KULONG 4

1603 Words
"Mr. Chaka, kung gusto mong maghapon o magdamag dito sa taxi ni Manong, mag-isa ka, huwag mo akong idamay sa kabaliwan mo!" nasusurang sabi ko rito. "Siguro wala kang boyfriend? Iyong mga ganiyang mga style na laging nagmamadali, gawain lang iyan ng mga babaeng malapit ng mahuli sa biyahe, kung baga--- matatanggal ka na sa calendaryo," tuloy-tuloy na litanya ng lalaking Chaka. Dahil sa sinabi nito ay lalo akong na asar rito. Ramdam ko rin ang pag-usok ng bunbunan ko. Ang nakakainis pa'y napagkamalan pa akong matandang dalaga, samantalang ay eded dalawampu't lima pa lamang ako. Naku! Hindi ko talaga mapapalampas ito! Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaki. Kuyom din ang mga kamao ko. At ano mang oras ay puwedeng umigkas ito. Ngunit sadyang hindi na ako nakapapigil pa. Dahil maliksing gumalaw ang aking makamao papunta sa mukha nito. Hindi naman umilag ang lalaki. Bagkus ay talagang nagpatama ito sa aking suntok. Kaya ayon sapol na sapol ito sa panga. "Manong, sa prisento tayo," walang kangiti-ngiting sabi ng lalaki sa driver ng taxi. Halos lumuwa naman ang mga mata ko dahil sa sinambit nitong prisento. Peste! Mukhang balak pa yata akong kasuhan ng chakang lalaking ito. Mas lalo akong namangha, dahil sobrang bilis naming nakarating sa prisento. "Ano'ng balak mo sa akin, lalaki?!" pasinghal na tanong ko sa lalaki. "Simple lang, kakasuhan kita ng physical injury," mabilis na sagot nito sa akin. Hanggang sa bigla nitong hawakan ang aking pulsuhan. At hinila papalabas ng taxi. Kahit ano'ng higit ko'y hindi ko kaya ang chakang ito. "Boss, ano'ng atin? Napadalaw ka yata?" tanong ka agad ng mga pulis nang makita kami. Lalo na ang lalaking baliw. "Magsasampa lang ako ng kaso, laban sa babaeng ito," anas ng lalaki, sabay baling sa akin. "Wala akong kasalanan sa 'yo!" bulayaw ko rito. "Doon tayo mag-usap sa loob, boss," pagyaya ng pulis para pumasok sa loob ng prisento. Agad naman kaming pinaupo at inasikaso nito. "Ano'ng pangalan mo, Miss?" tanong ng pulis sa akin. "Santa Meee," baliw na sagot ko. Napatingin naman sa akin ang pulis. Sabay kunot ng noo. "Iyon ba ang pangalan mo?" tanong ng pulis sa akin. "Ikulong na ninyo ang babaeng iyan. Dahil nagsisinungalin din siya," sabat naman ng lalaking nagpapakulong sa akin. Kaya naman sa labis na galit ko'y muli na namang umigkas ang aking kamao patungo sa mukha nito. Subalit, katulad kanina ay hindi pa rin ito umilag. Bagkus ay hinayaan lamang nito na tamaan ko siya ng aking kamao. "Ngayon alam na ninyo! Kung gaano ka-bayolente ang babaeng iyan? Siguro naman ay agad inyon siyang maikukulong," turan pa ni Chaka. Kuyom ang mga kamao. Habang nagtitimpi na namang umigkas ang aking kamay. Baka kasi lalo akong hindi pakawalan ng lalaking ito. s**t! Baka abutin ako ng gabi sa aking pupuntahan. Nakakabanas! "Miss, humingi ka na lang ng tawad kay Boss," pakiusap naman ng isang pulis. Hindi muna ako nagasalita. Ngunit--- nag-iisip ako kung papaano makakatakas sa chakang lalaking ito. Saka, hinding-hindi ako hihingi ng tawad dito, hindi pa ako nahihibang. "Okay, hihingi ako ng tawad sa kanya. Ngunit kailangan ko muna magpunta sa banyo," paalam ko. Nakita kong tumingin ang dalawang pulis lalaking chaka. "Hayaan ninyo siya. Papuntahin muna ninyo ng banyo," kampanteng saad ng lalaki. Nagmamadali naman akong tumayo at walang lingon-lingon na naglakad papunta sa aking pakay. Pagpasok naman sa loob ng cr ay agad kong inilock ang pinto. Tumingala naman ako para maghanap ng madadaanan ko. Napangisi ako dahil namataan ko ang bintana. Walang takot na sumampa ako sa ibabaw ng bintana. Hanggang sa walang ingay na lumapat ang aking mga paa sa lupa. "Tama nga ang hinala kong dito ka dadaan, babae." Maliksin akong lumingon sa pinanggalingan nang boses na iyon. At nakita ko lang naman lalaking chaka, nakasandal ito sa pader, habang ang mga braso nito ay nakahalukipkip. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin dito. Hindi ko naman nakikita ang buong mukha nito dahil sa salamin at face mask nitong suot, ay alam kong nakakaasar na talaga face ng lintik na lalaking ito. Hindi na lamang ako nagsalita. Malalaki ang mga hakbang ko para makalayo sa lalaking chaka. Nang malayo na ako sa presinto ay roon lamang bumagal ang paglalakad ko. Hanggang sa huminto na ako sa paghakbang para mag-abang ng masasakyan. Hindi naman naglaon ay may huminto sa aking harap. Maliksi akong pumasok sa loob at sinabi ko sa driver na kung saan ako magpapahatid. Subalit, hindi pa halos kami nakakalayo ay biglang tumigil ang taxi na sinasakyan ko. Kunot noo akong tumingin sa driver ng sasakyan. "Manong, bakit po tayo, huminto?" tanong ko na may pagtataka sa aking mukha. "Sorry po, Miss, ngunit naubusan po pala ako ng gasolina, hindi ko po pala na check kanina bago ko i-biyahe ang taxi ko," magalang na sagot nito sa akin. Napahilamos tuloy ako sa aking mukha gamit ang kamay ko. My Gosh! Bakit ang malas ko ngayong araw? Naku naman! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin, eh, 'di sana ay nagpahatid na lang ako sa aking driver. Kumuha na lang ako ng pera sa aking bag. Pagkatapaos ay agad ko iyong binigay sa driver ng taxi. Hindi ko na nga kinuha ang sukli. Kahit asar na asar na ako ay pinilit kong magtimpi. Hindi puwedeng kumawala ang galit ko, lalo at nandito ako sa kalye. No choice ako kundi maghintay ulit ng masasakyan. Kaya lang bigla akong napatingin sa kalangitan at nakita kong madilim ang langit. Mukhang babagsak ang malakas na ulan. Nagmamadali tuloy akong naglakad para maghanap nang masisilungan, dahil ano mang oras ay babagsak na ang malakas na ulan. Subalit, hindi pa ako halos nakakalayo sa paglalakad ko'y nakaramdam na ako ka agad nang pagtama ng tubig sa aking kawan. Maliksing tumingala ako. Ngunit wala naman akong makitang pagbagsak ng ulan. "Ops! Sorry Miss, akala ko'y walang tao." Mabilis pa sa alas-kwatrong bumaling ako sa kaliwa ko. At ang tumambad lang naman sa akin ay ang kulay itim na kotse. Bukas din ang bintana nito. Lalo namang nagrambulan sa pagkunot ang noo ko nang ma-mukhaan ko ang driver ng kotse. Ito lang naman ang lalaking chaka at gusto akong ipakulong dahil sa kasong physical injury raw. At ngayon ay heto na naman ito at muling nagpakita sa akin. Talagang sinasagad nito ang aking pasensya. Peste! Dahil ngayon lang ako naka-enkwentro ng lalaking walang paggalang sa babae at bastos ang pag-uugali. Hindi ko talaga mapapalampas ang ginawa nito sa akin! "Stks! Nakaharang ka kasi, kaya ikaw tuloy ang natapunan ko ng tubig. Kaya lang--- huwag mong hintayin na mag-sorry ako sa 'yo, kasi malabo kong gagawin iyon," anas ng lalaki sa akin. Hindi ako nagsalita, seryoso lamang akong nakatingin sa lalaki. Hanggang sa mamataan ko ang hindi kalakihang bato. Parang ipo-ipo ko itong kinuha, pagkatapos ay walang takot na ibinato ko ang bintana ng kotse nito. Dahil sa aking ginawa ay lumikha nang ingay ng pagkabasag ang bintana ng sasakyan niya. "Ops! Sorry rin, nagulat kasi ako. Langaw lang sana ang aking babatuhin, kaya lang biglang lumihis ang batong hawak ko at napunta sa bintana ng kotse mo. Hayaan mo't kakausapin ko ang langaw. Sasabihin ko sa kanya humingi ng tawad sa 'yo," tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaking chaka. "You?!" bulalas ng lalaki. Napansin ko ring balak nitong lumabas ang pinto ng kotse niya. Kaya ang ginawa ko'y maliksi akong tumakbo papalayo rito. Aba! Mahirap nang maabutan nito. Hanggang sa magdesisyon na lang akong muling bumalik sa aking bahay. Siguro'y bukas na lang ako luluwas para pumunta sa lugar ng Inay ko. Mukha na kasi akong basang sisiw dahil basa ang damit ko. Nagdesisyon na lang akong sumakay sa jeep, baka sakaling hindi ako malasin. Sa taxi kasi ay malas yata akong sumakay. Lalo at ang daming nangyari sa akin na hindi katanggap-tanggap ng isipan ko. Nakisabay pa ang lalaking chaka na iyon. Nakakasura lamang! Kaya nang may huminto na jeepney sa harapan ko'y nagmamadali akong sumakay. Sa harap ng pinto ako naupo para madali lang akong makababa mamaya kapag pumara na ako. Mayamaya pa'y muling huminto ang jeep, napansin ko ang dalawang lalaking sumakay. Nakita ko rin ang sinyasan nila gamit ang mga mata. Napailing lamang ako. Sa galaw ng dalawang lalaki ay alam ko na ka agad ang balak nila. Hindi na muna ako nagsalita. Mayamaya pa'y biglang sumigaw ang isang lalaki. "Holdap ito! Huwag na kayong pumalag pa at ibigay na lang ninyo sa amin ang lahat ng pera, alahas at cellphone ninyo! Para hindi kayo masaktan pa!" Wala naman angal ang mga pasahero. Tanging pag-iyak lang ang nagawa nila. Hanggang sa ako naman ang balingan ng isang holdaper. "Akin na 'yang relo mo!" pagalit na saad holdaper na lumapit sa akin. Agad ko namang tinanggal ang relo ko at binigay sa lalaki. "Lahat ng pera mo, ibigay mo sa akin!" pasinghal na anas nito. Wala pa rin akong salita na kumuha ng pera sa bulsa ng pantalon ko. Pagkatapos ay nilagay ko sa palad ng lalaki. "Limang piso? Niloloko mo ba ako?!" "Iyan lang ang laman ng bulsa ko, eh," sagot ko sa holdaper. "Aba't! Iyang hikaw mo na lang ang ibigay mo sa akin, mukhang mamahalin 'yan!" muling bulyaw sa akin ng lalaki. Habang nakatingin sa aking hikaw. Anak ng tinapa! Dahil ang nagugustuhan pa nito ay ang hikaw ng pagiging simbolo ko bilang Secret weapon ng bansa. "Ayaw ko nga!" walang takot sa aking mukha ng sabihin ko iyon. Kahit magkamatayan kami ngayon, hindi ko ito ibibigay sa kanila. "G-Gusto mo bang tapusin ko na lang ang buhay mo babae?!" "Go ahead. Walang nagpipigil sa 'yo!" mariing sabi ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD