Hindi tuloy maipinta ang pagmumukha ko habang nakatingin sa aking boss. Ang sarap nitong bigwasan. “Boss, paano naman kung hindi ko makita ang aking sarili?” abnormal din na tanong ko rito. Malakas naman itong tumawa. “Gawan mo ng paraan Agent Zyle. Hindi puwedeng wala kang maipakita kay Mr. Ward. Baka sabihin noon manloloko ang Secret Agent Weapon Ng Bansa. Puwede mo naman sabihin ang pangalan mo. Maliban na lang kung ano’ng trabaho mo. Madali lang ‘yan, Agent alam kong Kayang-kaya mong lusutan ‘yan. Alalahanin mong tatlong milyon ang makukuha mo riyan.” “Okay, boss. Nauunawaan ko na ang mga sinasabi mo. Ako na ang bahala sa lahat.” “Mabuti kung ganon. Heto ang mga files ng grupong White Gold. Pag-aralan mo ng mabuti. At heto ang mga gagamitin mo sa ‘yong misyon,” anas nito. Sabay ba