"Don't provoke my patience, Serenity." Puno ng banta ang kanyang boses. But I never blinked a second to show him that I'm not afraid. Tapos na ang mga araw na alipin ako ng sariling damdamin. Kahit anong gawin niyang panakot ay wala nang epekto iyon sa 'kin.
"I'm not provoking your patience, Mr. Dela Vega. Sagan is MY son. He's never and will never be yours." Nilabanan ko ang mabigat niyang titig. Kung sa ibang pagkakataon, my knees would have melted. Pero hindi ko na mahanap sa puso ko ang estrangherong damdaming iyon. I'm no longer in love with this man. I'm no longer the Serenity he once knew.
"If that's the case, see you in the court," aniya. Dumaan ang sandaling kaba sa aking dibdib pero hindi ko iyon pinansin.
"Go ahead. Kahit saang korte, lalabanan kita. You will never have my son, Mr. Dela Vega," I said bravely. He gave me a challenging look.
"You know what I am capable of, Serenity. I can pay the law. I can claim my son in any way possible," he mocked. Itinulak ko siya palayo. I didn't know where I gained that strength. Siguro dahil sa namumuong galit sa puso ko. Muntik na rin akong matumba. Mabuti na lang at nakahawak ako sa pader.
"Sige! Bayaran mo na lahat ng kaya mong bayaran, Mr. Dela Vega. If you think you can scare me, you're wrong! Mamamatay muna ako bago mo makuha sa akin ang anak ko!" I exclaimed loudly. Pinalis ko ang mga luhang unti-unting namuo sa aking mga mata.
"Kahit patayin mo pa ako ngayon, hinding-hindi ko ibibigay sa 'yo ang anak ko! Wala kang karapatan sa kanya. Wala!"