Roxanne's POV
"Holy crap Roxanne! Why did you wear your wedding dress before the big day?" I was astonished when Ariana stated and quickly unzipped my gown.
"What in the world?" I scowled as I observed her and then put my two hands over my exposed breast.
"Did you know that according to my mother, wearing the wedding gown beforehand is very prohibited? The worst might happen." When she stated it, I simply laughed at her.
"Ariana, what the heck! You're so preoccupied with superstitions. I assumed you had undressed me because I looked overweight in my gown." I said, laughing at her. In Milan, I am acquainted with a lot of newlyweds who practiced wearing their gowns before the big day without any negative outcomes. If you don't try the gown on, how can you tell if it suits your body?
"Ano ka ba! Wala namang masama kung susunod tayo sa mga pamahiin hindi ba?" nag-aalala niyang ani kaya para hindi na siya mag-alala ay tuluyan ko ng hinubad ang aking gown at mabilis kong naisuot ang isang malaking t-shirt at naupo ako sa gilid ng aking kama.
"Pero totoo ba na umalis na si Chantelle at bumalik na ng France?" tanong ko dito, ilang araw ko na din kasing napag-alaman na umalis na pala ng Pilipinas ang babaeng 'yon. Mas mabuti na 'yon para wala akong kaagaw kay Hanz.
"Oo friend at ang balita ko ay nag-iwan ito ng sulat kay Hanz at pinalaya na niya ito kaya friend iyong-iyo na si Hanz." nakangiting ani sa akin ni Ariana.
"Saan mo naman nalaman ang mga 'yan?" nagtataka kong ani sa aking kaibigan.
"Narinig ko kagabi sa isa sa mga kaibigan ng Hanz mo, napadaan kasi ako kagabi sa bar na pag-aari ng isa sa kaibigan niya at nanduon sila, at buti na lang late na nakarating ang Kuya Raymond mo kaya hindi kami nagkita, pasimple akong naglakad sa likuran nila at narinig ko nga na nag-iwan ng sulat si Chantelle at galit na galit sa iyo si Hanz." wika niya na ikinibit balikat ko lang, alam ko na namang matindi ang galit sa akin ni Hanz kaya hindi na bago ito sa akin.
"Mawawala din ang galit niya sa akin kapag ikinasal na kami." nakangiti kong wika dito. Masyado na akong nakakaramdam ng matinding excitement sa nalalapit na araw ng aming kasal, alam kong matututunan din akong mahalin ni Hanz at makakalimutan niya si Chantelle. Gagawin ko ang lahat upang maramdaman niya ang pagmamahal ko, gagawin ko ang lahat upang maging masaya lang siya sa piling ko.
"Grabe ka talaga friend noh, hindi ka talaga tumigil hangga't hindi mo siya nakukuha at ngayon ngang nangyari na eh isa lang masasabi ko sa iyo. Idol!" tumatawang ani sa akin ng aking kaibigan ngunit tahimik lamang ako, iniisip ko kasi si Hanz, alam kong matatagalan bago ko tuluyang makuha ang loob niya pero hindi ako susuko, hindi ko siya susukuan.
"Bakit natahimik ka yata ha?" nag-aalalang ani ni Ariana kaya napatingin ako dito at ngumiti ng tipid.
"May naalala lang ako friend." Ani ko dito na tinanguan naman niya. Hindi na naman siya nangulit pa pero alam kong nag-aalala ito sa akin.
Nakarinig kami ng ilang katok sa pintuan kaya mabilis ko itong binuksan, baka kasi si lolo ito at pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal. Pagkabukas ko ng aking pintuan ay tumambad sa harapan ko si Kuya Raymond at mabilis itong napatingin kay Ariana.
"What the hell are you doing here?" nakakunot noong tanong nito sa aking kaibigan.
"Bakit kwarto mo ba ito para magtanong ka sa akin ng ganyan?" palabang ani naman ng aking kaibigan at isang iling lamang ang sinagot ng pinsan ko dito.
"Can we talk?" ani niya sa akin. Alam ko naman kung ano ang pag-uusapan namin ngayon, tungkol na naman kay Hanz kaya nagdahilan na lang ako na may gagawin pa kami ng aking kaibigan.
"And by the way Ariana, walang chance na makapasok ang isang katulad mo sa aking silid. Hindi ikaw ang mga tipo na ikinakama ko." mapang-insultong ani ng aking pinsan sa aking kaibigan kaya sa inis ko ay sinagot ko ito.
"Akala mo naman matitipuhan ka ng kaibigan ko, ayaw n'yan sa mga katulad mong mahilig sa mga baril, pang good boy ang mga tipo n'ya noh." naiinis kong turan dito at nginisihan lang ako ni Kuya Raymond ng mapakla.
"Akala mo naman ikinagwapo mo ang mga sinabi mo, wala namang binatbat 'yang hitsura mo kumpara sa mga nag-gagwapuhan mong mga kaibigan." pang-iinis naman ng aking kaibigan.
"Whatever!" ani ni Kuya Raymond at nilayasan na kami kaya naman mabilis kong isinara ang pintuan at baka bumalik pa ulit 'yon at kulitin akong magkausap kami.
"Ang yabang talaga ng Kuya Raymond mo, akala mo naman kung sinong gwapo." naiinis na ani ng aking kaibigan na ikinatawa ko ng mahina.
"Bakit hindi ka ba naguguwapuhan sa pinsan ko?" tanong ko dito at nginusuan akong bigla kaya malakas na tawa ang pinakawalan ko na ikinainis naman niya.
Sa totoo lang ay hindi kami masyadong close ni Kuya Ramond, hindi katulad ng ate ko na sobrang close nila sa isa't-isa, protector nga ni ate si Kuya Raymond samantalang ako, sa halip na kausapin niya si Hanz para piliting pakasalan ako eh siya pa kumakausap sa akin para umatras ako sa kasal. Nakakainis!
"Bakit nakabusangot ka diyan?" tanong sa akin ni Ariana pero hindi ako kumibo at padabog akong naupo sa gitna ng aking kama.
"Naiinis kasi ako sa tuwing maiisip ko kung gaano ako kinukulit ni Kuya Raymond na iatras ko ang kasal dahil wala naman daw akong mapapala kay Hanz at masasaktan lang ako dahil iba ang mahal nito, kaya ko namang paibigin sa akin si Hanz. Magagawa ko 'yon sa oras na maikasal kaming dalawa." nakanguso kong wika sa aking kaibigan. Lumapit naman ito sa akin at tinabihan ako sa kama.
"Alam mo friend, minsan may point din kasi ang kuya mo, bakit hindi mo na lang subukang ibaling sa iba ang pagmamahal mo, baka kasi masaktan ka lang." ani naman niya sa akin na ikinainis ko.
"Kaibigan ba talaga kita ha?" naiinis kong ani dito na ikinatawa niya.
"Fine! Have it your way!" wika niya sa akin at pagkatapos ay humiga ako at pinakatitigan ko lang ang kisame. Alam ko at naniniwala ako na kaya kong paibigin si Hanz at 'yun ang una kong gagawin sa oras na maikasal na kaming dalawa.
──●◎●──
Hanz's POV
Nandito ako ngayon sa aking condo, ayoko munang umuwi sa mansion ng aking mga magulang dahil napapadalas ang pagpunta ni Roxanne sa mansion ng aking mga magulang. Hindi niya alam ang lugar na ito at nagbilin din ako sa aking mga kaibigan na huwag ipapaalam sa kanya kung sakali man na magtanong ito. Nakapagpalit na rin ako ng numero ng aking telepono at tanging sa mga taong mapagkakatiwalaan ko lamang ito ibinigay.
Hinihintay ko ang pinsan kong si Hugo, may usapan kasi ngayon dahil may mga pinapagawa ako dito. Habang umiinom akong mag-isa ay katok sa aking pintuan ang nagpatayo sa akin, wala naman akong ibang hinihintay na bisita kung hindi si Hugo lang kaya hindi ko na naisipang silipin sa peephole kung sino ang kumakatok.
Pagkabukas ng aking pintuan ay ganuon na lamang ang gulat ko ng mapagsino ko ang taong ito.
"What the hell Roxanne?!" galit kong sigaw dito at bigla na lamang itong pumasok sa loob ng aking unit kaya agad kong hinaklit ang kaniyang braso upang pigilan ito.
"How dare you! Ganyan ka na ba kadesperada ha?" galit na galit kong ani dahil hindi ako makapaniwala na pati ang condo ko ay alam niya.
"Oo Hanz! Ganito ako kadesperada pagdating sa iyo dahil sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, itawag mo na sa akin ang lahat ng gusto mong itawag pero mananatili pa rin ako sa tabi mo dahil mahal kita. Mahal na mahal kita! Kung gusto mo magpakasawa ka sa katawan ko, basta mahalin mo lang din ako." ani niya sa akin kaya sa gigil ko ay itinulak ko ito na ikinabagsak niya sa sahig.
"Hindi kita mahal Roxanne! Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na ni katiting ay wala akong pagmamahal na nararamdaman para sa iyo. Tandaan mo itong sasabihin ko sa iyo, kahit na ano pa ang gawin mo ay hinding-hindi mo ako makukuha, kahit na ano pa ang gawin mo ay hinding-hindi kita mamahalin. Nasusuklam ako sa iyo! 'Yan lang ang tanging nararamdaman ko para sa iyo! Napaka desperada mo." galit na galit kong wika dito.
"Umalis ka na Roxanne at hindi kita kailangan dito!" sigaw ko dito, mabilis itong tumayo at niyakap ako ng mahigpit habang humahagulgol ito sa aking dibdib. Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya ngunit mas lalo lamang niyang ipinagsalikop ang dalawa niyang kamay na nasa likuran ko upang mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.
"Please Hanz, mahalin mo din ako nakikiusap ako sa iyo, mahal na mahal kita, pagsisilbihan kita at kaya kong ibigay ang lahat sa iyo maging ang sarili kong buhay basta mahalin mo lang din ako." wika niya habang panay lamang ang iyak niya.
"Bitawan mo ako Roxanne, hindi kita mahal at kaylanman ay hindi kita mamahalin!" galit na galit kong ani at ng matanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin ay mabilis ko siyang itinulak na nasalo naman ng aking pinsan na si Hugo habang papasok sa loob ng aking unit.
"Anong nangyayari dito pinsan?" tanong niya sa akin habang nakatitig siya sa mukha ni Roxanne.
"Ayan ang babaeng pumipikot sa akin, ang kapal ng pagmumukha n'ya para puntahan ako dito sa condo ko." nanlilisik ang mga mata kong wika sa aking pinsan.
"Pinsan, hindi ganito ang pagtrato sa isang babae, huwag naman sanang ganito." ani sa akin ni Hugo na ikinangisi ko ng pagak.
"Naiintindihan mo ba sinasabi mo ha? Ang babaeng 'yan ang sumisira ng buhay ko, dahil sa kaniya iniwanan ako ng babaeng pinakamamahal ko at ang babaeng tanging gusto kong pakasalan." wika ko at lalong lumakas ang pag-iyak ni Roxanne.
Napapailing na lamang ang aking pinsan, inayos niya ang buhok ni Roxanne at kinausap niya ito.
"Umuwi ka na muna at mainit ang ulo ng husband to be mo." mahinahon niyang ani na ikinatango naman ni Roxanne.
"Husband to be? Sigurado ka diyan?!" galit kong sigaw na ikinapitlag ni Roxanne. Inihatid siya ni Hugo sa ibaba ng building, at malakas ko namang isinara ang pintuan ng aking condo. Nanggigigil ako dahil hanggang dito ay nagagawa niya akong sundan.
Sa sobrang galit ko ay nagsisisigaw ako pagkasara ng aking pintuan. Bakit ba ayaw niya akong tantanan? Bakit ba hindi siya magising sa katotohanan na wala akong pagmamahal ni katiting para sa kaniya?
I went inside my room and looked for my phone. I will try to call my fiancée again and explain to her everything that happened that night.
Habang pilit kong tinatawagan ang kasintahan ko ay pumasok naman si Hugo sa aking silid, iniwan ko kasing bukas ang pintuan ng aking silid para dire-diretso na lang siya sa pagpasok.
Tumingin ako dito, nakikita niya sa aking mukha ang matinding frustrations. Kumunot ang kaniyang noo kaya itinaas ko ng bahagya ang aking telepono at iwinagayway ng bahagya sa ere.
"My attempt to call my fiancée's number ended in voicemail. I don't know what to do anymore; whenever I call her number, I get a voicemail! Roxanne was solely to blame for this. She was to blame for everything!" I shouted angrily.
Hindi ito kumibo at umupo lamang sa sofa na katapat ng aking malaking kama at malakas na bumuntong hininga.