Nakaupo kaming tatlo sa malaking sofa habang nag-uusap.
"Salamat sa tulong mo, Paula," unang sabi ni Sir Alex kay Paula.
"Wala 'yon, Bro. Ang tulong ko sa'yo at sa kanya ay maliit na bagay lang," diretsong sagot ni Paula kay Sir Alex.
"By the way, pupunta ako kay Tita Amor sa kompanya bukas. Kailangan kong mag-report sa kanya," sabi ni Paula. Tumango agad si Sir Alex.
Lumingon ako kay Sir Alex nang may narinig akong tunog mula sa mesa. Mabilis niyang kinuha at tiningnan ito bago sumagot.
"Kumusta, Ma!" diretsong bati niya.
"Opo, Ma, nandito na po si Paw." Humakbang papalayo sa amin si Sir Alex.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta tayo dito kay Sir Alex?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago sumagot.
"Pasensya na, Maria. Sinunod ko lang ang sinabi ni Alex," sagot niya. Tumingin ako sa kanya nang diretso.
"Oh! Bakit mo ba ako tinitignan ng ganyan, Maria?"
"Naisip ko lang. 'Sino ka ba talaga, Paula? Sabi mo, nagtatrabaho ka bilang isang pribadong bodyguard, pero hindi 'yan ang nakikita ko ngayon." Tumawa ng bahagya si Paula bago sumagot.
"Oo, totoo 'yan, Maria. Nagtatrabaho ako bilang pribadong bodyguard sa isang negosyante, pero hindi si Alex ang amo ko dito; kundi si Tita Amor, ang nanay ni Alex. Parang magkapatid kami ni Alex, kaya nang malaman niyang pupunta ako sa bayan ng Isidro, hiniling niyang alagaan ka. Ikinuwento rin niya sa akin ang nangyari kaya pumayag ako."
"Grabe, mayaman pala talaga si Sir Alex! Natatakot ako, Paula. Paano kung malaman ng nanay ni Sir Alex na nandito ako sa bahay nila? Baka may gawin siyang masama sa akin," sabi ko.
"Huwag kang mag-alala, walang gagawa ng masama sa'yo dito. Saka hindi naman bahay 'to, hotel 'to. Ang pamilya De Gutierrez ang may-ari ng mamahaling hotel na ito," sagot ni Paula.
"Wow! Ganoon pala kayaman nila, Paula?" tanong ko.
"Oo, kaya relax ka lang dahil kasama mo siya. Walang makakagalaw sa'yo. Takot lang nila baka sa sementeryo ang pupunta kung susubukan nilang gumawa ng masama," sabi ni Paula.
Kinabahan ako sa mga sinabi ni Paula.
"Huwag kang mag-alala, mabait si Alex," dagdag niya. "Pero minsan medyo nakakatakot siya, lalo na sa trabaho. Masyado siyang istrikto."
Ilang sandali lang, bumalik si Sir Alex at umupo sa tabi ko. Nagpaalam si Paula at umalis kasama si Brandon at ang ilang taong nakasuot ng itim na suit.
"Ayos ka lang ba, Maria? Pasensya na kung natakot kita. Gusto ko lang naman na surpresahin ka," sabi niya, sinusundan ko ng tingin ang kamay niya habang inaabot ang kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Huminga ng malalim at niyakap ako ng mahigpit.
"Halika nga rito," sabi niya, binuhat ako na parang bata at inilagay sa kanyang kandungan. Niyakap nang mas mahigpit pa.
"Na-miss kita ng sobra, Ma. Alam mo ba 'yon? Iniisip kita araw-araw. Pasensya na at na-late ako sa pagligtas sa'yo mula sa hayop na 'yon, pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong mapaparusahan ang gumawa niyan sa'yo," daing niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niyang hinubad ang jacket ko.
"Anong nangyari sa braso mo?" tanong niya, sinusuri ang mga braso ko. Nanlaki rin ang mga mata niya.
"Anong nangyari dito? Bakit ang daming sugat mo?" Mabilis niyang binuksan ang butones ng damit ko, at tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Nandito na ako," aniya. Nakikita kong nagbago ang ekspresyon niya nang mapansin niya ang mga marka ng lubid at kutsilyo sa katawan ko, ang mga peklat na naiwan ng kalupitan ni Senyorito Hades.
Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya, tumingin nang diretso sa mga mata ko. Malumanay niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi gamit ang kanyang mga daliri.
