Lalaking Chaka 3

1054 Words
Marahas akong napabuntonghininga, pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng hotel na kung saan ako dinala ng lalaking hindi ko kilala. Laking tulong din sa akin ang dala-dala kong sunglasses. Ang aking buhok naman ay inilugay ko at iyon ang ginamit ko sa aking mukha. Para hindi makita ang mga kiss mark ko. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyang makalabas ng hotel. Nang may dumaang taxi ay agad akong sumakay at nagpahatid sa aking bahay. Hindi ako puwedeng umuwi sa bahay ni Papa na ganito ang mukha ko. Sa bagay, kahit nga pala umuwi ako ay wala rin namang pupuna sa akin. Marahas na lang akong napahinga. Mayamaya pa'y tumigil na ang taxi, nagmamadali akong bumaba ng sasakyan pagkatapos kong magbayad sa driver. Pagdating naman sa harap ng gate ay pinagbuksan naman ako security guard. "Good morning po, Miss Zyle." "Good Morning din po, Manong," magalang na pagbati ko rin dito. Hanggang sa tuluyan na akong magpaalam sa lalaki para pumanhik sa aking kwarto. May ngiti sa aking labi habang papasok sa aking bahay. Hindi ko talaga lubos akalain na makakabili ako ng sarili kong tahanan. Ganoon ang tatlong negosyong pagmamay-ari ko. Ngunit walang nakakaalam sa aking pamilya kung sino akong talaga. Ang alam lang nila ay ako si Zyle na walang regular na trabaho. Dahil akala nila ay tamad akong nilalang. Hindi rin naman ako maipasok ni Papa sa kompanya nito. Wala kasing nakakaalam na may anak si Papa sa ibang babae. Hinayaan ko na lamang iyon. Ang palagi kong sinabi sa aking sarili--- ganoon talaga ang buhay ng tao. Pagdating naman sa mga kapatid ko'y wala naman akong masabi. Hindi naman nila ako inaapi. Kahit hindi kami malapit sa isa't isa ay alam kung tinuturing pa rin nila akong nakababatang kapatid. Napapailing na lang ako nang tuluyang makapasok sa loob ng aking kwarto. Kinuha ako ang aking cellphone para kontakin si Boss Zach. "Boss!" bungad na pagbati ko rito. "May kailangan ka Agent Z? Hindi ka ba magbabakasyon?" tanong niya sa akin. "Iyon nga ang tinawag ko sa 'yo, balak kung puntahan ang tunay kong Ina. Panahon na siguro para magkita kami," anas ko sa aking boss. "Tama ang desisyon mo agent Z. Laging kang mag-iingat sa iyong pupuntahan. At sana lang ay huwag ka munang mag-asawa. Wala pa akong Agent sa ngayon!" palatak ng boss ko sa kabilang linya. Malakas naman akong tumawa dahil sa mga pinagsasabi nito. Wala pa naman akong balak mag-asawa sa ngayon. Kung baga, hindi ko pa panahon magkaroon ng pamilya. Marami ko pang dapat gawin sa buhay ko. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Boss Zach. At agad din akong nagpaalam dito. Ngayon araw ako aalis. Para pumunta sa probinsya ng Sta. Lily. Ayon sa kinuha kong private investigator noong nakaraang taon ay roon na ito naninirahan. Kasama ng dalawang anak at asawa nito. Hindi naman ako magtatagal sa lugar na iyon. Ayaw ko ring makigulo sa pamilya ng Inay ko. Ngunit may pag-aalala rin sa aking puso, paano kung itanggi niya akong anak? Bahala na nga! Basta ginawa ko ang aking role bilang anak nito. Maliksi ang mga kilos ko para maghanda sa akin pag-alis ngayon. Kaunting gamit lang ang aking dinala. Nilagyan ko rin ng gamot ang mukha ko para mabilis maalis ng mga pula-pula gawa ng lalaking baliw na iyon. Nang alam kong okay na ang mga dapat kong dalhin ay agad akong lumabas ng aking kwarto. Kumunot ang aking noo nang marinig kong bukas ang tv sasala. "My god! Ang gwapo pala ng anak ni Mr. President? Jusko po! Makalaglag panty!" narinig kong tili ng aking kasambahay. Napapailing naman ako dahil sa aking naririnig na usapan nila. Nang makalapit naman ako sa dalawang kasambahay ko'y tumikhim muna ako. "Ay! Miss Zyle, nandito ka po pala?!" gulat at pagkamangha ang nakikita ko sa mukha nila, nang makita ako. Isang masayang ngiti naman ang binigay ko sa dalawang babae. "Aalis din ako ngayon. Kayo na muna ang bahala rito sa bahay. Iyong sahod ninyo nandoon sa kwarto ko may mga pangalan na naman iyon. Palagi kayong mag-iingat dito," biling ko pa sa aking mabubuting kasambahay. "Mag-iingat ka po Miss Zyle," pahabol na sabi sa akin ng aking kasambahay. "Salamat," tugon ko sa kanila. At nagtuloy-tuloy na akong lumabas ng bahay. Magco-commmute na lang ako papunta sa Probinsya ng Sta. Lily. Nang may dumaang taxi ay agad akong sumakay para magpahatid papuntang terminal. Pagpasok sa loob ng sasakyan ay napansin ko agad ang isang lalaking nakasuot ng sombrero, may suot din itong salamin sa kanyang mga mata isabay pa ang suot nitong face mask. Pasimple na lang akong umiling-iling dahil sa aking nakikita. Mukhang chaka siguro ang pagmumukha nito dahil ayaw na ayaw ipakita. Nahilot ko tuloy ang aking noo dahil kung ano-ano na lang ang pumapasok sa aking utak. Kaya ang ginawa ko'y sumandal na lang ako sa upuan, sabay pikit ng mga mata ko. Upang hindi ko makita ang lalaking katabi ko. Naramdaman ko namang tumakbo na ang taxi na sinasakyan ko. Hanggan sa lumipas ang dalawang oras. Bigla kong naimulat ng aking mga mata. Napatingin din ako sa suot kong relong pambisig. Bakit parang ang tagal ng biyahe ko? Dapat nasa terminal na ako kanina pa, ah? Lalo at hindi naman kalayuan iyon. Napatingin tuloy ako sa bintana nitong taxi na sinasakyan ko. Ano'ng nangyayari? Hindi man lang kami halos nakakalayo sa lugar na pinanggalingan ko? Ngunit lampas dalawang oras na! "Manong, bakit po ang tagal ng biyahe natin? Dapat nandoon na ako sa terminal. Hindi naman kalayuan iyon!" reklamo ko sa lalaking driver ng taxi. Nakita kong nagkamot sa ulo ang driver. Tila nag-iisip nang idadahilan sa akin. Nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil sa inaasta nito. "Miss, kung gusto mong mabilisang biyahe, bumili ka nang eroplano mo! Nakakatiyak akong walang trapik sa himpapawid!" pa-bruskong usal ng lalaking katabi ko. Parang nagpantig naman ang tainga ko sa sinabi ng lalaking chaka. Marahas tuloy akong bumaling dito. "Mr. Chaka, hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya huwag kang sumabat, puwede ba?!" "Paanong hindi ako sasabat? Eh, masyado kang demanding, babae! Sige Manong, mas bagalan mo pa ang pagmamaneho. Upang pare-pareho tayong ma-late sa ating pupuntahan!" Parang biglang umusok ang aking ilong, lumabas din bigla ang aking sungay. Kapag talaga mga ganitong salita ang maririnig ko'y parang gusto kong pumaslang ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD