Tumunog ulit ang cellphone, at dali-dali niya itong hinugot sa bulsa. Sinulyapan niya ang screen bago sumagot.
"Alex," diretso niyang sabi, matatag ang boses. Napatingin ako sa kanya, nagulat.
"Ano ba ang pinagsasabi mo, Alex? Nangako kang babantayan mo siya at poprotektahan. Hindi ba't iyon ang napagkasunduan natin?"
"Ano ba ang nangyayari? Sige, pupunta na ako ngayon. Ibigay mo sa akin ang address." Tumingin siya sa akin at sinabi, "Lalabas lang ako saglit, Maria. Dito ka lang, ha?" Paalam niya.
"Ano kaya ang pag-uusapan nila? Na-curious ako. Dali-dali akong tumayo at humakbang, pero napahinto ako nang biglang sumakit ang ulo ko.
"Labanos," sabi nina Cassandra at Agnes na biglang pumasok sa silid.
"Anong nangyari sa usapan niyo ni Tamir? Nakita kong nagmamadali siyang umalis, mukhang may hinahabol."
"Agnes, kinakabahan talaga ako. Tumawag sa kanya si Sir Alex. Natatakot ako na baka magkagulo nang dahil sa akin."
"Huwag kang mag-alala, Labanos. Ang mahalaga ay ligtas ka," nakaka-panatag na sabi ni Cassandra.
"Teka, ano ba ang nangyari, Labanos?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses. Mabilis na ikinuwento ni Agnes ang mga nangyari noon.
"Narinig ko na anak pala ng bilyonaryo si Ivy, Labanos. Totoo ba 'yon?" diretsong tanong ni Cassandra.
"Pero paano nangyari 'yon? Hindi ba anak siya nina Aling Susan at Mang Danilo? Paano siya naging anak ng bilyonaryo?" nagtatakang tanong ni Cassandra.
"Siguro tatawagan ko na lang si Mama at sasabihin ko 'to. Baka alam niya kung ano ang nangyayari, Labanos." Napabuntong-hininga ako at nagsalita.
"Kahit ako, naguguluhan din sa nangyayari ngayon, pero kilala ko si Tiyang Susan. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya, kahit malagay sa panganib ang sariling anak niya."
Mukhang na-o-obsess na si Aling Susan dahil sa pera, at narinig kong malaki ang utang niya sa casino. Panigurado akong gagawin niya ang lahat para magkaroon ng maraming pera, singit ni Agnes sa usapan.
"Ano ba ang ibig mong sabihin, Agnes?" tanong ko.
"Ang mga pangyayari sa Barangay Santana ay naging usap-usapan noon, at maraming tao ang pumunta roon. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit napakaraming tao ang naghahanap sa iyo, Maria. Maaari bang tungkol ito sa iyong tunay na pagkatao? May nangyari ba sa nakaraan na hindi dapat ibunyag?
"Kung ganoon, dapat kong pasalamatan si Tiyang Susan sa paglalagay kay Ivy sa aking posisyon.
"Ewan ko, Labanos, pero tingin ko ginagawa 'to ni Aling Susan dahil mayaman ang mga De Gutierrezes."
Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa kwento ni Cassandra at Agnes. Sinundan ko siya ng tingin habang kinukuha ang cellphone at nag-dial ng numero.
"Hello, Ma! Pasensya na, hindi ako makakauwi ng maaga. Nandito ako sa bahay ni Agnes ngayon. Oo, Ma, buhay talaga si Labanos. Gusto mo siyang makita?" Mabilis na binigay ni Cassandra kay Aling Kapra ang address.
Lumipas ang isang oras, may kumatok sa pinto. Mabilis na tumayo si Cassandra para buksan ito.
Pagkapasok, nanlaki ang mga mata ni Aling Kapra sa gulat nang makita ako.
"Maria? Ikaw ba talaga 'yan?" bulalas niya.
"Opo, Aling Kapra," sagot ko. Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.
"Ano'ng nangyari sa'yo, Maria? Akala namin patay ka na kasama ni Simon. Paano ka nakaligtas?" Agad ko siyang kinuwentuhan ng lahat ng nangyari.
"Walang hiya, ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yan. Akala ko mabuting ama siya sa'yo. May tinatago palang kamanyakan," sabi ni Aling Kapra.
"Parang gusto ko siyang balatan ng buhay! Mabuti at ligtas ka, Maria."
"Pero si Simon, Aling Kapra, hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na," sabi ko, at nag-umpisa na naman sa pagtulo ang luha ko.
Nanlaki ang mga mata ni Aling Kapra nang makita niya ang isang magasin na nakapatong sa mesa. Kinuha niya ito at tiningnan.
"Teka, hindi ba si Ivy 'yan?" Agad niyang binasa ang artikulo sa magasin.
"Paano naging anak ng bilyonaryo si Ivy?" tanong niya nang malakas, nagtataka.
"Ano po ang ibig n'yong sabihin, Ma?" tanong ni Cassandra.
"Si Ivy ang tunay na anak nina Susan at Danilo."
"Sigurado po ba kayo, Ma?"
"Oo, sigurado ako," sagot niya.
"May mali sa mga nangyayari dito. Masama ang pakiramdam ko. Posible kayang nakita na ni Susan ang tunay mong mga magulang, Maria? Kaya niya kailangang ibaluktot ang katotohanan?"
"Gusto rin nilang agawin ito sa'yo? Sobrang sobra na 'yan," nanlaki ang mga mata ko sa hindi paniniwala.
"Pwede mo ba akong kwentuhan ng nangyari noon, Aling Kapra?"
"Siyempre, Maria. Sasabihin ko sa'yo ang totoo tungkol sa tunay mong mga magulang."
Labing pitong taon na ang nakalipas mula nang dalhin ka ni Susan sa Barangay Santana. Katulong si Susan ng isang kilalang negosyante dito sa Bayan ng Isidro. Ramos ang apelyido niya.
Hindi ko matandaan ang pangalan ng anak ng amo niya, pero... Napakamot siya sa ulo.
"Si..."
"Si Solidad Ramos ba, Aling Kapra?" diretsong singit ni Agnes.
"Oo, yan nga, Agnes. Solidad Ramos, yung pinagtatrabahuhan ni Susan dati," sagot niya.
Ang hindi ko maintindihan noon ay kung bakit sobrang kinakabahan si Susan habang dala-dala ka papunta sa Barangay Santana. Nang makita niya ako, ibinigay ka niya sa akin at sinabi na anuman ang mangyari, hindi ako dapat lumabas ng bahay.
Ayaw ko sanang sumunod sa kanya noon, pero nakita kong may ilang mga lalaking nakapaligid. Naawa ako sa 'yo, Maria, kaya itinago kita.
Nakita ko kung paano nila hinalungkat ng husto ang buong bahay ni Susan, parang may hinahanap sila.
Narinig ko lang ang isa sa mga lalaki na nagtanong kung talagang patay na ang bata. "Oo," sagot ni Susan, may pinakita siyang isang bagay na nagpapatunay na patay na ang bata. Binigyan nila si Susan ng malaking bag na puno ng pera.
Simula noon, hindi na lumabas si Susan sa bahay na iyon.
Narinig kong may nakitang bangkay at inilibing, pero hindi namin alam kung sino iyon. Hindi na namin nalaman kung sino ang taong iyon.
Teka, naaalala kong nabanggit ni Susan ang pangalan ng nanay mo minsan. Parang...
Lahat kami nagulat nang biglang barilin si Aling Kapra. Mabilis kaming nagtago sa ilalim ng kama.
Nanlaki ang mga mata ko sa takot nang makita kong nakahandusay si Aling Kapra sa sahig, lumulubog sa sariling dugo.
Lahat kami ay natahimik. Parang nabato sa kinatatayuan namin.
Biglang tumunog ng pagkalakas-lakas ang pinto bago ito bumukas.
"Kumusta ka na, Maria?" sabi niya. Ang boses niya ay kalmado. Nanlamig ang buong katawan ko sa takot habang nakatingin sa kanya.