Magkakasunod akong umiling sa aking Ina. Dahil para akin ay wala itong kasalanan. Itinaas ko rin ang aking palad upang damhin ang kamay ng Inay ko. Ngunit muli pa rin na nagsalita ang aking Ina.
“S-Sige lang, Zyle, isumbat mo sa akin ang lahat ng sama ng loob mo. Tatanggapin ko ‘yun ng buong puso. Dahil alam ko sa aking sarili na mali ang ginawa ko. Iniwan kita noon. Naging duwag ako. At hindi ko tinanggap ang responsabilidad bilang ina mo. Hindi man lang kita naalagaan sa loob ng 25 years!” muling anas ng aking ina.
Tumingin ako sa aking Ina. Pinahid ko ang luhang namamalisbis sa mga mata nito gamit ang aking kamay.
“Wala kang naging kasalanan sa akin, Inay. Ginawa mo lang kung anong ikabubuti ko. Kahit kailan ay hindi ako nagtamin ng sama ng loob sa ‘yo. Hindi ko gagawin ang sumbatan ka o kamuhian ka, Inay. Labis pa nga akong nagpapasalamat dahil niluwal mo pa rin ako sa mundong ito. Hindi ko kayang magalit sa taong nagsilang sa akin,” madamdaming pahayag ko sa aking inay.
Lalo namang napaiyak si Inay. “Aamin kong naduwag ako noon anak. Natakot na baka hindi ko kayang ibigay sa ‘yo ang lahat ng pangangailangn mo. Kaya kahit labag sa aking kalooban ay binigay kita kay Zal ang iyong Ama. Dahil alam kong maibibigay niya ang lahat ng pangangailangn mo, lalo at may kaya ang pamilya niya. Ayaw ko ring maghirap ka sa piling ko. Kaya nagawa ko ‘yun. Ngunit, sobrang sakit pala ang mawalay sa ‘yo anak. Halos araw-araw kong sinisisi ang aking sarili dahil sa wala akong kwentang ina,” lumuluhang sabi sa akin ni Inay.
“Ang mahalaga po ay magkasama na tayo, inay. Nauunawaan ko kung bakit nagawa mo ‘yun,” anas ko sa aking mahal na Nanay.
“Anak ko! Maraming salamat. Ito ang matagal ko nang dasal ang makita at mayakap kita.”
Tumingin ako sa aking Inay. Ramdam ko ang mga pinagdaan nito noon. At kahit ganoon ang ginawa nito sa akin ay wala akong hinanakit para rito. At nauunawaan ko ito. Kahit naman sinong magulang ay gagawin ang lahat upang mapabuti ang lagay ng mga anak nila, kahit ang kapalit noon ay pighati sa puso nila. Ngayon lang naging panatag ang puso ko, dahil makakasama at nayakap ko na rin sa wakas ang inay ko.
“Doon tayo mag-usap sa loob ng bahay anak. Para makilala mo rin ang mga kapatid mo,” pagyaya sa akin ng Nanay ko papasok sa loob ng munti nilang tahanan.
“Zyle anak, pag-pasensyahan mo na itong bahay namin. Hayaan mo’t gagawa ako ng paraan para mapaayos ko ito.”
Mahigpit ko namang hinawakan ang kamay ng Nanay ko.
“Huwag ninyo akong alalahanin, Inay. Hindi ko po kailangan ang magandang bahay. Ang mahalaga sa akin ay ang kasama kita kayo ng mga kapatid ko,” anas ko sa aming Inay. Sabay ngiti ng matamis.
Itinaas ko ulit ang aking kamay upang punasan muli ang luha sa mga mata nito. Hanggang sa mapatingin ako sa picture frame. At ako lang naman ang nasa picture na ‘yun. Edad 18 years pa lang ako sa picture na ito.
Agad ko namang kinuha ito. Nagtataka rin ako, paano nagkaroon ng pucture ko si Inay? Kung bata pa lang ako ay binigay na niya ako kay Papa.
“Ibinigay iyan sa akin ng papa mo, Zyle. Kaarawan mo ‘yun. Pinilit kong pumunta sa lunsod upang makita ka. Gumawa ako ng paraan upang makaipon ng sapat na halaga para mayroon akong pamasahe. Nakaipon naman ako. At lakas loob akong pumunta sa bahay ng papa mo. Nagkataong si Zal ang nagbukas ng gate sa akin.
Patago niya akong kinausap, dahil baka makita kami ng asawa niya. Nakiusap ako na kung puwede kitang makita kahit sa malayo lamang. Subalit hindi pumayag si Zal. Pero binigyan niya ako ng picture mo. Para may alam ako kung ano ang itsura ng panganay ko,” mahabang salaysay ng Ina ko.
Naliwanagan naman ako. Kaya pala sabi ng kapatid kong babae ay kamukha ko raw ang ate niya, eh, may picture pala ako rito.
May ngiti sa aking labi na muling lumapit sa aking inay at mahigpit ko itong niyakap. Mayamaya pa’y may dumating na binatiyo at dalagita. Nakikita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila nang makita ako. Nanlalaki rin ang mga mata nila.
“Inay, si Ate Zyle na ba ‘yan?” panabay na tanong ng dalawang kapatid ko na dumating.
“Oo mga, anak. Nandito na ang ate ninyo. Halina kayo para magpakilala sa ate Zyle ninyo,” anas ni Inay sa mga kapatid ko.
Dali-dali naman silang lumapit sa akin. Nagulat pa nga ako nang bigla akong yakapin ng dalagita kong kapatid.
“Sa wakas, ate. Nakita na rin kita. Akala ko sa picture ka lang namin makikita,” tuwang-tuwa nito. Hanggang sa magpakilala na ito sa akin. Napag-alam kong Seri ang pangalan nito at ang binatilyo kong kapatid ay Rj. Hindi rin naman nagpahuli ang bunso kong kapatid at nagpakilala rin ito sa akin na si Fanie.
Mahigpit naman akong niyakap ng mga kapatid. Parang gusto na namang kumawala ng mga luha ko sa aking mga mata. Ibang-iba ang pagtanggap nila sa akin. Kumpara sa mga ate at kuya ko na kapatid ko kay Papa.
Wala naman akong problema sa mga anak ng papa ko. Ngunit kahit minsan ay hindi man lang nila ako niyakap. Sa bagay, ganoon talaga ang buhay lalo at isa akong bastarda. Kailangan tanggapin ko ‘yun.
Ang mahalaga sa akin ngayon ay buong puso na tinatanggap ako ni inay at ang mga kapatid ko. Iyon ang mahalaga.
“Mga anak ko, maiwan ko muna kayo. At ako’y magluto ng hapon natin. Kayo na muna ang bahala sa ate ninyo, Fanie, huwag kang masyadong makulit,” pagsaway pa ng Inay ko sa aking kapatid.
“Opo, Inay,” magalang na sagot ng aking kapatid.
“Ate, Zyle, halika at sasamahan kita sa magiging tulugan mo. Alam mo bang may sarili ka ring higaan dito sa bahay. At ang sabi ni Inay noon, nagdadasal pa rin siya na sana raw ay maisama ka niya rito sa bahay. Kahit isang araw lang ay makasama ka namin,” anas sa akin ni Seri. Hinawakan pa nga ako nito sa aking kamay at tuloyang dinala sa tutulugan ko raw.
Hanggang sa dalhin ako sa isang pinto. At bumungad sa akin ang maliit na silid. May papag din na hindi kalakihan. May maliit din na electric fan dito. May maliit na bintana na nagsisilbing liwanag.
“Saan kayo natutolog nina Inay?” hindi ko mapigilang tanong sa aking katapid.
“May isa pang silid ate. At doon kaming tatlo natutulog. Maliban kay Kuya Rj. Doon ‘yun natutulog sa labas ng kwarto, siya raw ang bantay namin,” natatawang sabi ni Seri. Napangiti na lamang ako sa aking kapatid.
Marahan akong tumango. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwartong tutulugan ko. Si Seri naman ay nagpaalam na sa akin dahil tutulugan pa raw nito si Inay magluto.
Tumingin ako sa papag na tutulugan ko. Mukhang palagi itong nililisan ni Inay. Pati ang una at mga sapin sa papag ay malinis din. Hindi ko lubos akalain na hinihintay rin pala ako ng nanay ko. At kahit wala itong kasiguraduhan sa pagpunta ko rito ay pinaglaan pa rin ako nito ng matutulogan.
Ibinaba ako aking bag. Pagkatapos ay kumuha ko ang damit na masusuot ko. Isang lumang short at t-shirt lang ang aking sinuot. Mayamaya pa’y narinig kong tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha para tingnan kung sino ang nagmessage sa akin.
Ngunit nanlalaki na naman ang mga mata ko dahil sa picture na naman na pinadala sa akin.
“Peste! Baliw yata ang nagse-send nito sa akin. Saka, hindi naman ganito ang aking buhok sa ibaba, ah? Makinis kaya ang aking perlas. Jusko po! Hindi ko na lang pinansin ang nagpadala ng mensahe sa akin. Binura ko na lamang ito.
Pagkatapos ay naghiga ako sa papag na may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko akalain na darating ang sandaling ito sa buhay ko.
“Ate Zyle, natutulog ka ba? Pinasasabi pala ni Inay na kumain na raw tayo para makapagpahinga ka,” narinig kong anas ni Seri sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Agad naman akong bumangon para lumabas upang pumunta sa kusina.
“Zyle, nahihiya ako sa ‘yo, dahil pritong talong at pritong tuyo lang ang naihanda ko sa ‘yo,” malungkot na sabi ng Inay ko.
“Sus! Ang inay ko. Huwag ninyo akong alalahin. Kumakain ako ng pritong talong at tuyo. Kaya wala kang dapat na ipag-alala sa akin,” anas ko. At lumapit pa ako rito.
At nang gabing ito ay sabay-sabay kaming kumain na may ngiti sa mga labi. Kahit simpleng hapon lang any nakahain sa lames ay ramdam ko naman na may pamilya ko at alam kong mahal nila ako. Hindi katulad noong nandoon pa ako sa aking Ama. Kahit minsan ay hindi ko ito nakakasabay kumain. Palagi silang nauuna at ako ang nahuhuli.
Pero ngayon. Ramdam ko sa aking puso na may pamilya na ako at alam kong hindi na ako iiwan ng Inay ko. Natulog din ako na umaapaw ang saya sa aking puso.
KINABUKASAN nagising akong nagkakagulo sa labas ng bahay namin, narinig ko rin na may nag-iiyakan. Maliksi tuloy akong bumangon sa mula sa pagkakahiga ko. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng silid ko.
Habang papalapit ako sa labas ng bahay ay unti-unti kong naririnig ang mga sigawan nila.
“Bakit ba hindi mo na lang ako bigyan ng pera, Carla. Para matapos na at makaalis na kami. Alam kong sumahod ka sa paglalaba mo. Kaya hindi mo ako maloloko na wala kang pera!” narinig kong sigaw ng isang lalaking mukhang sanggano.
“Waldo, gasino na lang ang sinasahod ko sa paglalaba. Alam mong nag-aaral ang anak mo. Imbes na tumulong ka para mapagtapos ang mga bata ay puro pambabae pa ang ginagawa mo. Ipapaalam ko lang sa ‘yo, simula ng umalis ka sa bahay ko ay wala ka nang lugar dito!” sigaw ng nanay ko.
Bigla naman akong kinabahan. Baka kung ano’ng mangyari sa inay ko. Lalo at narinig kong nagsigawan na rin ang ibang kapatid ko.
“Sige, itay! Subukan mong saktan si Inay. Hindi ako magdadalawang isip na labanan ka!” narinig ko naman ang boses ni Rj.
“Aba’t Gago kang bata ka! Mayabang ka na ngayon? Sinong pinamamalaki mo? Dahil ba malaki ka na, ha?!”
Agad ko namang binuksan ang pinto. At nakita kong susuntukin si Rj ng lalaking malaki ang tiyan. Maliksi naman akong umikot pasabay sipa sa batong hindi kalakihan at ito’y papunta sa binti ng lalaking sanggano.