Chapter 8 -Vergognatevi-

2517 Words
Ilang araw na lamang ay ang araw na ng aming kasal ni Roxanne, ngunit ako ang lalaking ikakasal na walang nararamdamang kahit na anong excitement sa aking katawan. "Lasing ka na naman?" ani sa akin ni Ryven ng inabutan niya ako dito sa opisina ko na umiinom. "Konti lang, hindi naman ako nagpapakalasing, umiinom lang ako para kahit papaano maibsan ang nararamdaman kong kalungkutan." ani ko dito at tinawanan ko pa ito dahil sa aking sinabi. "Konti lang? Tinawagan nga ako ng sekretarya mo sa opisina ko para sabihin na lahat ng empleyado mo dito sinisigawan mo." wika niya sa akin na ikinanuot ng aking noo. "Mga bobo kasi! Simpleng utos hindi pa nila magawa ng maayos!" galit kong sagot naman dito. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga kaya naman tumingala ako dito. "Maupo ka nga dito at mas nahihilo pa ako kapag tumitingin ako sayo, ang tangkad mo para kang poste diyan." naiinis kong ani dito na ikinatawa naman nito. "Halika at sumama ka sa akin, kakain tayo sa restaurant ko, papunta na din doon sila Isaac at duon tayo manananghalian para naman mabago ang klima ng paligid mo." ani niya at napatingin naman ako sa aking orasang pambisig at duon ko lamang napagtanto na mag-aalas dose na pala ng tanghali. "Pwede bang makisakay na lang ako sa sasakyan mo? Medyo nahihilo kasi ako eh baka maaksidente pa ako, wala pa kasi akong planong mamatay." wika ko na ikinatawa naman niya at tinapik ako sa aking balikat. "Okay let's go!" ani niya at inalalayan niya akong tumayo. Medyo nahihilo ako, naparami din naman kasi ang nainom ko at totoo ngang naibuhos ko ang lahat ng galit ko sa mga empleyado ko kanina. Pagkalabas namin ng aking opisina ay siya na din ang nagbilin sa aking sekretarya. Hindi ko naman kinontra na dahil tama naman siya na kailangan ko na munang magpahinga. "Kung may importanteng tatawag sabihan mo na lang si Isaac at siya na ang bahalang makipag-usap at iuuwi ko muna itong tarantado mong boss." bilin pa ni Rye sa aking sekretarya at pagkatapos ay tuluyan na nga kaming lumabas ng aking building. Pagkalulan namin sa kaniyang sasakyan ay hindi muna agad ito umalis at may tinawagan ito sa kaniyang telepono. "Umorder na lang kayo diyan ng pagkain at sabihin ninyo sa kanila na ihatid sa condo ni Hanz at duon na lang tayo magkita-kita, hindi na kaya nito ang maglakad, binitbit ko na nga lang sa balikat ko." wika nito sa kausap at pagkarinig ko ng sinabi niya ay malakas na tawa ang pinakawalan ko na ikinatawa din naman ni Ryven. "Baliw! Sa tingin mo naman magpapabitbit ako diyan sa balikat mo ha?" natatawa kong turan dito. Pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan at binaybay na nga namin ang daan patungo ng aking condo. Pagkarating namin sa building ng condo unit ko ay pasuray-suray akong naglalakad at saktong pagbukas ng elevator ay siya namang dating ni Raymond at mabilis akong inalalayan papasok ng elevator. "Kaya ko ang sarili ko!" ani ko dito ngunit hindi naman ako binitawan kaya hinayaan ko na lamang. "Naglasing na naman, pati mga empleyado niya pinagsisisigawan kaya tinawagan ako ng sekretarya niya sa opisina ko." parang bata naman na nagsusumbong si Rye kay Raymond kaya natatawa na lamang ako dito. "Are you okay, bro?" Raymond asked. "Nothing that I can't handle," I answered as I chuckled, and he rolled his eyes at me. Pagkapasok namin sa aking condo ay mabilis nila akong inalalayan sa paghiga sa aking sofa, itinakip ko ang aking braso sa aking mukha at ipinikit ko ang aking mga mata habang nakahiga dahil pakiramdam ko ay umiikot ang aking paningin. Naririnig ko ang mga pag-uusap nila ngunit tinatalo ako ng matinding antok. Naparami nga yata talaga ang nainom ko kanina, pero at least ay naaalala ko ang lahat ng nangyayari ngayon sa akin. ──●◎●── Nagising ako sa malakas na tawanan kaya pupungas-pungas akong napaupo sa aking sofa at pagdilat ko ng aking mga mata ay mga mata naman ng mga kaibigan ko ang gumulat sa akin. "The hell? Nandirito pa rin kayo?" tanong ko sa mga ito at napatingin pa ako sa aking orasang pambisig. "Mag-aalas sais na ng gabi pero nandirito pa rin kayo, wala ba kayong sariling buhay na dapat intindihin?" naiinis kong ani sa mga ito. Hindi nila ako sinasagot dahil nakatitig lamang sila sa akin na tila ba may gustong sabihin ngunit hindi naman nila sinasabi. Napapunas tuloy ako sa magkabilang gilid ng labi ko at baka may tulo-laway na ako kaya ganoon na lamang nila ako titigan sa aking mukha ngunit wala naman kaya napatingin ulit ako sa mga ito. "What the hell guys?!" naiinis kong ani sa mga ito. "You had a dream, may tinatawag kang pangalan bro." seryosong ani ni George sa akin habang hindi nila inaalis ang pagkakatingin nila sa akin. "A dream? Nah-uh!" ani ko sa mga ito dahil wala naman akong naaalala na may napanaginipan ako. Kinunutan ko sila ng aking noo dahil hindi nila inaalis ang mga mata nilang nakatitig sa akin na tila ba may pilit na binabasa sa aking mga mata. "Wala ka ba talagang naaalala tungkol sa mga napanaginipan mo?" tanong sa akin ni Isaac, natahimik ako at nag-isip kung ano bang panaginip ang pinagsasasabi ng mga ito ngunit wala naman akong makuha na kahit na anong ala-ala tungkol sa sinasabi nila. Umiling ako sa mga ito at tumango-tango naman sila na animo mga tanga kaya mas lalo tuloy akong naiinis. "Come on guys! Spit it out!" naiinis kong wika sa kanila ngunit umiling lamang sila at ngumisi. "It's for us to know and it's for you to find out." ani ni Ryven na ikinailing ko naman. Pinagtitripan na naman ako ng mga ito kaya sa inis ko ay tumayo ako at iniwan ko sila. Nagtungo ako ng kusina dahil nakakaramdam ako ng gutom habang kasunod ko naman sila sa aking likuran. "Magsiuwi na nga kayo at naiinis lang ako sa mga pagmumukha ninyo." naiinis kong ani sa mga ito ngunit hindi naman sila umaalis at naupo lang sa upuan na nakatapat sa aking lamesa. "Bakit hindi mo iniiyakan si Chantelle ha? Hindi ba ganuon kalalim ang pagmamahal mo para sa kaniya?" tanong ni Isaac kaya nagsalubong naman ang mga kilay ko pagkarinig ko ng mga sinabi nya. "Mahal na mahal ko si Chantelle, hindi lang talaga ako iyakin na katulad ninyo!" naiinis kong ani dito. Mga bwisit na ito at ako pa yata ang napagtitripan na asarin ng mga ito. "Sigurado ka ba sa pagmamahal na 'yan ha?" pang-iinis pa ni Raymond kaya napapailing na lamang ako sa mga ito at sumandok ako ng pagkaing galing sa restaurant ni Rye. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila, nagsimula na akong kumain at lahat ng sinasabi nila ay pumapasok lamang sa kanan kong tainga at lumalabas lang din sa kaliwa kong tainga. Wala akong pakialam kahit bumula pa ang bibig nila kakadada basta nagugutom ako at kakain ako hanggang sa mabusog ako. ──●◎●── -After two days- Roxanne's POV "Apo ilang araw na lang ay kasal mo na, mamimiss ka namin ng lolo mo kapag kasal na kayo ni Hanz." ani sa akin ni lola habang nakayakap ito sa akin. "Lola, lagi ko pa rin naman po kayong dadalawin, malapit lang naman po dito ang mansion ng mga Dux hindi po ba?" nakangiti kong ani dito. Mula ng mahanap kami nila lola at lolo ay sa akin na halos naibuhos ang kanilang pagmamahal, si ate Raine kasi ay nag-asawa na at si Kuya Raniel naman ay palaging busy