Chapter 5 - Hanz's regret -

2030 Words
Kahit anong gawin ko ay ayaw akong kausapin ni Chantelle, kasalanan lahat ito ni Roxanne dahil pilit niyang sinisira ang buhay ko. "Bro, hindi tama ang ginawa mo kanina kay Roxanne." ani ni Isaac kaya napapailing ako dito. "Yung ginawa niya sa buhay ko ha, tama ba 'yon?" galit kong sagot dito habang pilit kong tinatawagan si Chantelle ngunit nakapatay na ang telepono nito. "Fuuuck! Mapapatay ko talaga ang babaeng 'yon Isaac!" galit na galit kong sigaw ng hindi ko na talaga matawagan pa si Chantelle. Kasalanan ni Roxanne ang lahat ng ito kung bakit nagugulo ng ganito ang buhay ko at kung bakit nakipaghiwalay sa akin ang fiancee ko. Mabilis kong kinuha ang susi ng aking sasakyan at lumabas ako ng aking opisina, kailangan kong makausap si Chantelle, hindi ako makakapayag na basta na lamang siya mawawala sa buhay ko dahil mahal na mahal ko s'ya. "Bro saan ka pupunta?" tanong ni Isaac sa akin kaya napahinto ako at humarap ako dito ng may galit sa aking mga mata. "Sa impyerno! Bakit sasama ka?" galit kong sagot dito at mabilis ko na siyang tinalikuran at hindi ko na hinintay pa kung ano man ang kaniyang sasabihin. Ang nais ko lamang ngayon ay makausap ko ang aking kasintahan kaya bawat segundo ay mahalaga para sa akin. Mabilis kong narating ang tinutuluyan ni Chantelle ngunit wala ito dito kaya nagtanong-tanong ako sa paligid ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Muli ko itong tinawagan ngunit nakapatay pa rin ang telepono nito kaya pupuntahan ko na lamang ito sa bahay ng kaniyang mga magulang, baka sakaling dito ito nagtungo ngunit ng makarating ako duon ay wala din ito at hindi nila alam kung nasaan ito. Matinding galit ang nararamdaman ko, sinisira ni Roxanne ang tahimik kong buhay, sinisira ni Roxanne ang mga pangarap ko para kay Chantelle. Bumalik ako sa loob ng aking sasakyan at saka ko pa lamang ibinuhos ang matindi kong galit kaya pinagsusuntok ko ang manibela ng aking sasakyan. "Ahhhhh! Chantelle, where are you!" I shouted angrily. Because I had no notion where to begin looking for her, my thoughts had become as blank as fresh paper. Pabagsak akong sumandal sa aking upuan at pilit ko pa ring pinipigilan ang aking pagluha dahil ako si Hanz, isang Dux na kaylanman ay hindi iiyakan ang isang babae kahit nasasaktan na ako. Pero hindi ko magawa dahil kusang umaalpas ang mga luha mula sa aking mga mata. Busina ng sasakyan ang aking narinig kaya napatingin ako sa aking rear-view mirror at nakita ko ang sasakyan ni Isaac na pumaparada sa gawing likuran ng aking sasakyan. Huminga ako ng malalim, hindi ko hahayaan na makita niya akong umiiyak at pinanghihinaan ng loob dahil ang isang Dux ay matapang at matibay ang loob. Nakita ko ang pagbaba nito ng sasakyan niya at mabilis akong pinuntahan, sa gawing passenger seat siya tumungo at kinatok ang pintuan nito na ipinagtaka ko naman. Pagkabukas ng pintuan ay agad itong lumulan at umupo, hindi muna ito nagsalita ngunit kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakatitig lamang ito sa akin. "Gusto kong samahan ka sa impyerno kaya nandirito ako." ani niya sa akin, napatingin ako sa rear-view mirror ng mapansin kong umandar ang sasakyan ni Isaac kaya napatingin ako sa aking kaibigan ng nakakunot ang aking noo. "Pinasunod ko ang driver ko para iuwi ang sasakyan ko dahil gusto kitang samahan sa sinasabi mong impyerno." ani niya kaya napa-iling ako ng bahagya ng aking ulo as I looked at him. Ibang klase din talaga ang mga kaibigan ko, kahit sa impyerno ay kaya kang damayan. Napangiti ako dito ngunit hindi ako kumibo at iniistart ko lang ang aking sasakyan at mabilis ko na itong pinaharurot, kung saan mang lugar ako dadalhin ng aking kalungkutan ay hindi ko alam pero hindi naman ako nababahala dahil kasama ko naman ang isa sa tapat kong kaibigan. Nakarating kami ng Tagaytay, tahimik lamang akong lumabas ng sasakyan at umupo ako sa pinong damuhan at pinag-masdan ko ang kagandahan ng Taal Volcano habang malalim akong nag-iisip. "Naiintindihan ko ang nangyayari sa iyo, pero bro hindi mo dapat sinaktan si Roxanne dahil kapatid siya ni Raine." ani niya sa akin. "Hindi ko naman siya sinaktan, kahit gigil na gigil na ako sa kaniya ay hindi ko magagawang saktan ang pinsan ni Raymond." sagot ko naman dito dahil totoo naman ang sinabi ko. "Ano 'yung inabutan ko kanina?" nakakunot noong tanong niya sa akin na ikina-iling ko ng aking ulo. "I didn't choke her, kung sinakal ko siya baka wala na siyang buhay ngayon." ani ko dito at siya naman ang napapailing ng kaniyang ulo dahil sa sinabi ko. Alam ko naman na nag-aalala siya na baka kung ano ang magawa ko kay Roxanne, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi ko ito mapagsalitaan ng masasakit dahil ginugulo niya ang buhay ko, sinisira niya ang pangarap ko para kay Chantelle. "Mahal na mahal ko si Chantelle bro, pero tinapos na niya ang lahat sa amin at ngayon ay hindi ko pa alam kung nasaan siya, hindi ko na rin siya matawagan." malungkot kong ani dito. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat at isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ko. "Itutuloy mo ba ang kasal ninyo ni Roxanne ha bro?" tanong niya sa akin, hindi ko siya sinagot at tumayo lamang ako at naglakad ako sa isang Resto bar na nasa malapit lamang sa amin. Hindi naman niya ako sinundan at nananatili lamang siyang nakaupo ngunit sinunsundan niya ako ng tingin. Pumasok ako sa loob ng Resto bar at bumili ako ng dalawang bote ng beer at bumalik ako sa tabi ni Isaac at ibinigay ko sa kaniya ang isang beer na tinanggap naman nito. "Ang dami namang lalaki diyan bro, bakit ako pa ang ginugulo niya?" ani ko dito sabay lagok ng beer. Hindi agad ito kumibo at tumungga lamang din ito sa hawak niyang bote habang sa malayo nakatingin. "Hindi ko din alam bro, hindi ko nga alam na mahal ka pala ni Roxanne." I chuckled after I heard what he just said. "Hindi ko kailangan ng pagmamahal niya Isaac, ang kaylangan ko ay ang pagmamahal ni Chantelle, ang kaylangan ko ay ang layuan ako ni Roxanne." wika ko naman dito at buntong hininga lamang ang naisagot niya sa akin. Matinding galit ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko inaakala na sa pagbabalik ng kapatid ni Raine ay gulo ang dala niya sa buhay ko, ngunit hindi ko magawang saktan si Roxanne dahil nirerespeto ko si Raymond at si Ryven. Habang tahimik lamang kami ni Isaac at nakatanaw lamang kami sa malayo ay tunog ng telepono ni Isaac ang pumukaw sa amin. "Bro?" sagot nito sa kausap niya. "Yeah, kasama ko nga siya ngayon at nandirito kami sa impyerno." sagot niya na ikinalingon ko dito at kinunutan ko siya ng noo. "Kapag ganito naman lagi kaganda ang impyerno niya, lagi ko na lang siyang sasamahan." tugon pa niya sa kabilang linya habang sa akin nakatingin. Napapailing na lamang ako dito at muli akong tumingin sa malayo hanggang sa natapos na silang mag-usap. "Si Ryven, nasabi ko kanina sa kaniya ang nangyari at gusto niyang makipag-usap sa iyo, papunta na sila dito." wika niya kaya napangisi ako ng pagak. Huminga ako ng malalim at muli akong nagsalita, gusto kong malaman ni Isaac kung saan nanggagaling ang galit na nararamdaman ko para kay Roxanne, gusto kong malaman niya kung ano ang nangyari ng gabing 'yon at nasa sa kaniya na kung sasabihin niya ang mga ito sa kanila. "Hindi ko alam kung bakit ginagawa sa akin ito ni Roxanne, ng gabing tinawagan niya ako upang sunduin siya sa bar dahil lasing na lasing na siya ay nag-atubili ako nuong una, pero dahil nag-aalala ako sa kaniya na baka may mangyaring masama dito ay pinuntahan ko na ito at balak ko sanang iuwi sa mansion nila Ryven, pero pagkatapos niya akong abutan ng maiinom na tubig ay hindi ko na maalala pa kung ano ang mga sumunod na nangyari, nagising na lamang ako ng umagang 'yon dahil sa malakas na sigaw ni Senior Amadeo. Bro, hindi ko gusto ang mga nangyari, kung nasa tamang katinuan ang isip ko ng gabing 'yon ay hinding-hindi ko 'yun magagawa. Wala naman akong pagmamahal kay Roxanne, parang kapatid lamang ang turing ko dito pero ginago niya ako, sigurado ako na may kasabwat siya dahil hindi niya ako basta-basta maiuuwi sa condo niya kung siya lang mag-isa. Sinisira niya ang buhay ko ngayon, sinisira niya ang mga pangarap ko na makasama ang babaeng minamahal ng puso ko." mahaba kong litanya dito at hindi ako umiiyak, ayokong makita niya na pinanghihinaan ako ng loob. