Chapter 2
"DAMN you, Micaller!"
Malutong na mura ang narinig ko pagkatapos kong bumangon sa mula sa pagkasalampak sa sahig. I wasn't able to recognize the voice because my eyes were literally covered by the strong hands.
"What? I'm not doing anything here!"
"Get lost and get yourself dressed, f*ck you!"
Whoever this guy is, bakit niya biglang tinakpan ang mga mata ko? As if naman tsa-tsansingan ko 'yung kasama niyang naka-boxers lang kanina pagpasok namin at may kahalikan pa sa sofa.
"I love you too, Dude!" humahalakhak na sagot no'ng tinawag na Micaller at saka parang narinig ko itong papalayo.
I could feel the heavy breath of the stranger from my behind. Dahil sa hindi naman ako katangkaran, nararamdaman ko tuloy ang mainit niyang hininga mula sa aking uluhan.
Nang tuluyan nang makalayo si Micaller ay siya na ring pagtanggal ng estraghero sa mga kamay niyang nakatakip sa aking mga mata. It's as if everything went on slow motion when I turned to him. And I swear I heard myself gasped.
Nagkatitigan kami. I almost melt on my feet while meeting his gaze. His deep brown eyes seemed to be saying something to me. We locked each other's eyes for I don't know how long. Kung hindi pa tumikhim ang isa sa mga kasamahan niya ay hindi siya umiwas ng tingin.
"Loving the view, meym?" mahinang bulong naman ni Marga na kababangon lang mula sa sahig. Wala man lang tumulong sa kanya para makabangon.
Napakurap ako. I recognized the face now. Though I've seen him several times before, it's too way different when I got this close to him. Tila hinahalukay nito ang pagkatao ko sa paraan ng pagtitig niya.
I realized that a perfect creature exists in this world. A pair of piercing eyes that scans my whole being. A pointed nose. A well-defined jaw. Though his chest was covered with a cloth, I'm sure he got a hard one. I don't even know such a good-looking man can be this real. Sinundan ko ng tingin ang paglunok niya ng laway. I found it sexy. I think that's not enough word to describe him--he's smoking hot!
"Baka naman may balak kang paupuin muna ang mga bisita natin, dude," wika ng isang lalaki. If I'm not mistaken that was Elliot. His voice was 'kinda teasing his friend.
I smiled inwardly. What have I done? Did I just scrutinize his face?
"Thank you, Fafa Elliot!" malanding sabi ni Marga at naupo sa mahabang sofa. Tila at home pa siyang nag-cross legs. Tumabi naman ako sa kanya at mahinang tinampal ang mga hita niya.
"What?" angil niya.
"Mahiya ka naman," mahinang bulong ko.
"Bakit?" inosenteng tugon niya. Napakagat-labi na lang ako. I felt someone's staring at me, too. When I roamed my eyes around room, they landed on a pair of brown eyes.
Here he goes again. Galit ba siya dahil sa ginawa naming pang-iistorbo sa teritoryo nila? I wanted to hold his stares but I just can't. Parang nanginginig ang mga tuhod ko. I don't know why he has this effect on me.
Nakaupo siya sa solong sofa, samantalang nasa pahabang sofa naman ang dalawa pa niyang kaibigan. Katapat namin ang dalawa. Mayamaya'y dumating iyong isa pa na mukhang kakasuot lang ng damit. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Levi Micaller, ang anak ng may-ari nitong university. Hindi ko na rin napansin ang babaeng kahalikan niya kanina. Mukhang nauna nang tumakbo palabas nang makita kami. Natakot yata.
Tumabi iyong Levi Micaller kay Elliot, ngunit hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa maga labi. Kapansin-pansin naman ang pananahimik ng isa nilang kaibigan, si Theo. Abala iyon sa kaka-tipa ng mensahe sa kanyang cellphone.
"So... what brought you here?" pagsisimula ni Levi. Itinukod pa nito sa kanyang hita ang kanyang kanang kamay at humawak sa kanyang baba. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ako na-inform na ganito pala kahirap kausapin ang grupo nila. Nauumid ang aking dila.
"Ahhh...eh." Napakamot ng batok si Marga. Yumuko ako para hagilapin ang dapat kong sabihin.
"We're asking you. Sino ang may pakana ng pambubulabog ninyo sa teritoryo namin?" seryosong tanong ni Elliot. Biglang tumahimik ang buong paligid. Pakiramdam ko'y tumigil din sa kakaikot ang hangin.
"S--sorry," mahinang sambit ko ngunit nakayuko pa rin.
"Didn't you know that you just trespassed?"
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko habang magkatabi kami ni Marga rito sa loob ng hide out ng Zero Degree. Kaharap lang naman namin ang apat na lalaking hindi ko alam kung bukod silang pinagpala ng langit o sadyang nasa lahi lang talaga nila ang pagiging magagandang lalaki.
"Ang harsh mo naman, Fafa Elliot. Kumatok naman kami, ah. Hindi naman namin sinasadyang makapasok via expressway---ouch!" Kinurot ko sa tagiliran si Marga.
"Serenity naman! Masakit 'yon, ah!" ungot niya. Hindi ko siya pinansin. Huminga ako nang malalim at sinalubong ang mapanghusgang tingin no'ng Elliot.
"P...Pasensya na kung nakaistorbo man kami." Tumikhim ako para mawala ang bikig sa aking lalamunan.
"Napasugod kami dahil gusto sana namin kayong imbitahan na magtugtog sa Pageant."
"Uhuh, interesting. Mukhang magandang ideya 'yan, ilang linggo na rin naman pala kaming hindi nakakatugto dahil abala itong mga kaibigan namin," ani Elliot.
"Dude, baka naman puwede nating paunlakan ang imbitasyon ni Miss Beautiful?" wika ni Levi kay Sid ngunit walang reaksyon ang huli.
"Nga pala, ano'ng pangalan mo?"
"Serenity." Tipid akong ngumiti.
"And I am Marga," giit naman ng kasama kong bakla. In-extend pa nito ang kanyang kanang kamay para makipag-handshake ngunit walang tumanggap. Lihim akong natawa nang sumimangot siya.
"Serenity, huh? It suits you," ani Elliot.
"Salamat."
May narinig kaming lumagatok. Sabay kaming napatingin kay Sid ngunit hindi naman ito nakatingin sa amin.
Tumikhim si Levi. "Pfft, okay."
Kinuha ko sa loob ng bag ang invitation galing kay Elza saka ipinatong iyong sa center table.
Kinuha ni Levi ang invitation at binasa. Tumango-tango siya saka inabot iyon kay Elliot. Binasa rin naman ng huli.
"Ano naman ang makukuha namin sa event na 'to? Walang talent fee? Seriously?"
Napaawang ako. Bumuka ang aking bibig ngunit wala akong namutawing salita.
"It's a pageant for a cause." Nagkatinginan sina Elliot at Levi saka sabay na umiling.
Bumagsak ang mga balikat ko.
"Sorry, Miss beautiful, but we--"
"When?" Napatigil sa pagsasalita si Levi nang biglang magtanong si Sid. Ang akala ko ay hindi siya interesado.
"Seriously, dude?"
Hindi sila pinansin ni Sid, bagkus ay diretso itong nakatingin sa akin.
"And what time?" bored pa niyang dugtong sa kanyang tanong.
"Ahm, next friday, 6PM," mahinang sagot ko.
"Okay."
"What?!" sabay na bulalas nina Elliot at Levi.
"Ikaw ba talaga 'yan, dude?" Natatawang tanong ni Levi. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig mula kay Sid.
"I thought charity is not your thing? What are you thinking, huh?" pangungulit pa ni Levi. Si Theo naman ay wala pa ring pakialam. Nakangiti lang itong nagtitipa pa rin ng mensahe sa hawak na cellphone. I wonder kung sino ang ka-text niya.
"You may now leave," wika ni Sid na ang tinutukoy ay kami ni Marga. Hindi nito pinansin ang panunukso ng mga kaibigan niya.
"S...Salamat."
I smiled at him sincerely. Tumango lang siya at walang kangiti-ngiti, tila ayaw niya ng presensya namin. Masyado naman siyang masungit! Akala mo naman siya na ang pinakaguwapong nilalang sa mundo, eh, for sure naman may mas guwapo pa sa kanya!
"Salamat ulit, aasahan namin ang presensya ninyo. Malaking tulong sa org ang pagpayag ninyong tumugtog sa event. Iyon na lang kasi ang inaasahan namin para maisagawa ang mga pending na projects," seryosong sabi ko pa. Isang tango lang ulit ang inani ko mula kay Sid.
"Basta para sa'yo, Serenity, kahit magdamag pa kami--"
"Micaller," banta ni Sid.
"Sabi ko nga tatahimik na," pilyong sagot ni Levi.
"Territorial amp--"
"And Miss Serenity--" Lumingon ako nang marinig ang pangalan ko.
"It's Sid... Sid Dela Vega." He extended his right arm. Mahina akong itinulak ni Marga.
"It's Serenity, by the way. Nice meeting you." Inabot ko ang kanyang kamay ngunit kaagad din akong bumitaw nang maramdaman ko ang pagdaloy ng boltahe sa aking katawan.
What the hell was that?
"Ah, mauna na kami. Salamat ulit."
Hinila ko na si Marga palabas.
"Aray ko naman, meym! Dahan-dahan naman! Hindi naman tayo nagmamadali, 'di ba?"
Nang tuluyan na kaming nakalabas ay saka ko pinakawalan ang kanina pang pinipigilan kong hininga.
"Nakakaloka ka naman! Masyado kang excited umalis! Tsk!" inis na wika ni Marga. Sambakol na ang kanyang mukha.
"Hindi ko ba narinig o sadyang bingi ka lang? You may now leave! Ano ba'ng pagkakaintindi mo roon?" singhal ko pabalik. Inikutan niya lang ako ng kanyang mga mata.
"Whatever! Pero--shet! Napapayag natin silang nang gano'n kabilis, meym!" Kinikilig na sabi niya. Nagniningning pa ang kanyang mga mata.
"Excuse me! Ako nakapagpapayag sa kanila! Wala ka namang ginawa kanina kundi ang magpantasya sa kanila. Kapal nito!"
"Heh! Gano'n pa rin 'yon! Remember, ako ang nagturo sa'yo ng hide out nila!"
"Okay! Sabi mo, eh! Uwi na nga tayo! Dami mo pang satsat! Ang mahalaga pumayag sila," sabi ko at nagmartsa na. Nakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa loob ng shoulder bag ko.
I missed you, mahal. Kumain ka na ba?
Natigilan ako nang mabasa ang text. It was Ronald, my boyfriend. Nasa province siya at hindi maiwan ang lupang sinasaka ng mga magulang niya kaya napilitang siyang magpaiwan doon. Magmula nang lumuwas ako ng siyudad ay minsan na lamang kaming makapag-usap, lalo na at abala rin ako sa pag-aaral ko
Yup. Kanina pa. Ikaw? I missed you, too.
Pagkapindot ko ng send ay agad na nag-fail. Naalala kong wala pala akong load.
Wala sa sariling nakapa ko ang aking dibdib.
Na-miss ko nga ba siya?
©GREATFAIRY