nagyakapan sila. Parang gusto ko na lang dito sa bahay niyo titira; napaka-kawili-wili, Mrs. Acosta. Ngumiti siya habang tinitingnan ang mga larawan namin. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa kanyang bulsa. "Salamat sa pagkuha nito. Itatago ko ito bilang souvenir." Kumindat siya sa akin habang nagsasalita. Hindi ko itatanggi, Mrs. Acosta. Oo, si Maria ay nasa kwarto ko kagabi. May problema ba roon? Sa tingin ko, wala. Binata ako, at dalaga siya. Handa akong managot at pakasalan siya sa nangyari sa amin kagabi, 'di ba, mahal? Sabi niya habang nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Kaya dapat mo siyang alagaan, lalo na ngayon dahil alam kong buntis siya sa anak ko, Mrs. Acosta. Umupo siya nang makomportable sa sofa, nakabente-kuwatro ang mga paa niya, at ang mga kamay niya ay nakapatong sa dalawang armrest. Habang nakikipag-usap siya kay Donya Solidad, tila ba nakakarelaks siya, na para bang bahay niya ang lugar na ito. Hindi man lang siya nagmukhang natatakot para sa kanyang buhay, sa kabila ng mga pangyayari. "Donya Soledad, may nagpapabigay po sa inyo," singit ni Agnes, sabay abot ng isang maliit na card. Kinuha ito ni Donya Soledad at binasa. "Sino ang nagpadala nito?" diretsong tanong niya, nakatitig kay Agnes. Lumaki ang mga mata ko sa gulat nang itulak niya si Agnes at dali-daling lumabas ng bahay. Agad kaming napalingon at sinundan siya sa labas ng bahay nang marinig namin ang sigaw niya. Agad nagkatinginan kami ni Agnes nang may pagtataka nang makita namin ang itim na bulaklak at isang maliit na kahon na mabaho. Mabilis naming sinilip ang loob. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang patay na ahas sa loob ng kahon, na naglalabas ng masamang amoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD