Tatlong araw ang matuling lumipas. Sa ngayon ay nandito ako sa aking kwarto. Nakatitig ako sa malapad na pader rito sa aking kwarto. Nag-iisip pa ako ng malalim. Lalo at gulong-gulo pa rin ng utak ko.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawaglit sa aking utak ang nangyari sa bar at napunta naman ako sa loob ng hotel. Kasabay noon ang pagmaga ng aking itaas na labi ko. Kaya hindi tuloy ako nakaalis para umuwi sa Sta. Lily.
Ngunit ngayon araw ay tuloy na tuloy na talaga ako. Nagmumuni-muni lamang ako sandali. Sapagkat wala pa rin akong maalala sa mga nangyari sa akin noong tatlong araw na ang nakakalipas.
Iniisip ko tuloy ay engkanto ang may kagagawan sa akin lalo na noong namaga ang itaas na labi ko. Mayamaya pa’y kinuha ko ang cellphone ko upang magpadala ng mensahe sa ilang mga tao na pinagkakatiwalaan ko sa aking negosyo.
Sa ilang taon kong sa pagiging secrets weapon ng bansa, ay mayroon na rin akong naipundar na mga negosyo. Ang Zyle’ bag, na ngayon ay namamayagpag ito sa bansa. Sarili ko talagang design na mga bag na ‘yun.
Mayroon din akong dalawang Zy’s Groceries Store. At ang isa ay ang Zyle’s Hotel. Kaya kahit hindi na ako magtrabaho bilang Agent dahil mayroon na akong pagkukunan ko ng mga pangangailangn ko kapag tumanda na ako.
Pagkatapos kong mag-iwan ng mensahe sa mga tauhan ko’y agad akong tumayo para maghanda sa aking pag-alis. Kanina pa naman ako bihis. Naghintay lang ako ng oras sa tamang pag-alis ko.
Kaya lang, bigla akong napatingin sa aking cellphone dahil nakita kong may nagpadala sa akin ng mensahe. Nagsalubong tuloy ang kilay ko.
Agad ko naman itong tiningnan. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko dahil pictures ng tatlong piraso na buhok na pinadala sa akin.
Hindi ito buhok sa ulo. Kung hindi ako nagkakamali ay buhok na kulot. s**t! Ayaw ko nang banggitin kung saang buhok ito galing. Peste naman, oh!
Sinong bastos na nilalang ang nagpapadala nito sa akin? Nakakasura talaga. Kaya naman dali-dali ko na lamang binura ang picture na ‘yun at umiinit lamang ang ulo ko.
Hanggang sa kuhanin ko na ang aking bag na dadalhin sa para sa aking pag-alis. Inihanda ko na ito kagabi pa. Kinuha ko rin ang mini gun ko at inilagay sa aking likuran. Hindi naman ito mahahalata dahil may suot akong jacket.
Ngunit bago lumabas ay lumapit muna ako malaking salamin. Upang tingnan ang nguso ko. Nakahahinga lamang ako ng maluwag dahil okay na ito. At bumalik na sa normal. Hindi na ako naiingkanto.
Kinuha ko rin ang sobrero at inilagay sa aking ulo. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na akong lumabas ng aking kwarto.
“Mag-iingat ka ho, Ma’am,” sabay-sabay na sabi ng mga mababait kong kasambahay.
“Salamat, tawagan ninyo na lang ako kapag may problema rito,” bilin ko sa kanila, bago ako lumabas ng kabahayan. Sumakay ako ng kotse ko, Dahil magpapahatid ako sa driver ko papunta sa terminal ng bus.
Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa terminal ng bus. Mabilis lang din akong nakakuha ng ticket ko. Medyo mahaba-haba rin ang aking biyahe lalo at sasakay pa ako ng maliit na barko para makarating sa Sta. Lily.
Sumakay ako ng bus. Mayamaya pa’y tuluyan na itong tumakbo papunta sa pantalan. Hindi naglaon ay nakarating ang bus na sinasakyan ko sa pantalan. Agad akong bumaba.
Nakakuha naman ka agad ako ng ticket para makasakay ako sa maliit na barkong pandagat. Habang naglalayag ang sasakyang pandagat ay medyo kabado ako sa pagkikita namin ng aking inay. Natatakot din ako na baka itanggi niya akong anak.
Bahala na, ang mahalaga ay makita ko ito kahit sandali lamang. Kinuha ko rin ang picture ng inay ko upang tingnan muli. Hinaplos ko rin nga ang mukha nito sa picture. Kahit mayakap ko ito kahit sandali lang ay masaya na ako roon. Napabungtonghininga na lamang ako.
“Huwag kayong kikilos ng masama! Siguro naman ay kilala ninyo kami? At alam na ninyo kung ano’ng pakay namin sa barkong ito? Para hindi kayo masaktan, lahat ng mga pera at alahas ninyo ay ibigay ninyo sa amin! Para hindi na dumanak ang dugo rito!”
Napaangat ako ng tingin sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Kumunot din ang aking noo.
“Kahit pala sa barko ay may nagaganap din na panghoholdap…?” mahinang bulong ko at tanong sa aking sarili.
Tumingin naman ako sa limang lalaking may hawak na baril. Mukhang mga pirata sila. Aba! Naglipana na rin pala ang mga pirata rito. Napapailing na lamang ako sa aking nalaman.
Hanggang sa itago ko na ang picture ni Inay. Inayos ko rin ang sombrero sa aking ulo. Kinuha ko rin ang salamin sa aking mata para isuot ganoon din ang face mask ko. Upang hindi makita ang aking mukha ng mga baliw na pirata.
“Wala po kaming pera na maibibigay sa inyo! Maawa na po kayo sa amin!” narinig kong sigaw ng isang babaeng may edad na.
“Hindi puwedeng wala kayong ibigay sa amin! At hindi uso sa amin ang awa-awa! Sige na, ilabas ang lahat ng laman ng bag ninyo! Huwag ninyong tangkain na lumaban sa amin at may paglalagyan kayo!” muling sigaw na isang lalaki.
Nakikita ko naman ang takot sa mga mukha ng taong nandito sa loob ng barko.
“Mukhang maraming magagandang babae rito ngayon sa barko, ah! Kumpara noong isang araw at iilan lang ang mga nakuha natin!” narinig kong sigaw ulit ng lalaki. At kung hindi ako nagkakamali ay baka ito ang pinakang leader sa kanilang lima.
“Inay! Ayaw kong sumama sa kanila. Huwag ka pong papayag na dalhin nila ako!” hagulhol ng babaeng katabi ko. At nakikiusap sa kanyanh ina. Maganda ito, makinis din ang balat ng babae. Kaya alam kong pag-iinteresan ito ng mga animal na pirata.
“Mayamaya pa’y isa-isa nang lumapit ang mga pirata sa upang paghihilahin ang mga babaeng natitipuhan nila.
“Maawa kayo sa aking anak! Kuhanin na ninyong lahat ang pera ko. Huwag ang aking anak!” umiiyak na sigaw ng isang ginang at nagpapakaawa ito sa mga lalaki.
“Tumahimik ka tanda! Papalampasin pa ba namin ang pagkakataong ito. Ang ganda-ganda ng anak mo! Kailangan ko pala munang tikman siya rito, bago ko dalhin sa aming pinuno!” mala-demonyo sabi ng lalaki. At humalakhak din ito.
Kuyom ang mga kamao ko. Nagtitimpi na huwag umalpas ang galit ko. Oras na magpadalos-dalos ako, baka may madamay ng mga inosenteng tao. At iyon ang hindi ko matatanggap.
“Pare, hindi naman puwedeng ikaw lang ang tumikim sa mga babaeng nandito, dapat kami rin. At pagsawaan muna natin sila. Para naman hindi tayo lugi!” anas naman ng isang lalaking halang din ang kaluluwa.
“Sige lang! Pumili na kayo ng mga babaeng nagugustuhan ninyo! At humanap kayo ng puwesto ninyo!” muling sabi ng pinakang leader na pirata.
“Dalawa sa akin!” anas ng isang pirata at agad na kinuha ang dalawang dalaga.
“Huwag po! Huwga po, maawa na po kayo sa amin!” pagmamakaawa nila.
“Hoy! IKaw babae, alis mo ang sobrero mong suot!” pasigaw na utos sa akin ng piratang baliw.
“Hindi puwede! Sino ka ba?"