Pagkatapos, hinalikan niya ang noo ko, ang dulo ng ilong ko, at panghuli, ang labi ko. Mahigpit niya akong niyakap habang nakaupo ako sa kanyang kandungan.
"Welcome home, my Princess," bulong niya habang nakasandal ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. Kahit hanggang ngayon, hindi pa rin niya binibitawan ang katawan ko. Tumayo siya na karga ako, nakayakap sa kanyang mga bisig.
"Sir, puwede bang ibaba mo na ako? Parang ginagawa mo naman akong bata rito, eh," sabi ko. Malapad siyang ngumiti, binuhat ako na parang sanggol at dahan-dahang inihiga sa malambot na kama.
"Magpahinga ka muna, prinsesa ko," sabi niya, hinalikan ang noo ko. "Magluluto lang ako para sa'yo. Dito ka lang," aniya bago umalis sa harap ko.
Napangiti ako, at sabay nun ay tumulo ang mga luha ng tuwa. Akala ko nakalimutan na niya ako, akala ko hindi na siya babalik, akala ko hindi niya tutuparin ang pangako niya sa akin. Pero lahat ng iyon ay nasa isip ko lang pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.
Nagising ako at nakita kong nasa tabi ko si Sir Alex, natutulog habang mahigpit akong yakap. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa katawan ko at umupo sa kama.
"Teka, bakit ako naka-ganito? Naka-pyama na ako! Baka binihisan niya ako habang tulog ako kagabi?" naisip ko.
Kumagutom ang tiyan ko, kaya nilibot ko ang tingin sa silid at nakita ang pagkain sa mesa. Siguro ito ang inihanda ni Sir Alex para sa akin kagabi. Dahan-dahan akong umupo, at biglang dumilat si Sir Alex.
"Magandang umaga, Ma," unang bungad niya at hinalikan ako sa labi. Agad siyang tumayo at tinulungan akong bumangon sa kama.
Sinamahan niya ako sa banyo para maghilamos. Hindi ako nakapaghugas kagabi; hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakakahiya kay Sir Alex, lalo na't unang araw ko pa lang sa bahay niya. Kinagat ko ang labi ko habang pumapasok sa banyo.
"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," sabi niya. Mabilis akong tumango.
"Nag-ikot ang mga mata ko sa paligid ng silid pagkapasok ko. Banyo ba ito? Parang kwarto ang dating. Ang laki! Pwede siguro akong matulog dito at maglagay na lang ng maliit na kama." Agad akong lumapit sa lababo.
"Teka, wala pala akong toothbrush dito; nasa maleta ko pa," sabi ko.
Napako ang tingin ko sa maliit na cabinet na may dalawang magkaparehong toothbrush, parehong may nakasulat na pangalan: "Ma" at "Me." Akin ba ang toothbrush na ito? Iginala ko ang aking paningin sa paligid ng silid. Agad na napunta ang tingin ko sa magkaparehong pares ng tuwalya, na may pangalan din.
"Nakahanda na ang lahat bago pa man ako dumating. Napakalapad ng ngiti ko, halos abot-tenga, dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa buhay ko.
Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng banyo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang mga damit kong maayos na nakalatag sa kama.
Para akong matutunaw sa kahihiyan nang makita ko ang bra at panty na kasama ng damit sa kama. Bigla akong niyakap ng isang tao mula sa likuran at hinalikan ang leeg ko. Agad ko siyang nilingon.
"Sir Alex," sabi ko.
"Tititigan mo lang ba ang mga damit sa kama?" tanong niya habang kinukuha ang bra ko at handa nang isuot sa akin.
Nang biglang nahulog ang tuwalya na nakabalot sa katawan ko, tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at agad na hinaplos ng isang kamay niya ang katawan ko.
Kinakabahan akong napalunok, nahihiya sa harap niya. Sinundan ko ng tingin ang pagluhod niya sa harap ko at pag-angat ng nahulog na tuwalya sa sahig.
Nagtagpo ulit ang aming mga mata habang dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mga labi sa akin at hinagkan ako nang marahan.
Agad na lumipat ang kanyang mga kamay sa aking likod, umaabot sa malambot kong puwit. Nanginig ang aking katawan sa takot habang naaalala ko ang ginawa sa akin ni Senyorito Hades. Mabilis akong umatras mula sa kanya.
"Hindi," pagmamakaawa ko, tumulo ang luha sa aking mga mata. Nagulat siyang tumingin sa akin habang hindi ko mapigilang umiyak.
"Pasensya na," sabi niya, niyakap ako nang mahigpit.