sa mga babae n'ya at sa negosyo namin kaya lahat ng atensyon nila ay sa akin na nila ibinuhos. Aaminin kong naging spoiled brat ako sa kanila, isang bagay na hindi nagustuhan ni Kuya Raymond sa akin, lagi niya akong sinasabihan na magbago na ako, na hindi lahat ng bagay na maibigan ko ay makukuha ko dahil hindi daw mangyayari 'yon. Ngayon ay pinatunayan ko sa kaniya na mali siya, dahil nakuha ko ang lalaking matagal ko ng pinapangarap. Napukaw ang pag-uusap namin ni lola ng kumatok ang kasambahay at sinabing may bisita daw ako, sigurado akong si Ariana 'yon dahil may usapan kami ngayon na may mga bibilhin kami sa mall. "Aalis ka na naman apo? Malapit ka ng ikasal, dapat ay nananatili ka na lamang dito sa bahay." ani ni lola na ikinangiti ko. "Hay naku lola! May bibilin lang po kami sa mall ng mga Dux." ani ko sa aking lola. Kumunot naman ang noo nito at muling nagsalita. "Para namang napaka-importante ng bibilhin mo apo." ani niya sa akin at yakap lamang ang isinagot ko dito at mabilis ko ng kinuha ang pouch ko at nagmamadali na akong lumabas. "I love you lola." ani ko dito at tuluyan na nga akong nakalabas ng aking silid at sinalubong naman ako ng aking kaibigan ng may malaking ngiti sa labi. "Friend nanduon na si Hanz, pumasok sila sa isang restaurant." ani niya na ikinakunot ng aking noo. "Sila? Kasama ba nya sila Kuya Ryven?" nagtataka kong tanong dito ngunit umiling lamang ito. "Babae friend at ang sweet nilang tignan!" Pagkasabi niya na babae ang kasama ni Hanz na pumasok sa isang restaurant ay nakaramdam ako ng matinding selos at galit kaya nagmamadali akong sumakay sa aking sasakyan at lumulan na din ang aking kaibigan sa passenger seat. Malapit lang naman dito ang mall, seven minutes lang ay siguradong nanduruon na kami. ──●◎●── -At the mall- Nasa labas pa lang kami ng restaurant sa loob ng mall ay nakikita ko na agad ang dalawang bulto na nakaupo sa isang lamesang may kalakihan at masayang nagtatawanan. Para akong bulkang sasabog habang pinagmamasdan ko ang malanding tawa ng babaeng 'yon, kaya walang kaabog-abog ay sumugod ako sa loob ng restaurant at pagkatayo ko sa harapan nila ay kinuha ko ang kopita na may wine na nasa table sa harap ng babae at saka ko ito isinaboy sa kaniyang pagmumukha at namaywang ako sa harapan nila. Ang lahat ng tao ay napasinghap, ang lahat ay nagbubulong-bulungan kaya mas lalo kong ginusto na ipahiya ang malanding ito sa harapan ng maraming tao. Nababagay lang sa kaniya 'yan dahil nilalandi niya ang fiancé ko. "What the hell!" galit na ani ni Hanz habang masamang nakatingin sa akin. Mabilis na napatayo si Hanz at galit akong tinabig at mabilis na lumapit sa malanding babae at pinunasan ang mukha nito habang walang tigil sa paghingi ng paumanhin. Nakikita ko rin ang matinding galit ng babae ngunit wala akong pakialam dahil mang-aagaw siya, nilalandi niya ang magiging asawa ko. "Oh my god!" tili ng babae habang tinutulungan niya si Hanz na punasan ang basa niyang mukha at damit. "Malandi ka! Nilalandi mo ang fiancé ko!" galit na galit kong ani dito at isang nag-aalab na tingin ang ipinukol sa akin ni Hanz na ikinatakot ko kaya napaatras ako ng bahagya, ngunit hindi ako magpapatinag sa kanila. Magsasalita pa sana akong muli upang insultuhin ang babaeng lumalandi sa mapapangasawa ko ngunit napatigil ako ng isang baritonong boses naman ang gumulat sa amin ni Ariana mula sa aming likuran kaya parang nag-slow motion ang lahat sa akin. "What the eff is going on here?" malakas na ani ni Kuya Raymond at halos hindi ako makakilos at dahan-dahan akong napalingon sa mga ito at ganuon na lamang ang gulat ko ng lahat ng kaibigan ni Hanz ay nandirito, nakatayo at nakatitig sa amin ni Ariana na tila ba may pagtataka sa kanilang mga mukha. "Holy macaroni! Ano'ng nangyari sa pinsan mo Hanz?" gulat na gulat na tanong naman ni George ng mapalingon kila Hanz at para akong itinulos ng marinig ko ang sinabi nila na pinsan ni Hanz ang babaeng binuhusan ko ng alak. "How dare you!" malakas na sigaw ng babae at naging mabilis ang pagkilos nito at isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha na ikinatinag ko. Pahiyang-pahiya ako sa mga nangyayari ngayon, si Kuya Raymond at si Kuya Ryven ay hindi man lamang ako nilalapitan upang tulungan, lahat sila ay nakatingin sa akin na napapailing. "Hoy! Ang kapal ng mukha mong saktan ang isang Antonetti." sigaw ni Ariana habang dinuduro niya ang mukha ng babae ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng babae at nginisihan siya ng pagak. "Please tell me cousin na hindi 'yang babaeng 'yan ang pumipikot sa iyo dahil ngayon pa lang ay papatayin ko na 'yan." galit na galit na ani nito, si Hanz naman ay nakatitig lamang sa akin na tila ba gusto din akong patayin sa mga oras na ito. Hindi ito nagsasalita at tanging masamang titig lamang ang ipinupukol nito sa akin. "Friend tara na, nakakahiya ang dami ng taong nanunuod sa atin." bulong sa akin ni Ariana ngunit hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. "Go home! Mag-uusap tayo mamaya sa bahay Roxanne. Vergognatevi!" ani ni Kuya Raymond at sinabihan pa ako ng nakakahiya ako sa salitang italyano. Napayuko na lamang ako dahil sa pagkapahiya ko. "I hate you!" sigaw ng babae sa akin habang yakap na ito ni Hanz at pinipigilang makalapit sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay lalong lumayo ang loob sa akin ni Hanz dahil sa aking nagawa. "My cousin will not be throwing his life away by marrying a crazy lady like you! She stated fiercely. What she said really hurt my feelings. "I detest you for acting like a child and spitting wine in my face. You most certainly aren't deserving of my cousin's affection. The fact he doesn't love you makes me so happy!" She said furiously. My heart felt like it was being steadily stabbed by each word she spoke. Hindi ko na nagawang mapigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha kaya napayuko na ako, hindi ko rin naman pwedeng ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong ako ang may pagkakamali. "Hoy babae! Kung magsalita ka akala mo kung sino ka!" galit na ani naman ng aking kaibigan. "Enough!" Hanz said at mabilis na itong lumabas ng restaurant habang inaakay niya ang kaniyang pinsan. Sumunod naman ang iba sa kanila maliban na lamang kay Kuya Raymond at kay Kuya Ryven na hindi makapaniwala sa aking nagawa. Bigla akong nakaramdam ng pagsisisi sa aking nagawa, naging padalos-dalos ako at hindi ko na inalam kung sino ang babaeng kasama ni Hanz. "Sorry." bulong ko habang nakayuko dahil lahat ng tao ay sa amin na nakatingin at hinuhusgahan ako base sa mga titig nila sa akin. "Let's go!" aya naman ni Kuya Ryven sa amin at hinawakan na ako ni Kuya Raymond sa aking braso ng may diin at iginiya na kami papalabas ng building. Nagpatianod na lamang ako, hindi na ako kumontra pa, pakiramdam ko ay nahuhusgahan na ang pagkatao ko dahil sa mga matang nakatitig sa akin. "I'm sorry Kuya Raymond." bulong kong muli dito na hindi ako pinansin hanggang sa nakalabas na kami ng building at tuluyan na kaming sumakay ng kaniyang sasakyan. "Ariana iuwi mo sasakyan ng pinsan ko." maawtoridad na utos ng pinsan ko at ramdam ko ang matindi niyang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD