Makilala Kaya? 10

1785 Words
“Sino'ng hayop ang bumato sa akin?!” galit na galit na tanong ng lalaki. Umikot din ang mga mata nito sa buong paligid, hanggang sa pamunta sa aking kinatatayuan. Nakikita ko sa mukha nito ang galit. At kulang na lang ay ibugsok ako sa lupa. Ngunit mas galit ako dahil sa ginawa nito sa aking pamilya. Lalo at kitang-kita ng mga mata ko ang putok sa labi ni Rj. So, kanina pa nito sinasaktan ang kapatid ko? Naikuyom ko tuloy ang aking kamay, mas lalong nagalit ako dahil ang lakas ng loob nitong magsama ng babae rito. Tapos humingi ng pera kay inay? Animal, ang kapal ng mukha nito! Nakita kong balak akong lapitan ng lalaking sanggano. Kaya naman muli kong sinipa ang bato at ito’y tumama sa ilong ng lalaki, dahilan para lumabas ang dugo roon. “Ah! Lintik kang bastarda ka!” sigaw ng lalaki sa akin. Aba! Kilala pala ako ng ugok na ito. “Waldo, umalis ka na, dahil wala akong maibibigay na pera sa ‘yo,” biglang singit ni Inay at pagtataboy sa lalaking batugan. “Ah! Kaya pala wala kang maibigay na pera sa akin. Dahil nandito pala ang anak mong bastarda, Carla!” galit na galit sigaw nito. Nanlilisik din ang mga habang nakatingin sa akin. “Babalikan kita, bastarda, may paglalagyan ka sa akin para naman magkaroon ako ng pera sa ‘yo!” pagbabanta ng lalaki. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis. Habang hila-hila ang babaeng kasama nito. Kaya pala umalis ang animal dahil marami ng tao sa buong paligid. At ako pa ang pinagbantaan! Talaga nga naman! Dali-dali naman akong lumapit sa kay inay. “Inay, sinaktan ka ba niya?” tanong ko ka agad. “Hindi anak. Dahil ang suntok na para sa akin sana ay sinalo ng kapatid mong si Rj,” sumbong ni Inay sa akin. Agad naman akong lumapit kay Rj. At nakita kong putok ang nguso nito. “Pumasok na po tayo sa loob para magamot ko ang sugat ni Rj,” anas ko sa aking pamilya. Agad naman silang sumang-ayon sa akin. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay iniwan ko muna sila sandali upang kuhanin ang medicine kit na palagi kong dala-dala. Hindi ito puwedeng mawala sa akin lalo na kapag nasa misyon ako. Hanggang sa muli akong bumalik sa aking pamilya at ako na mismo ang gumamot sa aking kapatid. “Palagi ba kayong sinasaktan ng asawa mo, inay?” tanong ko rito. Habang nasa mukha ko ang lungkot at galit para sa batugan na ‘yun. “Noong dito pa siya nakatira. Kapag wala akong naibigay na pera sa kanya ay sinasaktan niya ako. Ganoon din ang mga kapatid mo. Tumingil lang siya sa pananakit sa akin noong tinaga ko siya dahil gusto niyang ibenta si Seri sa mga dayuhan. Iyon din ang araw na pinalayas ko siya rito sa bahay ko. Wala siyang ambag dito dahil bahay ito ng mga lolo at lola ninyo. At ‘yung kanina, nagulat ako dahil bigla na naman siyang nanggulo,” mahabang litanya ng aking Ina. Hindi ako nagsalita. Pero gusto kong puntahan ang lalaking halang ang kaluluwa. Dahil sa balak nito kay Seri. Ano kayang nahithit ng animal na ‘yun. “Anak, Zyle, tungkol doon sa sinabi niyang bastarda ka. Huwag mo sanang damdamin ‘yun. Para sa akin at sa mga kapatid mo ay ikaw ang anak ko. At hindi ka isang bastarda. Nag-aalala rin ako sa banta ni Waldo na baka, may gawin siyang hindi maganda sa ‘yo,” anas ng Inay ko. At nasa boses ang pag-aalala nito. Kinuha ko naman ang kamay ng inay ko at marahang hinaplos ito. “Huwag ninyo akong alalahanin, Inay kaya ko ang aking sarili,” anas ko upang hindi ito mag-alala sa akin. “Anak, hindi ko matatanggap kung pati ikaw ay saktan ni Waldo. Makakapatay ako ng tao!” galit na sabi ng nanay ko. Pagkatapos ay mahigpit akong niyakap. Hinaplos ko na lang ang likod nito para kahit papaano ay gumaan ang loob nito. Hanggang sa magpaalam muna akong pumunta sa kwarto ko para dalhin ang medicine kit ko. Dahil tapos ko ng gamotin si Rj. “Zyle, anak!” narinig kong pagtawag sa akin ni Inay mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Agad ko naman itong binuksan at baka mayroon kailangan. Saka, may sasabihin din ako rito. “Inay,” anas ko ka agad sa aking ina. “Zyle, pupunta muna ako sa bahay nina Mrs. Ward. Mayroon siyang papalabhan sa akin.” “Po? Teka lang, inay! Puwede bang huwag ka na lang maglaba. Ako na lang ang bahala sa mga gastusin dito sa bahay. Ang gusto ko ay magpahinga ka naman po.” “Naku, anak! Hindi puwede ‘yun. Hindi ko puwedeng i-asa sa ‘yo ang mga pangangailangn ng mga kapatid mo. Ako rapat ang nagbibigay noon sa kanila, Zyle.” Napangiwi tuloy ako nang palihim. Paano ko ba sasabihin kay Inay ang mga balak ko sa kanila. Gusto ko silang bigyan ng maayos na buhay, ganoon din ang matitirhan. Mas maganda siguro kung unti-untiin ko ang pagpapaliwanag kay Inay. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin dito kung ano’ng tunay kong trabaho. Dahil isa ‘yun sa mga pinagbabawal sa grupo ng secret weapon. Tumikhim muna ako. Pagkatapos ay nag-aangalan na tumingin kaya inay. “Okay lang po ba na sumama ako sa ‘yo, Inay? Tutulugan na lang pala kitang maglaba. Upang mapabilis ang pa.” “Ha? Naku anak, baka naman talakan ako ng papa mo at sabihin na pinaglalaba kita rito.” “Hindi po ‘yun mangyari Inay. Akong bahala. Teka, magbibihis lang ako, inay,” anas ko pa. Hindi ko na hinintay na magsalita si Inay. Para hindi na ito makaangal pa sa gusto. Saka, kahit naman malaman ni Papa na naglalaba ko ay wala namang pakialam ‘yun sa akin. Sa ngayon ay pagbibigyan ko muna si Inay. Dahil sa susunod ay hindi na ako papayag na maglabandera pa ito. Nagsuot lang ako ng short at malaking t-shirt. Kinuha ko rin ang aking sombrero at inilgay sa ulo ko. Tumingin din ako sa aking relo at nakita kong 7 am pa lang ng umaga. Tapos ang sobrang aga na manggulo ng dating asawa ni inay. Nakakaloka. Kinuha ko lang ang aking wallet. Pagkatapos ay muli na akong lumabas ng kwarto ko. “Ate, sasama ka ba talaga kay Inay? Marunong ka bang maglaba?” tanong sa akin ni Rj, nang makita ko. “Oo naman, marunong akong maglaba,” anas ko at pagmamalaki ko pa sa aking kapatid. “Talaga, Ate? Hindi kasi halata na marunong kang maglaba. Saka, tingnan mo ang kulay mo, sa kulay ng balat namin, ibang-iba, anak mayaman ka talaga,” umiiling na sabi nito. “Ah! Basta, marunong akong maglaba,” tanging nasabi ko na lang. Kahit na sabihin na anak ako ni Papa at may katulomg sila, ay ako pa rin ang naglalaba ng aking mga damit. Marunong din ako sa gawaing bahay. Kaya hindi ako aanga-anga. Nakita ko naman na Iiling-iling na lamang ang aking kapatid. Hindi siguro ito makapaniwala na marunong akong maglaba. Agad ko ring kinuha ang aking wallet upang kumaha ng pera rito. Pagkatapos ay agad kong inalagay sa kamay ni Rj. Gulat na gulat naman ito. “Bumili ka ng masarap na ulam tapos lutuin mo na rin. Ikaw na ang bahala,” bilin ko rito. “Ate, sobra-sobra ito para sa ulam lang.” “Bumili ka ng bigas, mag-groceries ka na rin kung gusto mo, Rj.” “Ate, Zyle, ‘yung may matitira ba sa pera, puwede bang amin na lang tatlo nina Seri at Fanie?” “Okay,” anas ko, sabay ngiti rito. Natutuwa ako dahil maayos ang pagpapalaki sa kanila ni Inay. Sila ang kabataan na hindi nagdadamotan sa isa’t-isa. “Zyle, kailangan na nating umalis!” pagtawag sa akin ni Inay. “Ate, ayosin mo ang paglalaba,” mapang-asar na turan sa akin ni Rj. Isang ngising mapang-asar din ang binigay ko rito. Hindi naman kalayuan ang bahay ng paglalabahan namin ni Inay. Sabi nito ay mababait daw ang mag-asawa. At sa kanyan lang daw nagpapalaba ‘yun. May washing machine raw namang ginagamit. Ang ginagamitan lang daw nito nang mano-manong kamay ay ang damit ng anak ng mag-asawang Ward. Ayaw raw noon na ina-washing ang mga damit. Hindi raw naman palaging nagkukusot ng damit. Kapag umuuwi lang daw ang anak na lalaki. Katulad ngayon. Kaya pupunta si Inay dahil dumating daw ang anak ng mag-asawang Ward. At pinatatawag si Inay para maglaba ng mga damit. “Masyadong ma-arte…” bulong ko pa. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay ng mag-asawang Ward. Masasabi kong sobrang ganda ng bahay nila. At hindi maipagkakailang sobrang yaman ng pamilyang Ward. Sa likod bahay na kami dumaan. “Zyle, pupunta pa ako sa kwarto ni Senyorito Colby para kuhanin ang mga damit na lalabhan natin,” anas ng Inay ko. “Puwede ba akong sumama, Inay?” “Oo naman, anak, halikana at pupunta tayo kwarto ni Senyorito Colby. Alam ko kapag ganitong oras ay nag-jo-joging pa ‘yun.” At tuluyang na nga kaming pumasok sa loob ng bahay ng pamilyang Ward. Hanggang sa makapanhik kami sa kwarto ng Senyorito Colby raw kuno. Pagpasok namin ni inay sa loob ng kwarto ng lalaki ay nakita kong walang laman ang kama. Napansin ko rin ang dalawang luggage. Agad namang lumapit si Inay rito. “Inay, lahat ba ng laman ng luggage na ito ay maruming damit?” “Oo anak, lahat ‘yan.” Busangot ang mukha ko. At tamad namang maglaba ng hayop na ‘yun. Bigla ko tuloy nahamapas ang aking ulo, kasi nagmura ako sa aking isipan. “Zyle, saglit lang, ha. Kukuhanin ko pala ang lagayan ng marumi sa iba-iba.” “Sige lang ho, inay,” sagot ko. Ngunit hindi lumingon dito. Busy na kasi ako dahil isa-isa ko nang inaalis ang mga damit na marurumi sa loob ng luggage. ”Who are you, woman? What are you doing in my room?!” Biglang napaunat ang likod ko nang marinig ko ang boses na ‘yun. Hindi ako puwedeng magkamali, ito lang naman si Mr. Chaka, ang lalaking gusto akong ipakulong. “Hir, ango nga ngala ngi, Ngalye, hanak Ni Ngarla.” “What did you say, woman?!” “Hir, hisa ngo hakong bingot,” baliw sabi ko sa lalaki. Hindi niya ako puwedeng makilala. Tama lang na sabihin kong bingot ako at hirap magsalita. Saka, hindi pa naman nito nakikita ang mukha ko lalo at nakatalikod ako rito may suot din akong sombrero sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD