Yakap Ng Isang Ina 8

1723 Words
“Aba't! Mayabang ka, ah! Bakit papalaga ka na, babae?!” malakas na sigaw nito sa akin. Kaya ayon, hindi na ako nakapagpigil pa. Maliksi akong tumayo, sabay suntok sa leeg nito. Mabilis ko ring kinuha ang maliit na baril na nasa aking likod, pagkatapos ay agad ko ring itinutok sa lalaking na sa kaharap ko hanggang sa kinalabit ko ang gatilyo ng baril na hawak ko. Kaya sapol na sapol sa singit nito. At kamuntik na ang itlog nito. “Ah! Hayop!” sigaw nito sa akin. Agad naman akong pumunta sa likurang nito at itinutok ko sa ulo niya ang baril ko. “Sige, sibukan ninyong gulatin ako, titiyakin kong patay ang leader ninyo!” pagbabanta ko sa apat na lalaki. “H-Huwag munang kayong gagalaw riyan, siraulo ang babaeng ito!” sigaw ng lalaki ng hawak. Nang marinig kong tinawag akong siraulo ay muli kong kinalabit ang gatilyo ng binaril na hawak ko. At sapol na naman ito sa paa niya. “Ahhh!” malakas na sigaw ng lalaking hawak ko. Pagkatapos ay muling nabaling ang mga mata ako sa apat na lalaki. Nakikita kong nagsinyasan sila. At mukhang mayroong pinaplano laban sa akin. Kaya hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanila. Mayamaya pa’y nakita kong isa-isa silang kumuha ng baril. At itinutok sa akin, ngunit sorry na lang sila dahil mas bilis gumalaw ang aking kamay. Magkakasunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril ko at isa-isa ko silang pinaputukan sa mga kamay nila na may hawak na baril. Dahilan para mahulog ang mga baril ng mga ito. Maliksi rin akong gumalaw. Umikot ako pakaliwa, habang dala-dala ko ang lalaking bihag ko pagkatapos ay ubos lakas ko itong itinulak, dahilan nang pagkahulog nito sa dagat. “Hindi!” narinig ko pang sigaw ng lalaking hinulog ko. Pagkatapos ay umikot ako sa ere at walang habas kong pinagsisipa ang apat na lalaki. Hanggang sa isa-isa silang bumagsag. Itinago ko ang aking baril. Hanggang sa lumapit ako sa apat ng lalaki. Ngunit pinulot ko ang isang baril sa aking dadaanan. “Puwede ko bang malaman kung sino ang pinuno ninyong mga pirata?” malumanay na tanong ko sa lalaking kaharap ko. “W-Wala kaming pinuno,” nauutal na sagot ng lalaki sa akin. “Wala? Samantalang kanina ay ka narinig kong may pununo kayo? Tapos ngayon ay wala na? Aba nga naman! Pinagloloko naman ninyo ako!” galit na sabi ko. Hanggang sa itutok ko sa hita nito ang sarili nitong baril. Wala nang tanong-tanong. Agad kong kinalabit ang gatilyo. “Ahhhh!” Sigaw ng lalaki. “Di ba, madali akong kausap? Magtatanong ulit ako, ha? Sino ang pinuno ng mga pirata?” tanong kong, ngunit muli kong inilapit ang dulo ng baril sa binti nito. Tumingin ako sa mukha ng lalaki. At nakita kong namumulta ito. Pawisan din ang noo noo. Subalit, napansin ko ang isang kasama nito na dahan-dahan na kinukuha ang baril sa gilid nito. Siraulo, ah! Akala siguro nito ay hindi ako nakatingin sa kanila. At nang makita kong mahahawakan na nito ang baril ay magkakasunod kong binaril ang kamay nito. Dahilan kaya napasigaw nito ng malakas. “Sabihin na lang kasi ninyo kung sino ang pinuno ninyo. Para matapos na tayo. Huwag ninyong hintaying basagin ko ang mga itlog ninyo!” pagbabanta ko sa apat na lalaki. “Si pinunong Osaka!” biglang sabi ng isang lalaki. Hindi ako nagsalita, dahil pamilyar sa akin ang pangalan nito. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ba narining ang Osaka. Hanggang sa tumingin ako sa apat na lalaki. Seryoso rin ang tabas ng aking mukha. “Kung gusto ninyong mabuhay pa, tumalon na kayo sa barkong ito. Dahil kanina pa ngangati ang kamay kong patayin kayo isa-isa!” mariing utos ko sa kanila. At walang mababakas na ano mang emosyon sa aking mukha. Hanggang sa maliksi silang tumayo at tumalikod sa akin para tumalon papunta sa dagat. Subalit may sa demonyo rin ang aking utak, ay agad kong inumang ang baril na hawak ko papunta sa apat na lalaki. At nang hustong tatalon na sila ay magkakasunod kong kinalabit ang gatilyo ng bari. Sapol na sapol sila sa mga puwitan nila. Napasingisi tuloy ako habang sinusundan ko ng tingin ang apat na lalaking nagpatihulog sa dagat. Swerte na lang nila kung mabuhay pa sila. Muli akong bumalik sa aking pwesto na tila walang nangyaring gulo. Ngunit naririnig ko ang abot-abot na pasasalamat ng mga pasahero rito sa barko. Marahan na lang akong tumango sa kanila. Pagkatapos ay na upo ako sa upuan sabay sandal ng aking ulo. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Hindi naglaon ay tuluyan nang dumaong ang barkong sinasakyan ko. Agad akong bumaba ng barko. Naghahanap din ako ng masasakyan papuntang Sta. Lily. Hanggang sa matanaw ko ang jeepney na papuntang Sta. Lily. Agad akong sumakay rito. “Miss, hanggang sa bayan ng Sta. Lily lamang kami. Hindi na kami pumasok pinakang loob. Puwede ka namang sumukay ng tricycle, puwede mo ring lakarin kung gusto mo,” biglang sabi ng lalaking driver ng jeepney. “Sige lang po, Manong. Ayos lang kung hanggang bayan ng Sta. Lily lang po,” magalang na sagot ko sa driver. “Sige, Miss. Mukhang dayo ka sa lugar na ito,” anas ng lalaki sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako. Mayamaya pa’y tuluyan nang tumakbo ang jeepney. Hanggang sa marating sa bayan ng Sta. Lily. Agad akong nagbayad sa driver ng jeep. Tumingin din ako sa aking relong pambisig at nakita kong alas-dos pa lang ng hapon. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Nagdesisyon na lang akong maglakad papunta sa Barangay ng Sta. Lily. Hindi naman siguro ako maliligaw dahil maliit lang ang barangay na aking pupuntahan. Saka, may address naman ako ng bahay ng Inay ko. Tuloy-tuloy na lang akong naglalakad. Hanggang sa marating ako sa pinakang dulo ng barangay Sta. Lily. Kinuha ko naman ang papel na nasa bulsa ko upang tingnan ang address ng bahay ng Inay ko. Hanggang sa umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Napatingin ako sa huling bahay kubo. Alam kong ito na ang address ng Inay ko. Ngunit hindi muna ako humakbang. Pakiramdam ko’y dumikit ang aking mga paa sa lupa. Biglang kumabog ang aking dibdib. Dahil kung ano-anong negative ang pumapasok sa aking utak. Paano kung ipagtabuyan ako ni Inay? At sabihin nitong hindi ako anak? Ngayon lang ako nag-alala ng ganito. Kaya ang ginawa ko’y ilang beses mo na akong nagbuntonghininga bago humakbang papalapit sa bahay ni Inay. Pakiramdam ko’y ang bigat ng mga paa ko. Peste! Ano bang nangyayari sa akin? Hanggang sa makarating na ako sa tapat ng maliit na bahay ng Inay ko. Pansin ko ring sobrang luma na nito. Kaunting hangin lang ay liliparin ka agad ito. “Ate, mayroon ka bang kailangan? Hinahanap mo ba si Inay?” Napaunat ang likod ko. Pagkatapos ay dahan-dahan akong lumingon sa batang nagsalita mula sa likuran ko. At ang tumambad sa akin ay isang batang babae. At kung hindi ako nagkakamali ay edad Sampung taong gulang na ito. “Puwede ko bang malaman kung nandiyan si Carla Barreto, baby girl?” tanong ko sa batang babae. “Ay, wala pa po si Inay rito. Nandoon pa po sa malaking bahay na kung saan naglalaba ang Inay ko,” magalang na sabi nito sa akin. “Ah! Ganoon ba,” anas ko. Lalo naman akong pinanghinaan ng loob. May sarili na pa lang pamilya si Inay. At ang batang kaharap ko ay kapatid ko pala. “Ate, kamukha mo ang Ate ko,” biglang sabi ng bata. Muli akong bumaling sa batang kaharap ko. “T-Talaga, may kapatid ka pa, baby girl?” tanong ko rito. “Opo, mayroon. Ngunit ang ate na aking sinasabi ay wala rito. Sa picture ko lang nakita. Pero may dalawang kapatid pa rin po ako. Si Ate at kuya ko,” anas muli ng bata sa akin. Bigla naman akong nabuhayan ng loob. Iwan ko ba. Sana lang ay totoo ang lamang ng aking isipan. “Fanie, anak, sino ba ‘yang kausap mo? Akala ko’y pumasok ka na sa loob ng bahay natin.” Parang may kung ano akong naramdaman nang marinig ko ang beses ng isang babae na papalapit dito sa aming pwesto. Bigla ring lumakas ang kabog ng aking dibdib. “Inay, may naghahanap po sa ‘yo,” narinig kong anas ng kapatid ko. “Sino? May magpapalaba ba sa akin, anak?” narinig kong tanong ng babaeng dumating. Hindi muna ako lumingon. Lalo at sobrang lakas talaga ng kaba ng aking dibdib. “Ate ganda, nandito na po, inay.” Dahan-dahan naman akong lumingon upang tingnan ang aking inay. Nangtuluyan kong masilayan ang mukha ng tunay kong inay ay parag gusto kong umiyak. Ibang-iba ang itsura nito sa personal. Kumpara sa picture na ibinigay sa akin Papa. Sobra itong tumanda at para bang maraming problemang pinagdaanan. “Z-Zyle, anak ko!” bulalas ng aking Inay. Labis akong nagulat dahil alam nito ang aking pangalan. Hindi tuloy ako makapagsalita. “Totoo ba ito? Nandito ka sa aking harapan, Zyle? Ang aking anak!” palahaw na iyak ng nanay ko. Dahan-dahan din itong lumapit sa akin. At nang nasa harapan ko na ay nanginginig na itinaas nito ang kamay niya papunta sa aking mukha at marahang hinaplos. “Zyle, ikaw na ba iyan? Totoo bang nandito ka sa aking harapan? Hindi ba ito isang panaginip lamang?” tanong nito sa aking habang ang mga luha sa mga mata ng inay ko ay patuloy na namamalisbis. “I-inay,” tanging nasambit ko. Hindi ko rin mapigilan ang luhang pumatak sa aking mga mata. Sa loob ng 25 years, ngayon ko lang nadama ang mainit na palad ni Inay. Sa mga taong lumipas walang nag-aalala sa akin na isang Ina. “Anak ko! Patawarin mo ako!” muling bulalas ni Inay. Pagkatapos ay mahigpit akong niyakap. Sa unang pagkakataon naramdaman ko rin ang yakapin ng isang Ina. Ganito pala kasarap ang pakiramdam. “Inay,” muling pagtawag ko. Ngunit ang aking ina ay patuloy pa rin umiiyak, kahit yakap-yakap na ako. “Anak, alam kong malaki ang naging kasalan ko sa ‘yo, dahil iniwan na lang kita basta kay Zal Green. Kaya tatanggapin ko ang mga susumbatan na ipapataw mo sa akin, Zyle.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD