Nakita kong nagtinginan ang dalawang lalaki. Ngunit nakatutok pa rin sa akin ang hawak na baril ng lalaki. Ngunit hindi ako natakot dito. At base sa aking nakikita ay baguhan pa lang ito sa paghawak ng baril. Hindi rin kasi nakaligtas sa mga mata ko ang panginginig ng kamay nito.
“Aba! Masyado ka naman yatang matapang babae? Hindi ka ba natatakot sa aking baril? Gusto mo bang lahat ng laman na bala nito ay ilagay ko lahat sa ulo mo?” pasigaw na tanong sa akin ng lalaki.
Marahas na lang akong nagbuntonghininga. Pagkatapos ay pasimple kong kinuha ang dalawang maliliit na karayom na nakadikit sa aking damit. Hanggang sa maliksi pumitik ang daliri kong may hawak na karayom.
Mayamaya pa’y sabay na bumagsak ang dalawang lalaki. Agad ko namang kinuha ang aking relo mula sa kamay ng lalaking walang malay tao.
Mabuti na lang pala palagi akong may dalang maliit na karayom sa aking damit. Nagagamit ito sa mga kalaban ko ng hindi man lang nila nalalaman.
Sa totoo lang ay mahirap pag-aralan ang paggamit ng karayom mula sa kamay. Ang tanging bisaha lamang sa pag-gamit nito ay ang mga leader ng Secret Agent Weapon.
Ngunit pinag-aralan ko talaga ang paggamit nito, hindi ko tinigilan hanggang hindi ko nakukuha ang tamang paggamit ng karayom gamit lang ang kamay.
At noong napag-aral ko na ay halos maglupasay ako sa tuwa. At talaga namang nagpalibre ako sa mga kasamahan kong Agent. Tuwang-tuwa naman sa ayuda ang mga mukhang perang Agent.
“Manong driver, sa presinto natin dalhin ang dalawang holdaper na ‘to!” malakas na sigaw ng isang babae.
No choice ako kundi bumaba na lang ng jeep. Baka kasi magpang-abot pa kami ni Mr. Chaka, oras na sumama pa ako sa presinto. Lalo na at mayroon akong kasalanan nito.
Ang nakakainis lang ay malas din pala akong sumakay sa jeep. Mukang ang magiging bagsak ko ay sasakay na lang ako ng bus.
Nang may dumaang bus at huminto sa aking harapan ay nagmamadali akong sumakay. Mabuti na lang at wala masyadong pasahero. At sa pinakang gitna ako naupo katapat ng bintana.
Mayamaya pa’y biglang huminto ang bus at mukhang may sasakay ulit. Hindi ako lumingon para tingnan kung ilang ang pasaherong sumakay. Hanggang sa may umupo sa aking tabi. Ngunit hindi na ako nag-abalang tiningnan kung sino ang aking katabi.
Ngunit base sa amoy ng pabango nito ay lalaki ang aking katabi. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa sandalan ng upo. Mariin ko ring ipinikit ang mga mata ko.
Hanggang sa madama kong huminto ulit ang bus na aking sinasakyan.
“Hindi ko nagugustuhan ang pagpunta mo sa bar kagabi…!” Napaawang bigla ang bibig ko nang marinig ko bulong na ‘yun sa aking punong tainga. Ka-boses din ito ng lalaking bumulong sa akin kagabi habang nagsasayaw ako. Ngunit may k-boses pa itong isa, ngunit hindi ko lang matandaan kung sino? Pero nasa dulo ng aking dila.
Agad ko ring iminulat ang mga mata ko, subalit wala na akong katabi rito sa aking upuan. s**t! Hindi kaya, sinusundan ako ng lalaking ‘yun.
Hanggang sa mapatingin ako sa upuang pinag-alisan ng lalaking katabi ko kanina. May nakita kasi akong kulay puting papel at may nakasulat dito.
“Oras na makita ulit kita sa bar, hindi lang kiss mark ang ibibigay ko sa ‘yo, babae…” mahinang pagkakabasa ko sa sulat. s**t! Mukhang may taong palaging nakasunod sa akin.
Peste! Bakit ba hindi ko man lang naramdaman ‘yun. Kailangan kong mag-ingat. Ngunit dapat bumalik ulit ako sa bar. Gusto kong malaman kung sino ang animal na ‘yun.
At sino siya para pigilan ako? Kahit sinong tao, lalo na kung ‘di ko naman kamag-anak ay hindi niya ako puwedeng pagbawalan. Kaya naman buo ang loob ko na babalik ulit sa bar mamayang gabi. At bukas ng umaga ay aalis na ako papunta sa Sta. Lily, sa lugar ng mahal kong Ina.
Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa aking bahay. Nagulat na gulat pa nga ang mga kasambahay ko nang makita akong bumalik.
Nagdesisyon na muna akong magpahinga sa aking kwarto para may lakas ako upang makipagbuno sa lalaking ‘yun. Kailangan ko rin malaman kung sino ang lintik na ‘yun.
Nang mahiga ako sa kama ay tuloy-tuloy na akong nakatulog. Nagising lang ako sa alarm clock aking relo.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Isang mini dress ang aking suot. Kaya kitang-kita ang magandang hubog ng aking hita, labas na labas din ang kaputian ko.
Naglagay rin ako ng lipstick sa aking labi. Pagdating sa aking buhok ay pinusod ko lang ito paitaas. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong lumabas ng hagdan. Pagdating sa garahe ay agad akong sumakay ng aking kotse. At matulin ko itong pinatakbo papalayo sa aking bahay. Para pumunta sa bar.
Humanda talaga ang lalaking ‘yun oras na makita ko. Titiyakin kong pagbabayaran niya ang pang-gagahasa niya sa akin habang lasing ako. Ngku! Lintik lang ang walang ganti!
Hindi nagtagal ay nakarating ako sa harap ng bar. Agada akong lumabas ng kotse at malalaki ang hakbang ko papalapit sa bar.
“Good Evening po, Ma’am,” magalang na pagbati sa akin ng security guard. Ngumiti lamang ako rito at nagtuloy-tuloy na ako pumasok sa loob ng bar.
Humanap ako nang magiging pwesto ko na medyo tago at madilim. Nakakita naman ka agad ako. Nang maupo ako ay may lumapit sa aking isang waiter.
Agad ko namang sinabi ang order ko na alak. Hindi ako magpapakainom. Baka kasi makalampas sa mga mata ko ang lalaking ‘yun.
Mayamaya pa’y dumating na ang order kong alak. Paunti-unti ko itong ininom. Ngunit ang mga mata ko ay malikot sa buong paligid nitong bar. Subalit, naubos ko na ang order kong alak ay wala pa rin akong nakikitang kakaibang ilalang.
Kaya naman nag-order pa ako ng isa. Maghihintay pa ako ng ilang sandali at baka magpakita rin ito.
At muli ko na naman naubos ang alak ko. Peste! Isang order na lang talaga ng alak. At kapag wala pa rin ang kakaibang nilalang na ‘yun ay uuwi na ako.
Hanggang sa kaka-order ko ng alak, na isa pa. . . isa pa. . . isa pa. . . at isa pang alak. Ayon bangingi na naman ako. At nagdadalawa na ang tingin ko sa mga tao.
“Waiter!” muling pagtawag ko.
“Ma’am, alak pa po ba?” tanong ng waiter nang makalapit sa akin.
“O—oo, gusto ko ‘yun mas hard pa na alak upang makita ko agad ang taong aking hinahanap. Bilisan mo,” utos ko sa waiter.
“Eh, Ma’am lasing na po kayo,” paalala ng waiter sa akin.
“A—T s-sinong barabas an---g ma-y sabihin na lasing na ako, ha? Nakikita pa nga kita, pati na rin ang dalawang kalambal mo! Sige na, bigyan mo ako ng alak!” namumungay ang mga mata ko habang nakatingin sa tatlong waiter na magkakamukha.
Agad ko namang pinilig ang ulo ko. Lalo at ramdam kong hilong-hilo na ako. Mayamaya pa’ y may biglang naupo sa harap ng table ko. Malabo na tingin ko rito. Kaya hindi ko ito mamukhaan.
“H---ey, you? K---ung sino ka naman na l---umapit dito sa aking pwesto. B---aka, mayroon kang n---akikita na kakaibang nilalang dito sa loob ng b---ar. Sabihin mo ka agad sa akin, a---h,” anas ko, habang ang pagsasalita ko’y paputol-putol tanda na ako’y lasing na nga.
”Binalaan na kita babae, na huwag kang pupunta sa bar na ito!”