Namumungay ang mga mata ko nang tumingin sa lalaking kaharap ko. Ngunit hindi ko naman ito mamukhaan.
“M-ay s--inasabi ka ba? B--akit panay lang ang bulong mo riyan? Parang isa kang b---ubuyog, ah,” anas ko pa sa taong kaharap ko.
Bigla rin akong napatingala dahil may lumapit sa aming waiter. Hanggang sa ibaba nito ang alak sa aking harap.
“S-salamat, my l-oves,” lasing na sabi ko sa waiter.
Hindi naman tumugon ang waiter. Ngunit kahit medyo malabo na ang tingin ko at nagdoble na rin ay nakita kong nagmamadali ang waiter. At tila may tinatakasan na tao.
Hanggang sa tumingin ulit ako sa taong kaharap ko.
“H---hey, y---you? B---akit ka pala naupo rito sa aking table? M---ayroon ka rin ba--ng hinahanap na tao? A-ako kasi mayroong hinahanting!’’ nauutal na sabi ko sa taong nasa harapan ko.
Ngunit wala pa rin akong narinig na salita sa lalaki. Tahimik lamang ito habang nakatingin yata sa akin. Pero hindi ako sigurado. Lalo at doble na ang tingin ko rito.
Kinuha ko na lang ang alak na nasa aking harapan para inomin ito. Ngunit biglang nawala sa mga kamay ko ang baso na may lamang alak. At nakita ko lang naman iyon na hawak-hawak ng taong nandito sa aking table. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na rin nitong ininom.
“H---oy, b---akit mo inubos ang alak ko?!” bangag na tanong ko. Kaya lang, ka-unti na lang at babagsak na ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa.
Mayamaya pa’y hindi ko na kaya ang antok at bigat ng aking ulo. Kaya ang labas ay tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.
“Lintik na ‘yun! Hindi man lang nagpakita sa akin!” galit na sambit ko pa bago ako lamunin ng kadiliman.
Kasarapan ng tulog ko nang magising akong may nakagadan sa ibabaw ko. Ngunit walang lakas ang aking buong katawan. Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko.
Ngunit Damang-dama kong may humahalik sa aking leeg. Ramdam ko ring mariin ang pagsipsip nito sa aking balat.
Mamaya pa ay siniil niya ang labi ko nang mapusok na halik at may kasamang pang-gigigil. Pero ang lambot ng mga labi nito at ang bango ng hininga niya. Naamoy ko pa nga ang pabango nito sa kaniyang katawan.
Iniisip ko rin na ito na siguro ang ideal man ko. Kaya kapag nagising ako bukas ay hahanapin ko na talaga ang lalaking katulad nito.
Habang hinahalikan niya ako sa labi, naglalakbay naman ang isa niyang kamay sa aking beywang. Ramdam ko ring hinimas-himas niya ito. At dahil sa ginawa nitong paghimas sa aking balat parang hinihili naman ako at muli na namang akong nilamon ng kadiliman.
Kinabukasan naging akong parang minamaso ang aking ulo. Halos hindi ko rin maimulat ang mga mata ko. Ngunit kailangan kong tumayo lalo na at aalis nga pala ako para puntahan ang aking Ina sa lugar ng Sta. Lily.
Kailangan kong makaalis na. Baka bigla na namang akong tawag ni boss Zach, dahil may bago na naman akong misyon. Demanding pa naman ang boss ko na ‘yun.
Kaya naman kahit mahilo-hilo pa ay tumayo na ako sa aking kama. Ngunit ang mga mata ko naman ay nakapikit pa rin. Sabagay kahit ipikit ko ang aking mata ay alam ko naman ang pasikot-sikot dito sa aking kwarto.
Agad akong humakbang ngunit bigla ring napahinto sa paglalakad. Bakit parang gumaspang ang aking tiles? Hindi naman ako nagpapalit, ah?
Hanggang sa muli na naman akong humakbang para pumunta na sa loob ng banyo. Nasa kaliwa ito. Kaya rito ako pumunta. Ngunit pader ang aking nakakapa.
“Na saan ba ang banyo? Bakit biglang nawala yata?!” palatak na tanong ko sa aking sarili. Nagtataka rin ako dahil magaspan ang pader? Ano bang nangyari sa aking silid?
Dahan-dahan ko na lang iminulat ang mga mata ko upang alamin kung anong nangyari sa aking kwarto.
Hanggang sa kulay punting pader ang pumambad sa aking mga mata. Ano’ng nangyari? Hindi naman ganito ang kulay ng aking kwarto, ah? Medyo kinusot ko rin ang aking mga mata at baka namamalik mata lamang ako. Ngunit ganoon pa rin ang aking nakikita kahit ilang beses ko rin ikinurap ay walang nagbago.
Pagkatapos ay dahan-dahang kong inikot ang paningin ko sa buong paligid ng kwartong kinalalagyan ko.
Peste! Dahil nasa isang hotel ako. Agad ko ring hinilot ang aking noo. Sinong nagdala sa akin dito?
May gumahasa ba sa akin? Ngunit wala naman akong naramdaman na masakit sa aking pagkakababae? Kaya alam mong walang nangyaring gahasaan kagabi.
Bumaba rin ang mga mata ko sa aking katawan at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko dahil wala akong saplot sa kahit isa sa aking katawan. Grabe, heto ang napapala ko dahil sa katakawan kong uminom ng alak, mukha tuloy akong tanga pagkagising dahil wala akong maalala.
Hanggang sa magdesisyon na lang akong maligo
Hinanap ko rin ang cr. At nakita ko ito sa kanang bahagi rito sa hotel. Kaya pala hindi ko makapa kanina nasa ibang parte pala na lugar.
Kailangan ko munag maligo at baka mayroon akong maalala sa mga nangyari sa akin kagabi.
Hanggang sa inabot na ako ng isang oras rito sa loob ng banyo ay wala pa rin akong maalala sa mga nangyari kagabi? Sobrang lasing na lasing ba talaga ako kagabi? Kulang na lang ay ihampas ko ang aking ulo sa pader para lang may maalala! Nakakainis naman!
Hindi tuloy maipinta ang mukha ko nang lumbas ako ng banyo. Parang gusto kong mag-amok ng away ngayon. Hanggang sa lumapit ako sa harap ng malaking salamin habang tuwalya lang nakalagay sa aking katawan.
Ngunit para akong nakakita ng multo nang makita ko ang aking pagmumukha sa salamin. Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin upang matitigan nang husto.
Hinawakan ko rin ang itaas ng labi ko na sobrang namamaga at para bang kinagat ng bubuyog. Kaya pala masakit kanina nang masagi ko. Iyon pala ay namamaga at para bang sinipsip ng sobra-sobra?
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa itaas ng labi kong namamaga. Medyo lumubo rin kasi ito.
Peste! Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga taong makakakita sa akin. Bakas isipin nila na magdamag akong nakipaghalikan. Lintik naman, oh!
Nanghihina tuloy akong lumapit sa kama para maupo. Upang makapag-isip ng maayos. Nalipat naman ang mga mata ko sa ibabaw ng center table. May nakita kasi ako roon ng puting papel.
Nagmamadali tuloy akong lumapit dito para kuhanin nito. At nang madampot ko ang papel ay agad kong binuklat ito.
“Binalaan na kita babae. Isang-isa na lang! Hindi lang ‘yan ang aabutin mo! At para magtanda ka ay hiniram ko rin pala ang panty mo. At humiram din ako ng tatlong piraso na maliit na buhok sa ‘yo!” malakas na pagkakabasa ko sa sulat sa akin.
Nanlalaki tuloy ang mga mata ko na parang kwago.