Hindi na ako nag-isip. Malalaki ang mga hakbang ko para sundan ang lalaking iyon. Ngunit sa isang kisap mata ay biglang naglaho ang malapad na likod ng tao na iyon? Gulong-gulo tuloy ang utak ko na bumalik sa aking table.
Nakita kong nandito na ang order kong alak kaya naman walang sabi-sabi na tinungga ko ang bote. Parang tubig lang ito na nilalagok ko. Nang alam kong marami-rami na rin ang nainom ko ay roon ko lamang ibinaba ang bote na may lamang alak.
Kaya lang parang nagdoble na yata ang aking paningin. Dahil ang boteng nasa harapan ko ay nagiging dalawa na rin. Kinusot ko muna ang aking mga mata upang kahit papaano ay mawala ang pagiging dalawa ang tingin ko.
Subalit ganoon pa rin. Ramdam ko ring mahilo-hilo na ako. Subalit hindi pa rin ako nagpaawat sa pag-inom ng alak. Muling kinuha ko ang bote at agad na tinunga ito.
"Ah! Ang sarap talaga ng alak!" malakas na bigkas ko. Ngunit ang mga mata ko'y namumungay na. Muli ko na naman sanang tutungain ang bote na may lamang alak nang bigla akong mapahinto, dahil sa tao na basta na lang umupo sa bakanteng silya rito sa aking table.
Hindi ko nakikita ang mukha nito, dahil natatakpan ito ng salamin sa mata, may suot din iyong sobrero sa ulo. Ang masama pa'y nag-dodoble na rin ang tingin ko rito.
"Mr. H-hindi ito ang table mo, ba-bakit di-dito ka na upo?" tanong kong putol-putol na rin ang salita, dahil tuluyan na akong tinablan ng alak.
Hinintay kong magsalita ang lalaking nasa harapan ko, ngunit wala namang tugon dito. Ito pa naman ang ayaw ko, iyong nagsasalita ako ngunit wala man lang responds sa akin.
"Hey, you? Bingi ka ba?" tanong ko habang nakaturo ang isang daliri ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Go home, woman, because you're drunk!"
"A-Aba! Sino ka para pauwiin ako? Ang aking Ama nga hindi ako pinapauwi, ikaw pa kaya na hindi ko kilala? Ang tindi mo naman, bro, ang lakas ng loob mo, ah?"
Hindi na naman nagsalit ang lalaki. Kaya muli akong nagpatuloy sa aking mga sasabihin.
"M-Mas ma--- buti pang samahan mo na lang akong uminom. Pa---ra may kasama ako. Ang sabi nila masarap daw uminom ng alak kapag may kainuman," sabi ko rito, ngunit ang salita ko'y putol-putol pa rin.
Agad ko namang kinuha ang baso para lagyan ng alak. Pagkatapos ay inilgay ko sa harap ng lalaki.
"Cheers nga tayo, bro," saad ko at pinag-umpog ang bote na hawak ko at ganoong din ang alak na nasa harap ng lalaki. Wala namang kagalaw-galaw ito. Tita natuod na yata.
"Inomin muna iyang alak na binigay ko sa 'yo. Minsan lang ako magyaya kaya ma-swerte ka, bro," pagmamalaki ko pang sabi sa lalaking kaharap ko, sabay tungga ko ulit ng bote na may lamang alak.
"Ang tagal mo namang uminom! Para kang bakla, takot sa alak!" palatak ko. Maliksing kinuha ko ang baso na may lamang alak at ako na mismo ang uminom nito.
Ang lalaking kaharap ko naman ay wala pa ring kaimik-imik. Parang wala yata itong dila. Napapailing na lamang ako, habang nagbabalak nang tumayo. Gusto ko nang umuwi dahil inaantok na ako.
"Mauuna na ako sa 'yo, bro. Takot ka naman sa alak. Bakla ka yata, eh," sabi ko pa. Sabay tapik pa sa balikat nito.
Agad naman akong humakbang, ngunit ang paglalakad ko ay pasuray-surai na rin. At Lahat nang makakasalubong ko'y nagiging dalawa na sila. Kaya naman medyo kinusot ko muna aking mga mata. Para kahit papaano'y maging malinaw ang paningin ko.
Hanggang sa bigla akong mapahinto dahil sa may humawak sa aking beywang. Hindi ako makahuma nang bigla na lang mayroon itong pinaamoy sa aking ilong. Dahilan para ako'y mawalan ng malay tao.
Ngunit bago tuluyang lamunin ng karimlan ay naramdaman kong may bumuhat at sa akin. Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko para alamin kung sino ang nagbubuhat sa akin Kaya lang ay hindi ko na kaya. Hanggang sa tuloy-tuloy akong lamunin ng karimlan.
Kasarapan ng tulog ko nang magising akong may nakapatong sa aking ibabaw. Pinilit kong buksan ang mga mata ko, sabulit tila mayroon nakadagan naman.
Naranta naman ako nang sakupin nito ng halik ang labi ko. Kaya pinilit kong iikom ang aking labi. Ngunit sutil ang taong nasa ibaba ko. Dahil mahigpit nitong hinawakan ang pangako, dahilan para tuluyan kong maibuka ang aking bibig.
Iyon ang sinamantala ng mapangahas ng tao para makapasok ang dila niya sa loob ng bibig. Kahit gusto kong igalaw ang mga kamay para itulak ito ay wala naman lakas, ganoon din ang buong katawan ko. Peste! Sino ba ito? Naku! Huwag ko lang malaman kung sino ang nilalang na ito, lalagyan ko talaga ito ng granada sa bibig niya.
Anak ng tinapa! Hinintay talaga na malasing ako, ah.
Mayamaya pa'y nadama kong may inilgay na naman ito sa aking ilong, dahilan para muli na naman akong mawalan ng malay.
Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan ko ring iminulat ang mga mata ko. Hanggang sa inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng kwarto. Hindi ako maaaring magkamali alam kong nasa isang hotes ako ngayon.
Teka! Bakit ako nandito? Sinong baliw ang nagdala sa akin sa lugar na ito? Kaya naman pinilit kong alalahanin ang lahat ng mga naganap kagabi.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang tuluyan kong maalala. Sino ang lalaking iyon? Pinakiramdam ko rin ang aking sarili. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ng wala akong maramdaman na masakit sa aking hiyas. So, ang ibig sabihin hindi ako ginahasa ng lalaking iyon.
Kahit mahilo-hilo ay agad na akong bumangon sa kama. Lumapit muna ako sasalamin para tingnan ang aking sarili.
Ngunit gusto ko mag-amok ng away nang makita ko ang aking mukh. Peste! Bakit ang dami kong kiss mark sa mukha? Mayroon din sa aking leeg. Itinaas ko rin ang suot kong damit pero wala naman akong makita na mga pula-pula. Ang aking mukha lang talaga ang tinadtad ng lintik na kiss mark.
Nakuyom ko tuloy ang aking mga kamao. Hanggang sa mapatingin ako sa ibabaw ng kama at nakita ko roon ang puting papel.
Dali-dali akong lumapit para kuhanin iyon. Agad kong binuklat ang papel. Nakitang may mga nakasulat dito.
"Ayaw ko nang makita o maulit na naglalasing ka babae. Baka hindi lang iyan ang abutin mo sa akin. I'm warning you!" malakas na pagbasa ko sa sulat.
Baliw yata ang nagsulat nito?