Habang kinukuha ko ang mga baso sa mesa, biglang bumulong sa akin si Agnes.
"Labanos, ang haba ng buhok mo," sabi niya habang hinahaplos ang braso ko. Agad ko siyang tiningnan.
"Ano ba ang ibig mong sabihin, Agnes? Paano kung makita ka ni Senyorito Tamir at isipin niyang sinusubukan mong maakit siya?"
"Tingnan mo si Mr. De Gutierrez. Labanos, nakatingin siya sa'yo, at parang gusto ka niyang dalhin sa kama at haplosin ang buong katawan mo. Kung nakatingin siya sa'yo, parang hinuhubaran ka niya," bulong niya. Agad kong sinundan ng tingin kung saan nakatingin si Agnes. Nakita ko si Mr. De Gutierrez na umiinom ng alak kasama si Senyorito Tamir at ang iba nilang kasamahan sa negosyo. Sa tingin ko, medyo lasing na siya; maraming bote ng alak ang nakapatong sa mesa.
"Ang hilig mo talagang mang-asar, Agnes. Pinagtitripan mo na naman ako. Hindi nga niya ako tiningnan, eh. Huwag kang basta-basta nagkukuwento tungkol sa mga tao, Agnes. Tinulungan niya ako kanina, tapos ngayon nag-iimbento ka na ng mga kwento tungkol sa kanya. Saka, mukhang mabait naman si Mr. De Gutierrez," sagot ko. At nagsimulang maglakad palayo.
"Miss, sandali lang," kaya napatigil ako at lumingon.
"May kailangan po ba kayo, Sir?" agad kong tanong sa kanya.
"Wala naman. Gusto ko lang kayong makilala. Ako si Alex," sabi niya, at inilahad ang kamay niya.
Tinitigan ko ang kamay niya, hinihintay na makipagkamay ako.
"Ako po si Maria, Sir," sagot ko, at nakipagkamay sa kanya. "May iba pa po ba kayong kailangan, Sir?" Umiling siya bago sumagot,
"Wala."
Mabilis akong tumalikod sa kanya at nagmadaling pumunta sa silid ng bisita. Sinabi ni Senyorito Tamir na si Sir Alex ang matutulog doon ngayong gabi.
Pagkapasok ko pa lang, agad kong inayos ang kama at nilinis ang buong silid. Kailangan kong matapos bago matapos ang kanilang inuman. Ilang sandali lang,
biglang bumukas ang pinto. Dali-dali kong pinatay ang ilaw at nagtago sa likod ng kurtina. Hindi niya ako makita dito sa dilim dahil sa makapal na itim na tela.
Bumibilis ang t***k ng puso ko habang lasing siyang naglalakad, hinuhubad ang damit.
"Pakiusap, huwag kang lalapit, Sir Alex," pabulong kong bulong sa sarili habang papalapit siya sa bintana.
Bigla siyang huminto malapit sa kinaroroonan ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil hubad siya, at nakikita ko ang kanyang malapad na katawan at ang tigas ng kanyang dibdib. Ang kanyang balat ay napakakintab na sumasalamin sa liwanag na nagmumula sa labas ng bahay. Ang gwapo niya. Agad akong umatras nang lumapit siya sa kinaroroonan ko; isang hakbang lang ang layo namin sa isa't isa.
"Sino ka?" tanong niya, pilit niyang binubuksan ang dalawang mata niya. Hindi ko siya sinagot; umatras ako sa kanya nang bigla kong maapakan ang basang tuwalya sa sahig, kaya natumba ako. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita kong nakapatong ako sa kanya habang hawak niya ang dalawa kong baywang.
"Aray, aray! Ang sakit ng ulo ko," sabi niya habang hawak ang ulo niya.
"Sir Alex, pasensya na po. Hindi ko po sinasadya," at dali-dali ko siyang tinulungang tumayo at naglakad patungo sa kama. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang natumba.
"Ano ba 'to? Pwede ka naman nang matumba na hindi ako kasama, Sir Alex. Ang bigat mo," sabi ko habang tinutulak ko siya para mahulog sa ibabaw ng katawan ko.
"Sir Alex, gising! Hindi ako makagalaw dito sa ilalim ng katawan mo. Paano ba ako makakalabas sa kwarto niya? Ang bigat niya at ang himbing ng tulog niya habang nakahiga sa aking katawan. Ano ang akala niya sa akin, kama? Tinulak ko siya ng malakas. Napabuga ako ng hangin, pagkatapos ay tumigil din. Parang nawalan ako ng lakas, at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa pagtulak sa kanya.
Bigla niyang hinarap ang mukha niya sa akin habang napapikit. Nanlaki ang mga mata ko nang marahan niyang halikan ang labi ko.
"Sir, tigil," sabi ko. Parang hindi niya ako narinig, at patuloy niya akong hinalikan sa labi, hawak ang dalawa kong kamay.
"Oh my God, ano ba 'to?" bulong ko sa sarili ko.
"Alam mo bang sobrang namimiss kita, Ma?" sabi niya.
"Ayan, nananaginip ka na dahil sa kalasingan mo. Kayo talagang mga lalaki, pag nag-inom, mas malala pa sa kalabaw. Para bang wala nang bukas pag nag-inom ng alak."
"Panginoon, patawarin mo ako, pero wala na akong pakialam."
"Sir Alex, gising na! Gising na, naiipit ako dito." Tumingin lang siya sa akin, nakangisi, at bumalik sa paghalik sa labi ko. Ang gaan ng halik niya; parang bumibigay na ang katawan ko sa kanya.
"Ano ba'ng ginagawa mo, Maria? Huwag kang magpadala," bulong ko sa sarili ko. Ito na nga ang sinasabi ko.
"Sir Alex, pakiusap, huwag mo akong hawakan diyan," sabi ko habang pinipigilan ang kamay niyang gumagapang patungo sa gitna ng dalawang hita ko.
Parang gusto ko nang sumigaw dito, pero ayaw ko namang magmukhang masama. Napabuntong-hininga ako habang pilit ko siyang itinutulak palayo. Nararamdaman ko ang matigas niyang p*********i na nakadagan sa hita ko. Lalo pa siyang sumiksik sa akin, at malakas ang paghilik niya habang natutulog.
"Sir Alex, gising po, parang awa mo na. Hindi ako makahinga dito."
Hindi ko na alam kung anong oras na. Ang tagal na naming nasa ganitong posisyon; siya ay nasa ibabaw ko.
Antok na antok na ako, kaya hinayaan ko na lang siyang nakapatong sa akin at pumikit.
Kinaumagahan, nagising ako, kinukusot ang mga mata ko at pinagmamasdan ang paligid. Agad kong nilingon ang tabi ko, nararamdaman kong may matigas na nakadagan sa akin, at napagtanto kong may nakayakap sa akin ng mahigpit. Bigla akong napabangon, nagulat dahil hindi ako nasa sariling kwarto.
"Magandang umaga, Maria," bati niya na may malapad na ngiti.
"Sir Alex," nauutal kong sagot, mabilis na tumingin sa baba para tingnan kung nakasuot pa ba ako ng damit. Humagalpak siya sa tawa dahil sa aking pagkautal.
Umupo siya sa gilid ng kama, pinapanood ako ng may nakakatuwang ekspresyon. Ang mukha ko ay puno ng pagtataka. Paano ako napunta rito? Kagabi, nasa gilid ako ng kama, nakatiklop ang mga binti. Pero ngayon, nakahilata na ako nang kumportable sa gitna.
"Pinitik niya ang noo ko at sinabi, 'Ano ba ang tingin mo sa akin? Manggagahasa?'
'Huwag kang mag-alala, wala namang nangyari sa atin,' sabi niya nang walang emosyon.
Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto niya, diretso sa kwarto ko."