Tumingin ako sa babaeng kaharap ko, lumuluha ito habang patuloy na kinakain ang perang anim na libo. Alam kong ‘di maganda ang ginawa ko rito. Ngunit paano naman kapatid ko? Ang kaawa-awang kalagayan nito ngayon. “Sa ngayon ay ‘yun muna ang gagawin ko sa ‘yo, Sanely. At Tiyakin mo rin na malilinis mo ang pangalan ng aking kapatid bukas ng umaga. Dahil sa ‘yo,nag-iba na tingin sa kanya ng mga tao. Babalikan kita oras na magkaroon ng truma ang kapatid ko!” “Please, maawa ka sa akin! Huwag mo akong papatayin. Pangako, magsasalita ako bukas at itatama ko ang mga nagawa kong pagkakamali. Ako na rin ang bahalang sumagot sa hospital bills ng kapatid mo,” anas nito sa akin. Ngunit hindi ako nagsalita, tuloy-tuloy lang akong umalis sa bahay nito. At muling bumalik sa aming bahay. Agad akong na