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga na pinakawalan niya habang ako naman ay sinaid ko ang huling patak ng beer. "I know she drugged me that night bro. Pinagsisisihan ko na nakilala ko siya, pinagsisisihan ko na pinuntahan ko siya ng gabing 'yon!" may galit na ani ko sa aking kaibigan. Tahimik lamang kami habang hinihintay namin ang pagdating ni Rye, hindi ko rin alam kung siya lang ba ang hinihintay namin o kasama niya ang buong tropa. Siguro nga ay mas mabuti na 'yon upang masabi ko din kay Raymond ang niloloob ko. Lumipas ang tatlumpong minuto at isa-isa ng nagdadatingan ang sasakyan ng aming mga kaibigan, hindi ko sila tinitignan at nananatili lamang akong nakatanaw sa malayo, naramdaman ko ang pagtayo ni Isaac at sinalubong ang mga ito, naririnig ko ang mga pag-uusap nila ngunit hindi ko pa rin sila nililingon. "Ang ganda naman ng impyerno mo, sana lahat ng impyerno ay ganito kaganda ang tanawin." wika ng isang boses sa aking likuran kaya lumingon ako at tiningala ko si Raymond na seryosong nakatayo lang sa likuran ko habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa kaniyang pantalon at nakatitig lang din sa kagandahan ng tanawin lalong-lalo na sa Taal Volcano. "Susumbatan mo ba ako kaya kayo nandirito?" ani ko dito at sa ibang direksyon na ako nakatingin. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" simple niyang sagot sa akin at huminga ako ng malalim at nagsimula akong magsalita. "Nakipag-hiwalay sa akin si Chantelle, galit na galit siya sa akin dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Roxanne kanina at ngayon ay hindi ko na malaman kung saan ko siya hahanapin." wika ko dito habang ang mga kaibigan namin ay tinabihan ako sa pagkakaupo maliban lang kay Raymond na nananatiling nakatayo lamang sa likuran ko. "Kinausap ko siya kagabi, ipinapaliwanag ko sa kaniya na hindi mo siya mahal, na hindi siya magiging masaya sa iyo dahil siya lamang ang nagmamahal, ngunit matigas si Roxanne, hinubog siya ni lolo at lola na palaban sa buhay at nakukuha niya ang lahat ng gustuhin niya." ani ni Ray sa malungkot na tinig. Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya at sa mga sasabihin pa niya. "Masyadong hinubog ng Milan ang pag-uugali ni Roxanne, lahat ng naisin niya ay nakukuha niya, lahat para sa kaniya ay isang tropeyo na kailangang mapasakamay niya." dagdag na ani pa ni Raymond habang sa malayo pa rin nakatingin. "Hindi ako isang tropeyo na kailangang mapasakamay niya. Sana ay hindi ko na lang siya pinuntahan ng gabing 'yon upang tulungan sana siyang makauwi. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito sa akin. Pinagsisisihan kong pinuntahan ko siya ng gabing 'yon para tulungan siya." wika ko dito at naramdaman ko na ang pag-upo niya sa tabi naming lahat. "I tried pero hindi rin ako pinapakinggan ni Roxanne. Hindi na din siya kinakausap ngayon ni Raine dahil sa ginawa niya sa iyo." wika naman ni Rye. "Fuuuck! Hindi ko na alam ang gagawin ko, pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng isang babae sa palad niya." galit kong wika at hindi sila makakibo, hindi nila ako makontra dahil alam din nilang totoo ang sinasabi ko. Sa aming lahat ay ako yata ang malas sa babae dahil ang babaeng nahuhumaling sa akin ay wala ako ni katiting na pagmamahal, samantalang ang babaeng pinakamamahal ko ay iniwanan na ako ng dahil sa mga nangyayaring ito. Hindi ko gustong saktan si Chantelle, hindi ko pinlano ang lahat ng ito at ngayon ay kaming dalawa ang nahihirapan at nagdurusa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD