Chapter 6 -Breakfast-

2026 Words
Nagising ako sa tunog ng aking telepono kaya napatingin ako kung sino ang tumatawag sa akin. Nakita kong pangalan ni Roxanne ang naka rehistro sa screen ng aking telepono kaya sa inis ko ay mabilis kong pinatay ang aking telepono para hindi na siya makatawag pa, sa susunod na araw ay bibili ako ng bagong sim para hindi na niya ako nagagambala pa. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil wala ako sa mood magtrabaho ngayon, ang gusto ko lang ay matulog at baka sakaling sa pamamagitan nito ay saglit kong makalimutan si Chantelle. Mabibining katok naman ang pumukaw sa akin kaya padabog akong tumayo upang tignan ang taong umiistorbo sa akin. Pagkabukas ko ng pintuan ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino ang taong kumakatok. "What the hell are you doing here huh?" galit kong ani kay Roxanne. Hindi ako makapaniwala na nandirito siya ngayon sa pamamahay namin. "I cooked breakfast for you, tara na sa ibaba para makakain ka na." wika niya na ikinatawa ko ng pagak. Nahihibang na yata ang babaeng ito, ano ba sa akala niya ang ginagawa niya? "Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin ha? Ang kapal naman talaga ng pagmumukha mo Roxanne, baka akala mo ay makukuha mo ako sa paluto-luto mo ng breakfast." galit kong ani dito. "Ipinagluto lang naman kita ng agahan Hanz at sana ay magustuhan mo." mahina niyang ani na halos pabulong na. Napatawa ako at masama ko itong tinitigan. "Kaylanman ay hindi ko kakainin ang pagkaing galing sa iyo Roxanne, hindi mo kailangang pumunta dito upang ipagluto ako dahil may sarili kaming katulong at mas katiwa-tiwala ang mga pagkaing ihahanda nila sa lamesa kaysa sa pagkaing ihahanda mo. Umalis ka sa harapan ko dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo." galit kong wika dito at napayuko ito sa harapan ko at hindi makatingin sa akin. Huh! Marunong din palang masaktan ang katulad niya. "Huwag ka namang ganyan magsalita sa akin Hanz, ginagawa ko lang naman ito upang pagsilbihan ka, ginagawa ko lang ito upang mapalapit sa iyo." ani niya sa akin na tila ba naiiyak pa. Huh! Nagpapaawa ba ang babaeng ito sa akin? Pwes! Nagkakamali siya dahil hindi ako marunong maawa lalo na sa mga katulad niya na ipinagsisiksikan ang sarili sa lalake. "Hindi ko kailangan ng pagsisilbi mo Roxanne, hindi kita kailangan sa buhay ko, hindi kita mahal kaya pwede ba tantanan mo na ako at baka kung ano pa magawa ko sa iyo na maaari kong pagsisihan. Lumayas ka sa harapan ko dahil nandidiri ako sa pagmumukha mo!" galit na galit kong ani dito na halos magbaga na ang mga mata ko sa galit. "Pero Hanz, huwag naman..." I cut her off. "Lumayas ka sa harapan ko!" I yelled angrily. "Hanz Andrew Dux!" Malakas na sigaw ng aking ama na ikinalingon ko dito habang nagbabaga ang aking mga mata sa galit. "What dad? Kampi na kayo ngayon sa kaniya ha? Ginago ako ng babaeng ito, pinapaikot n'ya tayo sa palad niya at nagpapaloko naman kayo sa kaniya." galit kong sagot sa aking ama at isang suntok ang tumama sa aking mukha ang ikinatinag ko. Isang malakas na sigaw naman ang pinakawalan ni Roxanne at ng aking ina samantalang masamang titig naman ang iginanti ko sa aking ama. "Hindi kita pinalaking bastos para sagutin mo ako ng ganyan!" galit na ani ng aking ama at halos magliyab na ang mga mata niya sa galit habang dinuduro ako sa mukha. "Pero hindi n'yo rin hawak ang buhay ko, dad! Wala kayong karapatan panghimasukan ang buhay ko at sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin! Buhay ko 'to!" galit kong singhal dito, susugod pa ulit sana ang aking ama ngunit mabilis itong niyakap ng aking ina at nagsimula na itong umiyak kaya nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko gustong makita na umiiyak ang aking ina ng dahil sa akin kaya pilit kong pinapakalma ang aking sarili. "Oh mon dieu! S’il te plaît Hanz, ne fais pas ça." wika ng aking ina sa salitang French habang patuloy lamang ito sa kaniyang pag-iyak. "I'm sorry mom, hindi ko lang matanggap na pinaglalaruan ako sa palad ng isang babae." mahinahon kong ani sa aking ina habang matalim akong nakatitig kay Roxanne. Hindi ko gustong sumagot sa aking ama, kaylanman ay hindi ko ito kinontra pero sa pagkakataong ito, sarili ko ng karapatan ang inaalis nila sa akin ng dahil lang sa babaeng 'yan. "Magpakalalaki ka Hanz, hindi ka namin pinalaki ng bastos at walang modo." ani ng aking ama at nararamdaman ko ang galit niya sa bawat katagang binibitiwan niya sa akin at pagkatapos ay tinalikuran na niya kami. "Please son." ani ng aking ina habang malungkot na nakatingin sa akin. Bagsak ang balikat ko na tumango ako sa aking ina. "Magbibihis lang ho ako." ani ko dito at tinanguan naman niya ako at iniwan na kami ni Roxanne. "Umalis ka sa harapan ko Roxanne dahil hindi ko gustong nakikita ang pagmumukha mo." bulong ko dito at pinaparamdam ko sa kaniya ang matinding galit ko. Tatalikuran na sana ako nito ng muli akong magsalita. "One more thing Roxanne. Stop pretending that you are my wife because you will never be!" galit kong ani at nakita ko ang pagkislap ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "Partir!" sigaw ko dito sa salitang French na ibig sabihin ay alis. Tinalikuran ako ni Roxanne kaya malakas kong binalagbag sa pagkakasara ang aking pintuan. Matinding galit ang nararamdaman ko ngayon at hindi rin ako makapaniwala na may lakas siya ng loob na pumunta dito sa teritoryo ko. Pagkatapos kong magbihis ay mabilis akong bumaba ng hagdan, nakapang opisina na ako, wala talaga akong balak na pumasok ngayon ngunit binago ni Roxanne ang plano ko. Ayokong makita ang pagmumukha niya kaya mas mabuti pang ubusin ko na lamang ang mga oras ko sa pagtatrabaho. "Kain na tayo anak." wika ng aking ina at umupo ako sa tabi ng aking ina at hindi ko kaylanman tatabihan si Roxanne sa pagkain. "Manang Loleng, pakidalhan ako ng kape at toast with butter." utos ko sa aming kasambahay at napatingin naman sa akin ang mga taong kasama ko sa lamesa. "Son, puro paborito mo ang niluto ni Roxanne para sa iyo, kumain ka kahit kaunti." nagtatakang ani ng aking ina dahil hindi ko ginagalaw ang mga pagkaing hinanda ni Roxanne. "I'm sorry, Mom, but I don't feel like eating a big breakfast." ani ko habang lumalapit na sa akin si Manang Loleng at inabutan ako ng kape at tinapay. Narinig ko ang paghikbi ni Roxanne ngunit wala akong pakialam at kaylanman ay hindi ako maaapektuhan ng kadramahan niya sa buhay. Hindi ko siya hahayaang mapaikot niya ako sa kaniyang palad. Nararamdaman ko ang mga mata ng mga taong kaharap ko ngunit hindi ko sila binibigyan ng pansin, minadali ko na lamang ang pagkain ko at ng matapos ako ay tumayo na ako at nagmamadali na akong umalis dahil hindi ko gustong nasa paligid ko lamang si Roxanne. "Hanz." tawag sa akin ni Roxanne ngunit hindi ko siya nilingon at tuloy-tuloy lamang ako sa aking paglalakad hanggang sa makarating na ako ng aking sasakyan. Hindi ko hahayaang mapaikot mo ako sa palad mo Roxanne, hindi ako tanga para hayaan ka sa mga pinag-gagagawa mo. Mabilis ko ng pinasibad ang aking sasakyan dahil hindi ko gustong nasa iisang lugar kami ng taong gumagago sa akin. Napatingin ako sa telepono ko na ipinatong ko sa passengers' seat, patay pa rin ito at mamaya ko na lamang ito bubuksan kapag nagpalit na ako ng aking numero dahil hindi ko gustong tinatawagan ako ng babaeng 'yon. Pagkarating ko ng aking opisina ay inabutan ko naman si Isaac na nakaupo sa aking sofa at may tinitignan sa kaniyang laptop kaya napataas ang dalawa kong kilay habang pumapasok ako sa loob at nakatingin lamang ako sa kaniya. "What are you doing here?" tanong ko dito. "Kanina pa kita tinatawagan pero nakapatay ang phone mo kaya pumunta na lang ako dito, alam ko na kung nasaan si Chantelle." wika niya kaya napahinto ako sa aking paglalakad at mabilis akong naupo sa tabi niya. Nakaramdam ako ng kasabikan at kasiyahan sa aking puso matapos kong marinig ang mga sinabi niya. "Hinanap mo ang girlfriend ko?" masigla kong tanong dito at tinanguan naman niya ako. Makikita ang kasabikan sa aking mukha habang hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya sa akin. "Look!" ani niya at pinakita niya sa akin ang laptop niya kaya napakunot ang aking noo. "In one-hour ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa France. Bumalik na siya sa bansa niya." para akong sinaksak sa puso ng malaman kong tuluyan na akong iniwan ni Chantelle kaya napatayo ako at dalawang beses kong sinuntok ang dingding kaya pumulandrit ang dugo mula sa aking kamao. Mabilis naman ang naging pagkilos ni Isaac at pinigilan niya agad ako. Nasasaktan ako dahil iniwan ako ng babaeng mahal ko ng dahil kay Roxanne. "s**t bro! Huminahon ka ngang gago ka!" ani niya sa akin at iginiya niya ako paupo sa sofa at mabilis niyang inutusan ang sekretarya ko na kumuha ng medical kit. "Bakit niya ako iniwan? Mahal na mahal ko si Chantelle, hindi man lamang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kaniya." nagngingilid na ang aking mga luha ngunit pinipigilan ko pa din ito. Ayokong umiyak sa harapan ni Isaac dahil hindi ako mahina. Mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng matinding galit para kay Roxanne. Hindi ko siya hahayaang sumaya habang may isang babae na nagdudusa dahil sa ginagawa niya. "Hindi ko alam bro, inalam ko lang kung nasaan siya upang hindi ka na mag-alala." malungkot na ani sa akin ni Isaac. Nagpasalamat naman ako dito at pagkatapos tinungo ko na ang aking office table. Napatingin ako kay Isaac dahil nakatitig siya sa aking mukha habang nakakunot ang kaniyang noo. "Napaano ka?" tanong niya na kinunutan ko lang ng aking noo, nuong una ay hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganoon hanggang sa marealize ko na pumutok nga pala ang gilid ng aking labi dahil sa lakas ng suntok ng aking ama. Tumingin ako sa aking kaibigan at pagkatapos ay napasandal ako sa aking swivel chair, naghihintay siya ng isasagot ko habang iniisip ko kung paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari kanina. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita dito. "Nasa bahay kasi si Roxanne." ani ko dito na ikinalaki ng mata niya. "What? Huwag mong sabihin na naghalikan kayo at kinagat ka niya sa labi kaya may sugat ka." gulat na ani ng sira ulo kong kaibigan kaya napaupo ako ng tuwid at nagsalubong ang dalawa kong kilay. "What? Hell no! Sinuntok ako ng dad ko dahil sa mga pinagsasasabi ko kay Roxanne. Pwede bang huwag na nating pag-usapan ang babaeng 'yon at nasisira lang ang araw ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya." ani ko dito habang nakakaramdam ako ng matinding pagkainis. "Okay bro, hindi naman ako ang nagbanggit ng pangalan niya, pero sige iba na lang pag-usapan natin." tugon naman niya sa akin habang binubuksan ko na ang aking laptop. Magpapaka busy na lang muna ako sa aking trabaho at mamaya ay tatawagan ko si Chantelle sa bahay nila sa France. Marami pa kaming napag-usapan ni Isaac, pinag-usapan din namin ang mga negosyo naming magkakaibigan na kailangan naming dalawin na naka base sa ibang bansa, hindi pa ngayon dahil hindi ako pwedeng umalis ng bansa dahil bilin ng ama ko. Hindi na rin nagtagal pa si Isaac at umalis na din ito dahil may importante pa daw itong dadaluhan na meeting tungkol sa kanilang negosyo. Ganito ang mga buhay naming magkakaibigan. Bilang mga tagapag-mana ng lahat ng mga negosyo at ari-arian ng aming mga pamilya ay kailangan naming ipakita sa kanila na magaling kami pagdating sa larangan ng negosyo at pwede nila kaming pagkatiwalaan na hawakan ang mga ito. Pagkatapos naman ng trabaho namin ay saka pa lang kami nagkakasama-sama ng mas matagal maliban na lamang kung may mga kinakaharap kaming mga problema, bawat isa sa amin ay handang isakripisyo ang mga araw namin para tulungan ang isa't-isa. Ngunit mukhang mababago ko ito dahil sa panggugulo sa akin ni Roxanne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD