Chapter 4

1239 Words
Chapter 4 MAY sakit ako sa puso. Minsan normal ang aking paghinga, minsan naman ay sobrang bilis ng pagbayo ng dibdib ko, tipong para akong nakipagkarerahan sa kabayo. At nagsimula lang ang sakit na iyon nang mapalapit ako sa Zero Degree, partikular sa isa sa kanilang miyembro. Ipinilig ko aking ulo at lumabas na ng council. Naging successful nga ang event no'ng nakaraang Biyernes. Dahil sold out ang tickets, na-cover lahat ng projects ng organization. At dahil iyon sa Zero Degree. Kung wala sila, hindi siguro dadagsa ng gano'n karami ang pupunta. Naisipan kong dumaan muna sa locker para iwan ang ilan sa mga libro ko. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil kanina pa dapat ang lunch break ko, kaya lang nagpatawag pa ng meeting si Elza. She discussed to us the proceeds of the Pageant. Masaya kaming lahat sa naging kinalabasan. Nangunot ako nang matapat sa sariling locker. May nakasabit na isang tangkay ng preskang rosas. Sino naman ang naglagay nito? I roamed my eyes around but I found no one's presence. Kinuha ko ang rosas at 'di ko napigilang amuyin ito. Ang bango. Sa pagkakaalam ko ay tanging si Marga lang ang nakakaalam na mahilig ako sa rosas. Baka may alam siya kung sino ang naglagay nito. Binuksan ko ang locker at ipinasok ang dala kong mga libro. Iisang subject na lang naman ang papasukan ko mamaya. Isinara ko pabalik ang locker at binitbit ang rosas paalis. Pagliko ko sa kanan ay napaigik ako nang mabunggo ko ang isang matigas na bagay. "Aray!" Nasapo ko ang aking noo't napapikit. Agad din akong dumilat nang may humawak sa kanang braso ko. "Are you okay?" "Ay! Palaka!" Halos lumabas ang eyeballs ko nang makilala ang nabunggo ko. "Ikaw?" Bumilis na naman bigla ang pagtibok ng puso kaya humigpit ang pagkapit ko sa shoulder bag. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "B...Bakit ka narito?" namutawi ko. His lips formed a lopsided smile. It's the one and only Sid Dela Vega of Zero Degree. Anong ginagawa niya rito sa building namin? Himalang napadpad siya rito. Tinangay ba siya ng bagyong Ondoy papunta rito? "I'm here to get my payment." Lalong kumunot ang aking noo. "Excuse me? What do you mean? Are you looking for someone?" Hindi nawala ang pagngisi niya. He's wearing a denim jeans and a polo shirt. And I restrained myself from gawking at him. "Seems like you forgot that you owe me for performing in that pageant." Natigilan ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Seriously?! "The last time I checked, you agreed to perform without the payment. It was a pageant for a cause, and besides para naman sa kapakanan ng university iyon. Isn't it improper to have me paid for your service? Wala naman po akong naaalalang may usapan tayong gano'n." Pinatatag ko ang sarili. Ang totoo'y kinakabahan ako. Mukhang magiging bato pa ang kinita namin mula sa event. "Walang libre sa mundo, my lady," aniya. Muntik ko nang matakpan ang sariling bibig. Deym! Ang hot niyang mag-Tagalog! Matigas at malamig ang kanyang boses ngunit lalaking-lalaki sa aking pandinig. Bagay sa kanya ang seryosong mukha, bagay rin sa kanya ang nakangisi. Bakit gano'n? Ang unfair! Parang wala man lang pangit sa kanya! Siya na ang perfect! "Done checking me out?" "Ay butiki!" Napatalon ako nang pumitik siya sa hangin. "You're spacing out. I said, you owe me for that night," bored niyang sabi. I change my mind. Hindi pala siya perfect. Ang salbahe ng ugali niya! Wala siyang isang salita. Sana kung magpapabayad pala siya, sana sinabi niya kaagad. Hindi ko na sana itinuloy ang pag-iimbita sa kanila. "I'm sorry, Mister, but I think you should talk to the chairperson of the student council, not to me. Napag-utusan lang akong imbitahan kayo at isa pa, wala akong pera. Excuse me!" Lalagpasan ko na sana siya ngunit bigla niya akong hinarang. "I don't need your money," malamig niyang sabi. Wala rin akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Naguguluhang tiningnan ko siya. "Then what do you need?" "Date me." "What?" Nalaglag ang aking panga. Pakiramdam ko nasapul ako ng elisi ng bentilador. It's painfully surprising! "You heard me right." Suminghap ako at tiningnan siya nang diretso. Ang totoo'y parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagbayo nito. "Are you playing games with me, Mister?" Tinaasan ko siya ng kilay at humalikipkip sa kanyang harapan. Kahit guwapo siya at nakakapanghina ng tuhod ang presensya niya, hindi pa rin ako aamin nang buhay na kinikilig ako sa sa sinabi niya! "Playing games is not my thing, my lady." Nakipagtagisan ako sa kanya ng tingin. Ngayon lang din nag-sink in sa utak ko ang tawag niya sa 'kin. My lady. I chastised myself inwardly. I should not feel this way. This is too good to be true. Ilang segundo akong nanahimik. I don't know what to say. I don't understand why my heart is acting this way. I breath heavily. "Look, Mister. Busy ako at hindi dapat ako ang sinisingil. Why don't you date our chairperson since she was the one who asked for your presence during the event? If you want, ihahatid kita sa kanya---" "Cut it!" Dumilim ang kanyang mukha kaya napaatras ako. "I want you to date me or else, I will collect half of the tickets sale." Nanlaki ang mga mata ko. "You can't be serious!" "I'm dead serious, my lady. Tomorrow, I'll pick you up from your apartment at 3PM. Don't ever ditch me or you wouldn't like what will happen." With that, he turned his back on me. Naiwan akong nakatulala. Natauhan lamang ako nang medyo nakalayo na siya. "Teka, hindi mo alam ang apartment ko!" sigaw ko. Napatigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Nakangisi na ulit siya't namulsa. Bakit ang pogi niya? Diyos ko! "It's for me to find out," an'ya. Naglakad na ulit siya pagkatapos sabihin iyon. Naguguluhang napasandal ako sa pader. Totoo ba talaga 'yon? Isang Sid Dela Vega, niyaya akong mag-date? The last time I check, hindi ko naman kamag-anak si Rapunzel. "Hoy, babae!" "Ay, butiking supot!" Napatalon ako sa sobrang pagkagulat. Hinampas ko sa braso ang bagong dating. "Ano ka ba naman! Bakit ka nanggugulat?!" singhal ko sa kanya. Hindi pa nga nakaka-recover ang puso ko sa lalaking iyon tapos may manggugulat pa sa'kin. "Kanina pa kaya kita hinahanap. Ang sabi mo susunod ka!" singhal sa'kin ni Marga pabalik. "So dapat manggulat, gano'n?" nakasimangot kong sagot. "Whatever! Hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko!" "Naka-silent ang phone ko!" "Naka-silent o talagang hindi mo napansin dahil may isang guwapong nilalang kang kausap?" Napakamot ako sa batok. Sinupil ko rin ang ngiting pilit lumalabas sa mga labi ko. "Aba't! Bakit ka nakangiti? Ano'ng pinag-usapan niyo ni Fafa Sid? Hindi ako na-inform na close pala kayo." Ano'ng mayroon sa Sid na 'yon? Why does he had this effect on me? "Hoy, babae! Magkuwento ka!" Nilagpasan ko si Marga. "Siya ba ang nagbigay ng rosas na 'yan? Aba! Ang bilis mo rin pala! Nasungkit mo na agad ang miyembro ng Zero Degree? Ano'ng pinag-usapan n'yo?" Tiningnan ko lang siya. "It's for you to find out. Aray!" Sapol ko ang aking noo. "Ano ba'ng problema mo?" inis kong singhal sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama. "Aba naman, meym! Baka nakakalimutan mo, may dyowa ka sa probinsya!" Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Nabitawan ko ang rosas na hawak ko. Ang landi ng puso ko. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD