Chapter 3

1503 Words
RONALD is the perfect man for me. Wala na akong mahihiling pa sa kanya. He's caring and loving. May pangarap sa buhay at napakaresponsable niyang anak sa kanyang mga magulang. Malapit din siya sa pamilya ko. Higit sa lahat, suportado niya ang mga pangarap ko. Kaya nga kahit na mas pinili kong mag-aral dito sa siyudad ay pinayagan niya ako. Alam niya kasing malaki ang responsibilidad ko sa aking pamilya. Maling makaramdam ako ng paghanga sa ibang lalaki. Maling tumibok nang ganito ang puso ko. Maybe I was just intimidated by Sid's looks. Mukha kasi siyang nakakatakot. Now I understand why it's hard to set an appointment with their group. Mabuti na lang at pumayag agad siya. "How's school?" "Ayos naman." Gumiling ako sa kama habang hawak sa kabilang tenga ang aking cellphone. Kausap ko si Ronald. "Ikaw? Kamusta ka na riyan?" tanong ko. I heard him sighed from the other line. "Ayos naman, mahal. Gano'n pa rin, maraming trabaho sa bukid." "Kailan mo ako bibisitahin dito?" Lumabi ako. Noong unang taon ko rito sa siyudad ay halos buwan-buwan niya akong binibisita. Ngunit nang tumagal ay dumalang na. Sabagay, pareho kaming tutok sa pag-aaral. "Pasensya ka na, mahal. Hayaan mo, 'pag hindi na ako masyadong abala, pupuntahan kita riyan." Inikot ko nang palihim ang aking mga mata. Gano'n pa man ay itinago ko ang pagkadismaya sa aking boses. I've heard those words from him many times already. Alam kong mali ngunit paminsan-minsan ay halos hindi ko na maramdaman ang relasyong mayroon kami. Dahil ba masyado na kaming komportable sa isa't isa? I'm not quite sure. "Ronald? Anniversary natin ngayon, hindi mo ba naaalala?" "Ha? Ah, of course, naaalala. Happy anniversary, mahal. Mag-iingat ka palagi riyan." Iyon lang 'yon? Wala man lang kaunting lambing? Bumuntonghininga na lamang ako dulot ng pagkadismaya. "Happy anniversary rin. I love you." "I love you more, mahal. Sige na ha? Ibababa ko na 'to, pupuntahan ko pa si Papa." "O...Okay." Ako ang unang nagbaba ng tawag. Siguro kailangan ko lang din lawakan ang pang-unawa ko. Panganay rin si Ronald sa kanilang magkakapatid kaya palaging naipapasa sa kanya ang mga mabibigat na gawain. Isa pa, pareho babae ang kanyang mga kapatid. This is our third anniversary, at hindi namin sini-celebrate ang anumang meron kami. Ang sabi ni Ronald, ang mahalaga mahal namin ang isa't isa. Isa pa, kapag nagsama na kami balang araw, we will have more time to celebrate our milestone together. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip kaya hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. ... "MARAMING salamat talaga sa'yo, Serenity. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi magiging ganito karami ang pupunta sa Pageant." Ngumiti ako nang matamis kay Elza. We are at the front row seats. Napuno ang cultural center ng university. Hindi nga siya nagkamali, maraming fangirls ang Zero Degree kaya maraming pumunta mula pa sa ibang campuses para lang mapanood sila ngayong gabi. "No, lahat tayo ay may kanya-kanyang contribution kaya natuloy ang event na ito," sagot ko kay Elza. Halata sa kanyang ngiti ang tuwa. Alam ko naman na sa aming lahat ay siya ang pinakamaraming inaalala lalo na at chairperson siya ng buong org. Si Marga ang nakuhang maging host ng event kasama ang isa pang bakla. Mukha namang nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. "Alright, candidate number 8, your question reads this way... As a woman, who is your role model and why?" Naging kalmado ang audience. Masasabi kong may potensyal na manalo ang bawat kandidata dahil maliban sa magaganda sila pare-pareho silang may talento at matatalino. Ngumiti muna ang kandidata bago sumagot. "Good evening, ladies and gentleman, as a woman, my role model is no other than my mother. I believe that the most difficult job anyone can have is by being a mother, because a mother doesn't get any day off, she always render over time. A mother is an angel, a teacher, a friend, a companion, a sister, and a superhero. Most of all, I wouldn't be here tonight without my mom." Nagpalakpakan ang audience. Nagtubig naman ang aking mga mata nang maalala ko ang sarili kong nanay. Nagpatuloy ang interview portion ng pageant. I felt satisfied. Nagbunga rin ang mga pinaghirapan ng org. Halos kinulang ang tickets sa dami ng mga bumili. "Good evening again, Micaller International University!" malakas na wika ng host. "I know, most of you here are excited to hear our invited guests for tonight!" Naghiyawan ang audience. Palakas nang palakas ang tili ng mga babae. "Zero Degree!" Naitakip ko sa magkabilang tainga ang aking mga kamay. God! They're uncontrollable! "Theo!" "Omaygash! Elliot, babe!" "Levi!" "Sid, I love you! Umuwi ka na! 'Di na ako galit, babe!" Hindi ko alam pero napasimangot na lamang ako sa mga narinig ko. Parang ngayon lang sila nakakita ng banda. Tss. "Oh, mukhang hindi na talaga makapaghintay ang audience natin, partner," wika Marga sa kasama niyang host. "Ano kaya kung iuwi ko na lang sa bahay ang Zero Degree?" "No!" tili ng audience. Natawa ang lahat sa reaksyon ng iba. "Ito naman, kalma nga kayo! Baka magbago ang isip ko, sige kayo!" ani Marga. Napailing na lamang ako. Medyo kumalma naman ang audience. "Ladies and gents, The Micaller International University Student Council proudly presents... Zero Degre!" "Kyaaaah!" Lumakas na naman ang tilian lalo na nang lumabas mula sa backstage ang Zero Degree. Malapit sa stage ang puwesto namin kaya kitang-kita ko ang kanilang ayos. They are all wearing black denim jeans and white T-shirt. Pinatungan iyon ng itim din na jacket. Nasa drums si Elliot. His playful smile made the audience go wild. Isinisigaw ng mga ito ang kanyang pangalan. Levi was wearing his electric guitar and he was smiling widely. Mukhang nag-e-enjoy siya sa tilian ng mga babae. I tsked. Mukhang chickboy ang phsang ito. Kung gaano ka masiyahin ang dalawa ay kabaliktaran naman ng dalawa pa nilang kasama. Theo was holding the bass guitar. His eyes searched for someone on the crowd. Tipid siyang ngumiti siyang ngumiti nang matagpuan niya ang kanyang hinahanap. Sinundan ko iyon ng tingin. Isang magandang babaeng nakaupo rin sa kahanay namin. Mahaba ang buhok at dahil nakatagilid siya ay kitang-kita ko ang kurba ng tangos ng kanyang ilong. "Who's that?" I asked Elza. Inginuso ko ang babae. Sinundan niya rin iyon ng tingin. "Oh, that's Arriane, long-time girlfriend ni Theo." Napatangu-tango ako. Siguro siya ang ka-text ni Theo noong nakaraan. A smile formed on my lips. They really matched each other, they're both good-looking. Muli komg itinuon ang paningin sa stage para lamang makasalubong ang titig ni Sid. Lumingon ako sa magkabilang gilid at maging sa likod ko. Was he looking at me. I clasped my hands. Pagkuwa'y napahawak ako sa aking dibdib. A familiar hearbeat came again. I must be gone crazy. Kasi imbes na iwasan siya ng tingin ay nakipaglaban pa ako ng tingin. Elliot started beating the drums while Levi and Theo strum their guitars. Sid was in front of the piano. Nasa tapat niya rin ang microphone. Siya ang kakanta! "Maybe it's intuition, but some things you just don't question..." Tumibok nang malakas ang aking dibdib nang magsimula siyang kumanta. It was the most deafening sound I've ever heard. "Like in your eyes, I see my future in an instant... and there it goes. I think I've found my best friend, I know that it might sound more than a little crazy but I believe..." His eyes locked mine as he rocks the microphone. It's as if he's saying something to me through the song. I don't want to assume, but this is the first time that I felt this weird feelings. Every word he uttered creates a tingling sensation inside my heart. "I knew I loved you before I met you, I think I dreamed you into life." "I knew I loved you before I met you, I have been waiting all my life." Theo sang the next lines. I can't help but to admire at his voice as well. Malamig iyon ngunit parang nakalutang sa hangin. He was staring at his girlfriend while strumming his guitar. I saw how they exchanged smiles. They're both in loved. "There's just no rhyme or reason, only this sense of completion, and in your eyes I see the missing pieces I'm searching for. I think I found my way home. I know that it might sound more than a little crazy but I believe." "I knew I loved you before I met you, I think I dreamed you into life." "I knew I loved you before I met you, I have been waiting all my life." "A thousand angels dance around you, I am complete now that I found you..." Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya dinukot ko iyon mula roon. I received a text message from Ronald. I love you, mahal. Good night. Was it me or just my intuition? I immediately deleted his message. Pagbalik ko ng tingin sa stage ay nakakunot na ang noo ni Sid habang... nakatingin sa akin?! He can't be... ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD