bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

book_age18+
13.7K
FOLLOW
70.8K
READ
billionaire
possessive
playboy
arrogant
dominant
badboy
CEO
like
intro-logo
Blurb

My name is Hanz Andrew Dux; I was in love and engaged to my fiancée Chantelle, the love of my life. One night of trying to be a good person changed all that. I royally f****d up and was forced into a shotgun wedding after the grandfather of Roxanne caught us naked in her bedroom.

Forced into committing to a loveless marriage, I snuck out of the church and ran for the hills on Roxanne's most special day.

Roxanne put her heart and soul into planning her special day and thought she would finally have me, the man of her dreams. I destroyed that dream and left her dumbfounded as I left her sobbing at the altar in front of her friends and family.

I flew back to France as fast as I could and pursued my fiancee. We lived together and were inseparable until one day, I went back to the Philippines, and what followed next would change everything between me and Roxanne.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -A night to forget-
Isa-isang hinubad ni Roxanne ang kasuotan ni Hanz at wala itong itinira na kahit na ano, pagkatapos naman ay isa-isa n'ya ring hinubad ang lahat ng kaniyang kasuotan at mabilis na umupo sa ibabaw ni Hanz. "A-Anong na-nangyayari?" halos hindi na makapagsalita pa si Hanz ngunit naaaninaw niya ang isang magandang mukha na nasa kanyang ibabaw, at dahil na rin sa epekto ng gamot na ipinainom sa kanya ni Roxanne ay halos mabaliw ito habang nararamdaman ang hubad na katawan ng babae sa kanyang ibabaw, walang pagdadalawang isip niya itong niyakap at siniil ng halik. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit pakiramdam niya ay langong-lango siya at nag-iinit ang buo niyang katawan. Dahil sa nararamdamang sensasyon na lumulukob kay Hanz na ibinibigay sa kanya ng babaeng nakapatong sa kaniya ay niyakap niya ito at mabilis silang nagkapalit ng posisyon, muli niya ito ng hinalikan sa labi pababa sa leeg nito hanggang sa ungol na lamang ng babae ang maririnig sa loob ng silid na 'yon. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit nag-iinit ng sobra ang katawan niya at para siyang mababaliw na gustong maangkin ang babaeng kahalikan niya ngayon. Wala sa sarili si Hanz, ang lahat ng nagaganap ay dahil nasa impluwensya ng gamot na ipinainom dito. Malakas na umuungol si Hanz habang inaangkin niya ang babaeng katabi niya ngayon sa kama, bawat pag-galaw ng kaniyang katawan sa ibabaw ng babae ay halos ikabaliw niya. Kahit hilong-hilo na ito at halos hindi na niya maidilat ang kaniyang mga mata ay hindi niya tinitigilan ang babaeng kaniig nito dahil ang bawat pag-galaw nito sa ibabaw ng babaeng kaniig, katumbas ay langit. Hanz's POV My name is Hanz Andrew Dux, 26 years old, half Filipino half French, and I'm the only heir of Dux Corporation. I met Roxanne when she was 13 years old only, minsan nasabi n'ya sa akin na crush n'ya ako ngunit hindi ko na lamang ito pinatulan dahil napakabata pa n'ya ng mga panahong 'yon. Normal naman sa mga teens ang nagka ka-crush lalo na sa gwapong katulad ko. Huling pagkikita namin she was turning 15 years old, I think, that was more than four years ago now. Then the birthday party of their grandfather happened. I saw her again and dàmn she was definitely gorgeous. I couldn't take my eyes off her kaya lagi akong napapatingin sa kaniya. Since then, lagi na n'ya akong pinupuntahan sa aking opisina, tinatawagan n'ya ako at kinukulit sa text at mga chats na hindi ko naman sinasagot, hanggang isang araw ay tumawag siya sa akin na nasa G.A.V bar siya at may problema at umiiyak ito kaya agad ko siyang pinuntahan. Lasing na lasing na siya ng mga oras na 'yon at hindi ko alam kung ano nangyari kung bakit pati ako ay tila nalasing at walang maalala kahit na ano. Alam ko sa sarili ko na hindi naman ako uminom ng kahit na anong alak, ngunit bakit wala akong matandaan sa mga nangyari at ang tanging natatandaan ko lamang ay ng abutan ako ni Roxanne ng tubig at ininom ko naman agad ito. Nagising na lamang ako na katabi ko na siya sa kanyang condo at nahuli kami ng kanyang lolo na magkatabi na walang saplot. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari, paanong magkatabi kami ni Roxanne ng walang kahit na anong saplot samantalang ang huling naaalala ko ay sinundo ko siya upang iuwi sa kanila. "Hindi ako makakapayag na hindi mo pananagutan ang aking apo Hanz. Nagtiwala ako sa iyo dahil kaibigan ka ni Rye pero nagawa mong pagsamantalahan ang kainosentihan ng aking apo!" galit na galit na wika sa akin ng lolo ni Roxanne. "Senior Amadeo, wala po akong maalala sa nangyari at sigurado ako sa sarili kong hindi ako uminom ng kahit na ano maliban na lamang sa tubig na iniabot sa akin ni Roxanne kagabi kaya nakapagtatakang wala akong maalala na kahit na ano. Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito sa condo ng apo n'yo pero sinisigurado ko po sa inyo na hindi ko ginusto kung ano man ang nangyari kagabi." depensa ko sa aking sarili dahil kahit ako ay naguguluhan. Paanong napunta ako dito at walang maalala samantalang tubig lang naman ang ininom ko pagkarating ko sa bar. "At sigurado din ako na ang dugong 'yan sa puting blanket na 'yan ang magpapatunay na may nangyari sa inyo ng aking apo." galit n'yang ani kaya naman napatingin ako sa tinutukoy nitong dugo sa puting blanket at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko nga ito. "Shìiiiit!" malakas na mura ko habang sinasabunutan ang aking sarili ng makita ko ang dugong tinutukoy ng kanyang lolo. Napatingin ako kay Roxanne at nakayuko lamang ito habang umiiyak, batid kong may ginawa si Roxanne kaya kami humantong dito. Kaylanman ay hindi ko magagawa ito sa kapatid ni Raine kung nasa katinuan ang aking isip, kailangan kong mapaliwanagan si Senior Amadeo na ang lahat ng ito ay kagagawan ng kaniyang apo. "Roxanne, nakikiusap ako sa iyo, please lang sabihin mo sa lolo mo na plinano mo ito, na wala akong kasalanan sa mga nangyari. Sabihin mo sa kanya ang totoo!" ani ko dito na may galit sa aking tinig. "Wa-Wala akong alam sa sinasabi mo Hanz." wika n'yang hindi makatingin sa akin kaya naman napahilamos na ako ng aking kamay sa aking mukha. Magsasalita pa sana ako ng may marinig akong mga yabag na humahangos papasok sa loob ng condo ni Roxanne kaya agad kong sinalubong ang mga ito dahil batid kong ang mga kaibigan ko ito. "Shìt bro buti dumating kayo! Tulungan n'yo naman ako dahil wala akong alam sa nangyari, maniwala kayo wala talaga akong alam dito. Kilala ninyo ako, hindi ko magagawa ito lalo na at kapatid siya ni Raine at pinsang buo naman siya ni Raymond." wika ko sa kanila na naguguluhang nakatingin sa akin at titingin naman kay Roxanne. Alam kong ang lahat ay nabigla sa mga nangyari, nakikita ko sa kanilang mga mata ang pagkalito at mga katanungan na hindi naman lumalabas sa kanilang mga bibig. "Tinawagan ako ni lolo upang pumunta dito dahil sa nangyari." ani ni Rye na hindi makapaniwala sa nakikita. "Fùck man! Ano bang gulo itong pinasok mo ha?" naiiling na ani naman ni George. "Bro, maniwala kayo sa akin na wala akong alam sa mga nangyari kagabi, ang alam ko lang ay tinawagan ako ni Roxanne upang papuntahin sa G.A.V bar dahil lasing na lasing na daw siya at hindi na n'ya kayang magmaneho pauwi, kaya nagmagandang loob lamang akong puntahan siya upang ihatid siyang pauwi. Pagdating ko ng bar ay inabutan n'ya ako ng isang inumin at 'yun lamang ang natatandaan ko dahil pag-gising ko nandito na kami sa kanyang condo at nakita nga kami ng lolo n'ya na magkatabi sa kama." Mahaba kong paliwanag sa kanila. Lumapit si Rye kay Roxanne at kinausap ito. Batid kong naniniwala sila sa akin dahil kilala nila ako na hindi ko talaga magagawa ito. "Rox, sabihin mo sa akin kung ano ang totoong nangyari, kilalang-kilala ko si Hanz at hindi n'ya ito magagawa. Nirerespeto n'ya ako maging ang ate mo at ang Kuya Raymond mo kaya please sabihin mo sa akin kung ano ang tunay na nangyari." wika n'ya. "Anong ibig mong sabihin Rye, na apo ko pa ang pumipikot sa lalaking 'yan ha?" galit na ani ng lolo ni Roxanne. Napapikit ako, hindi maaari ito, hindi ko gusto ang tinatakbo ng mga pangyayaring ito. Hindi ako makakapayag sa kung ano man ang pinaplano ng lolo ni Roxanne at hindi ko hahayaang magwagi si Roxanne sa kaniyang plano. Napatingin si Rye kay Senior Amadeo at kay Roxanne at napapailing na lamang ito dahil kung ano man ang tumatakbo sa isip ng matanda ay tila ba pinal na ito at 'yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Alam kong ginagawa ito ni Rye dahil ako ang pinapaniwalaan niya ngunit kahit yata anong tanong ang gawin niya kay Roxanne ay nananatiling matatag ang paninindigan nito na may ginawa ako sa kaniya. "Rox sabihin mo sa akin ang totoong nangyari, ayusin natin ito." wika n'ya pang muli ngunit puro iling lamang ng kanyang ulo ang kanyang sinasagot kay Rye. "Bro ayokong magpakasal, alam n'yong may pinangakuan na akong iba at hindi ko mahal si Roxanne." galit kong wika ng biglang isang suntok ang dumapo sa aking mukha na ikinabagsak ko sa sahig. "Kuya Ray!" sigaw ni Roxanne ng makita niya akong bumagsak sa sahig. "Ray tama na 'yan, hindi naman natin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, hindi mo kailangang saktan si Hanz." awat naman ni George dito at nakikita ko ang matinding galit mula sa mga mata ni George. "Tarantado ka Hanz! Pati pinsan ko pinatulan mong hayop ka!" galit na galit n'yang ani sa akin habang dinuduro niya ako sa aking mukha. Agad naman akong nilapitan ni Roxanne at tinutulungang tumayo ngunit piniksi ko lamang ang kanyang kamay at galit ko siyang tinitigan ng masama. "Wala akong kasalanan! Hindi ko siya kusang ginalaw, kilala ninyo ako, hinding-hindi ko ito magagawa lalo pa at kapatid siya ni Raine!" galit kong sambit at akmang susugod siyang muli ng magsalita si Roxanne. "Kuya Raymond huwag! Mahal na mahal ko si Hanz please huwag mo siyang sasaktan. Ayokong masasaktan si Hanz, bata pa lamang ako ay mahal na mahal ko na siya kaya nakikiusap ako huwag mo siyang sasaktan." umiiyak n'yang wika dito na nagpalingon sa amin sa kinatatayuan ni Roxanne at maging si Raymond ay natigilan din sa kanyang mga narinig. "Now I know!" Pagak akong tumawa habang nakatingin kay Roxanne na ngayon ay nakayuko na at hindi makatingin sa amin. "Wala akong pakialam kung ano ang nangyari ang mahalaga ngayon dito ay pananagutan mo ang apo ko Hanz Andrew Dux." wika ng kanyang lolo na matiim na nakatitig sa akin habang si Ray naman ay nakatitig pa rin kay Roxanne. "Ako na mismo ang tatawag sa iyong mga magulang at itatakda namin ang inyong kasal sa lalong madaling panahon." wika n'ya at nagkuyom ang aking mga kamao at nagtagis ang aking mga bagang sa galit na aking nararamdaman. Isaac yelled fiercely, "Damn it!" "What ought to we do next?" George enquired with confusion. "I'm clueless; I'm not sure what to do at this point. Hanz wouldn't do this s**t; I know this because I know him." Rye spoke while gritting his teeth. Gabriel hushed, "Hide if you don't want to be married, bro." "Umuwi na kayo at mamayang gabi ay hihintayin namin kayo ng mga magulang mo Hanz sa mansion ng mga Antonetti." maawtoridad n'yang utos sa amin, muli akong sumulyap ng tingin kay Roxanne ngunit nananatili itong nakayuko at hindi makatingin sa amin. Iniwan na namin sila sa condo ni Roxanne at para akong binagsakan ng langit na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Pag-uwi ko ng aming mansion ay nag-aalalang mga magulang ko ang sumalubong sa akin. "Anak ano ba ang nangyayari ha? Tumawag dito si Senior Amadeo at sinabing ikakasal kayo ng kanyang apo sa lalong madaling panahon." ani ng aking ina kaya naman napaupo ako at tuluyan na akong napaiyak. "Mom wala po akong kasalanan, pinipikot ako ng kanilang apo na si Roxanne. Hindi ako uminom kagabi at lalong-lalo na hindi ako lasing kaya nakapagtatakang wala akong maalala na kahit na ano matapos n'ya akong painumin ng kung ano kagabi." wika ko sa aking ina at yakap na lamang ang kanilang naging tugon sa akin. "Sige na anak, umakyat ka muna sa iyong silid at maligo ka, pagkatapos ay kakain na tayo ng tanghalian at duon natin pag-uusapan ang problema mo." wika naman ng aking ama. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at sinunod ko ang sinabi ng aking ama, umakyat ako sa aking silid at dumiretso na ako sa banyo. Nakatayo lamang ako at nakababad sa dutsa at nakababad sa dutsa ang hubad kong katawan at ninanamnam ang lamig ng tubig na dumadaloy mula dito. Sa bawat pagpatak ng tubig na nanggagaling sa dutsa ay sumasabay naman sa pagpatak ang aking mga luha. "Bakit mo ginagawa ito Roxanne? Hindi mo ako totoong mahal dahil ikaw mismo ang nagpatunay sa akin nito, makasarili ka, sariling kaligayahan mo lamang ang mahalaga sa iyo." wika ko sa aking sarili habang nagtutuluan ang aking mga luha. Pagkatapos kong maligo ay naupo ako sa gilid ng aking kama at inaalala kong pilit kung ano ba talaga ang mga nangyari kagabi ngunit blangko lamang ang lahat sa akin. Lumabas ako ng aking silid dahil alam kong naghihintay sa hapag kainan ang aking mga magulang. "May nangyari ba sa inyo ni Roxanne?" tanong ng aking ama na hindi ko masagot dahil wala naman talaga akong maalala na kahit na ano. Dahil na din sa bahid ng dugo sa blanket at sa aking pagkalalàke ay alam kong may nangyari nga sa amin ni Roxanne ngunit batid ng diyos na hindi ko ito ginusto at wala din akong maalala sa mga nangyari sa amin. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumatango ako sa aking ama at nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Kung ganoon ay may pananagutan ka sa batang 'yon Hanz at magpakalalaki ka, hindi umaatras sa responsibilidad ang isang Dux tandaan mo 'yan!" matigas na wika ng aking ama. "Dad, I don't love her! I am engaged to Chantelle, as you are all aware. Oh my God, I can't even recall what happened last night!" I yelled angrily, expressing my love for Chantelle and my refusal to wed Roxanne. "Are you sure about that?" he asked. He looked me in the eyes and said, "You were worried when you went to see her last night, that something might happen to her; that is a sign that you care about her." I continued, shaking my head, "I went to check on her last night because I care, dad, since she is Raine's sister and Ray's cousin, after all." "I understand son, pero pwede mo sabihin 'yan sa kanila para sila ang sumundo sa kanya pero hindi mo ginawa at ikaw pa mismo ang pumunta sa bar na 'yon upang tulungan siya." dagdag n'ya pang ani. "But dad..." He cut me off. "No buts, we are going to Antonetti's mansion tonight at magpakalalaki ka Hanz!" wika n'ya at hindi na lamang ako kumibo dahil kilala ko ang aking ama, lahat ng sasabihin n'ya ay parang batas na kailangang sundin. "Makinig ka anak sa ama mo, kailangan mong panagutan si Roxanne, hindi mo naman siguro hahayaang basta na lamang talikuran ang isang babae dahil lamang sa wala kang maalala sa nangyari." wika naman ng aking ina. Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong gawin upang maipaliwanag sa kanila na ayokong pakasalan si Roxanne dahil kung may nais man akong iharap sa altar ay walang iba kung hindi ang aking fiancee na si Chantelle. Ngunit ano ang kailangan kong gawin upang hindi matuloy ang binabalak nilang agarang pag-iisang dibdib namin ni Roxanne? Hindi ko maisip na sa pagbabalik ni Roxanne ay magugulo ng ganito ang buhay ko, alam kong may pagtingin siya sa akin dahil bata pa lamang ito ay pinaparamdam na niya ito sa akin ngunit para ko na syang bunsong kapatid. Ayokong makasal, ngunit mukhang wala na yata akong kawala pa sa nalalapit na kasalang magaganap. "Maghanda ka Hanz at mamayang gabi ay tutungo tayo sa mansion ng mga Antonetti at pananagutan mo ang mga nangyari sa kay Roxanne." ani muli ng aking ama kaya naman tumayo na ako at hindi ko na tinapos pa ang aking pagkain at mabilis na akong bumalik sa akin silid. "Hanz, get back here!" tawag ng aking ama na hindi ko na pinansin pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
50.8K
bc

THE OBSESSION OF TITO VLADIMIR [SPG]

read
160.2K
bc

Lustful Nights with my Step-Brother

read
30.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.6K
bc

Luhod, Kagawad (SPG)

read
94.8K
bc

The Ex-wife

read
216.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook