Roxanne's POV
Alam kong matindi ngayon ang galit sa akin ni Hanz pero hindi ako papayag na ang babaeng 'yon ang makatuluyan niya. Binago ko ang sarili ko para sa kaniya, ginaya ko ang mga babaeng natitipuhan niya para lamang makuha ko ang atensyon niya pagkatapos sa araw ng kaarawan ng aking lolo ipinakilala niya sa amin ang malanding babae na 'yon. Hindi ako makakapayag kaya lahat ay ginawa ko makuha ko lamang siya.
Hindi mo man ako mahal ngayon pero sa oras na maikasal tayo Hanz ay sisiguraduhin ko na mamahalin mo din ako.
Mahal na mahal ko si Hanz at handa kong gawin ang lahat para maibaling lamang niya sa akin ang pagmamahal na iniuukol niya sa babaeng 'yon.
"Friend, hindi ka ba natatakot kay Hanz?" ani ng aking kaibigan na si Ariana.
"Hindi naman ako sasaktan ni Hanz." tugon ko dito.
Si Ariana ang tumulong sa akin upang maisagawa ko ang mga plano ko, siya din ang pinatawag ko kay lolo upang sabihin na hindi n'ya ako mahanap at nagkahiwalay kami ng gabing 'yon para magmadaling pumunta si lolo sa aking condo, at katulad nga ng inaasahan ko ay inabutan nga kami ni lolo sa aking silid na natutulog at magkayakap ng walang saplot.
Totoo din naman ang sinabi ko, hindi ako sasaktan ni Hanz dahil nirerespeto niya si Kuya Raymond at si Kuya Ryven.
"Madami naman kasing lalake bakit ang Hanz pa na 'yon ang napili mo, alam mo naman kung ano ugali ng lalaking 'yon hindi ba?!" nag-aalalang ani naman sa akin ng aking kaibigan.
Pinag-aralan ko na ang ugali ni Hanz, habang nasa Milan ako ay kumuha ako ng tao upang mapag-aralan ko ang ugali ni Hanz, bawat isa sa kanila ay alam ko na ang mga ugali at si Hanz ang lalaking hindi basta-basta nakukuha sa pakiusap, na kapag nagkamali ka sa kaniya ay ipaparamdam niya ang galit niya sa iyo. Halimaw din ito sa kama base na rin sa mga naririnig ko at isa 'yon sa gusto ko sa kanya at pinalasap niya sa akin 'yon ng gabing may mangyari sa amin.
"Bata pa lang ako ay mahal ko na si Hanz, alam mo bang ilang beses niya akong iniiwasan sa tuwing tatangkain kong lumapit dito, kaya ng tumuntong ako ng fifteen years old at nagmigrate kami ni Kuya Raniel sa Milan Italy ay ipinangako ko sa sarili ko na sa pagbabalik ko dito sa Pilipinas ay makukuha ko si Hanz sa ayaw at sa gusto niya." nakanguso kong ani dito na ikina-iling ng kaniyang ulo.
"Napaka spoiled brat mo talaga friend, hindi lahat ay parang tropeyo na kailangan mong makuha. Isang Dux ang pinag-uusapan natin dito, isang Dux na pinakamayaman sa bansa ng Europe." tumatawa niyang ani sa akin kaya natawa na lang din ako, pero sa kalooban ko naman ay nalulungkot ako dahil pinapakita sa akin ni Hanz ang pagkasuklam niya sa akin. Nagtatapang-tapangan lang naman ako para hindi ako laging umiiyak pero ang totoo ay nasasaktan ako. Alam ko din kung gaano kayaman ang pamilya nila lalong-lalo na kung gaano sila kilala sa bansang Europa lalong-lalo na sa France.
"Naalala ko tuloy nuong nakita ko sila Hanz sa isang bar, nung narinig ko na sinabi ni Ryven na hindi kagandahan ang mga babaeng kaharap nila sa salitang italyano, gulat na gulat sa akin ang Kuya Raymond mo ng makita ako." dag-dag pang wika sa akin ng aking kaibigan habang natatawa. Naaalala ko nga 'yun, ng malaman ko na nag-iinuman sila dahil itinawag sa akin ni Ariana ay pinagawan ko agad ng aksyon ng sinabi niyang nilapitan ang mga ito ng mga kababaihan. Pinaalam niya sa mga babaeng 'yon kung ano ang ibig sabihin ng tinuran ni Kuya Ryven kaya iniwan sila ng mga babaeng 'yon na galit na galit. Buti na lang talaga dahil nasa iisang lugar lamang sila nuon ni Ariana kaya pagkatapos akong tawagan ni Ariana na nakita niya ang mga ito ay inutusan ko siyang sirain ang gabi ng mga babaeng 'yon para iwan nila ang grupo nila Hanz.
"Natupad na ang pangarap mo, maikakasal ka na sa kaniya kaya congrats friend!" nakangiti niya pang ani sa akin ngunit nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Pupuntahan ko si Hanz mamaya sa opisina niya, samahan mo ako friend dahil pipilitin ko kasi siya na samahan niya akong pumili ng susuotin kong gown sa araw ng aming kasal." nakangiti kong wika sa aking kaibigan na ikinanuot ng kaniyang noo.
"Ipinagtabuyan ka na niya nuong mga nakaraang araw hindi ba, bakit pupunta ka na naman?" ani niya sa akin.
Napabuntong hininga ako at tinitigan ko ang aking kaibigan.
"Kailangan kong gawin ito upang mapalapit ako sa kaniya, gagawin ko ang lahat upang mahalin n'ya rin ako." wika ko dito at napapailing lamang siya sa akin.
Mabilis akong nakapaghanda at nag-ayos na rin ako, isang low waist cut na straight jeans na kulay puti at isang crop top na kulay itim ang suot ko at pinarehasan ko ito ng isang black na 4 inches na heels.
"Ay wow friend! Ang ganda-ganda mo naman! Siguradong maduduling si Hanz niyan kapag nakita ka niya mamaya!" nakangiting ani sa akin ni Ariana.
"Talaga friend?" masaya kong tanong dito na tinanguan naman niya at pagkatapos ay nagmamadali na din kaming umalis upang hindi na kami gabihin.
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa building na pag-aari ng mga Dux at mabilis kaming pumasok sa loob, kilala naman nila ako kaya in and out lang ako kapag pumupunta ako dito.
"Ma'am may bisita po si Sir Hanz." sni ng sekretarya ni Hanz ngunit tinaasan ko lamang ito ng aking kilay at lumakad ako papalapit sa harapan ng pintuan ng opisina ni Hanz.
"Ma'am, hindi po talaga pwede dahil may bisita si sir." ani niya kaya sa inis ko ay sinagot ko na ito.
"Fiancée niya ako kaya may Karapatan akong pumasok diyan sa loob!" ani ko dito at nakikita ko sa kaniyang mukha ang pagkalito ngunit hindi pa rin niya ako nagawang pigilan.
Nasa harapan na ako ng pintuan ng opisina ni Hanz, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa matinding pagkabog nito kaya huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang malaking pintuan.
Para akong itinulos sa kinatatayuan ko ng abutan ko si Hanz na nakapatong sa isang babae sa kaniyang malaking sofa at naghahalikan ang mga ito, kaya para akong bulkang sumabog at mabilis ko silang sinugod ng mahimasmasan ako.
"Malandi ka umalis ka dito!" galit na galit kong ani ng hinablot ko patayo si Hanz upang sabunutan sana ang babae ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng makilala ko ito.
"Cha-Chantelle?" ani ko sabay tingin ko kay Hanz na nagliliyab ang mga mata na nakatitig sa akin.
"What the hell Miss?!" galit na ani sa akin ni Chantelle ngunit hindi ako nagpatalo at sinigawan ko din ito.
"Lumayas ka dito at huwag mong landiin ang fiancé ko!" singhal ko dito na ikinagulat niya at pagkatapos ay tumawa ng malakas.
"Nababaliw ka na ba? Ako ang fiancee ni Hanz at hindi ikaw." ani niya sa akin sabay pakita ng kaniyang daliri na may suot na singsing. Hindi agad ako nakakibo dahil wala naman akong maipapakitang singsing sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito sa opisina ko Roxanne? Umalis ka na at huwag mong guluhin ang buhay ko!" galit na ani sa akin ni Hanz ngunit hindi ako nagpadaig, hindi ako magpapatalo, ako yata si Roxanne Antonetti at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko.
"Nandito ako upang magpasama sa iyo para pumili ng wedding gown para sa nalalapit na kasal natin." wika ko dito at pinag-diinan ko pa ang salitang kasal at wedding gown upang matauhan ang babaeng kaharap ko.
"What? Ano'ng pinagsasasabi ng babaeng 'yan ha Hanz?" galit na ani ni Chantelle at nakita ko ang matinding takot na kumawala sa mga mata ni Hanz.
"Babe let me explain." ani niya at isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito.
"Tinuhog mo kaming dalawa Hanz? Kaming dalawa ang pakakasalan mo at mas mauuna pa ang kasal ninyo kaysa sa mga plano natin?" malakas niyang sigaw kay Hanz habang wala ng patid ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Wait baby, please let me explain." wika ni Hanz habang niyayakap na niya ito ng mahigpit at nasasaktan ako sa aking mga nakikita.
"Ikakasal na tayo Hanz, sa susunod na linggo ay ikakasal na tayo!" umiiyak kong ani habang hawak ako ng aking kaibigan at pilit n'ya akong pinapakalma.
Mabilis na iniisang hakbang ni Hanz ang pagitan namin at mahigpit niya akong hinablot sa aking braso kaya napaigik ako sa kirot na aking naramdaman.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Roxanne, you drugged me that night!" galit niyang ani sa akin kaya kahit lumuluha ako ay hindi ako nagpatalo.
"I drugged you that night? Hindi mo nga ako tinigilan ng gabing 'yon Hanz, para kang hindi napapagod sa mga ginawa mo sa akin tapos sasabihin mo na I drugged you that night?" galit kong ani habang tumutulo ang aking mga luha.
Mabilis na kinuha ni Chantelle ang kaniyang bag at tinulak kaming dalawa ni Hanz para makaraan siya ngunit pinigilan siya ni Hanz.
"Baby, please listen to me first." umiiyak ng ani ni Hanz ngunit isang sampal lamang ang isinagot sa kaniya ni Chantelle.
"Stay away from me Hanz! Huwag na huwag mo akong susundan dahil ayokong makita ang pagmumukha mo! Tapos na tayo at heto ang singsing mo, isaksak mo 'yan sa baga mo! Magsama kayong dalawa ng babaeng 'yan!" galit niyang ani at malakas niyang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ni Hanz at mabilis na lumabas ng opisina.
Matalim na tingin ang ibinato sa akin ni Hanz at pagkatapos ay padaklot niya akong hinawakan sa aking leeg ngunit hindi naman niya ako sinasakal pero nararamdaman ko ang matindi niyang galit para sa akin.
"Bitawan mo ang kaibigan ko!" malakas na ani ni Ariana habang pilit nitong inaalis ang kamay ni Hanz na nakahawak sa aking leeg.
"Hayop ka Roxanne! Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo ako nasisira." galit na galit niyang ani habang ang kaibigan ko naman ay pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Hanz sa aking leeg, ngunit wala siyang magawa dahil napakalakas ni Hanz.
"Bi-Bitawan mo ako Hanz." ani ko dito habang matinding takot ang aking nararamdaman. Hindi naman niya ako sinasakal, nakakahinga ako ng maayos kahit hawak niya ako sa leeg, hindi ko rin nararamdaman ang bigat ng kamay niya dahil tila ba iniingatan n'ya din na masaktan ako pero natatakot ako dahil matindi ang galit niya sa akin.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Isaac na gulat na gulat sa kaniyang nasaksihan kaya mabilis siyang nakalapit sa amin at isang malakas na balya ang ginawa niya kay Hanz na ikinabagsak nito sa sahig.
"Tarantado ka ba ha?" galit na asik ni Isaac habang hawak ako nito at itinago niya ako sa kaniyang likuran.
"Sinisira niya ang buhay ko, iniwanan ako ni Chantelle at nakipaghiwalay sa akin ng dahil sa mga sinabi niya." galit niyang sigaw kay Isaac at makikita ang pagkagulat sa mga mata ni Isaac at napatingin ito sa akin.
"Nahuli ko silang naghahalikan diyan sa sofa na 'yan at nakapatong siya sa babaeng 'yon, ikakasal na kami pero ganiyan pa rin ang ginagawa niya." wika ko naman dito habang patuloy lamang ako sa aking pag-iyak.
"Hanz?" tanging sambit ni Isaac. Malakas na sinipa ni Hanz ang sofa na ikinapitlag ko habang si Isaac naman ay napapailing lamang.
"Ikakasal? Pinipikot mo lang ako baliw kang babae ka!" galit na ani sa akin ni Hanz.
"Hanz, baka nakakalimutan mo kung sino si Roxanne ha bro, kapatid siya ni Raine, pinsan ni Raymond kaya dahan-dahan ka ng pagsasalita mo sa kaniya at huwag mo din siyang sasaktan." mahinahong ani ni Isaac kaya dahan-dahang napapaupo si Hanz sa sofa habang sapo-sapo niya ng dalawang kamay ang kaniyang mukha.
"I don't love you Roxanne, umalis ka sa buhay ko, hindi kita kailangan!" nanggigigil na ani ni Hanz at para akong sinasaksak sa bawat salitang binibitiwan nito sa akin.
"Mahal na mahal kita Hanz at gagawin ko ang lahat upang mahalin mo rin ako." wika ko dito at mabilis ko na silang tinalikuran at lumabas na ako sa kaniyang opisina habang walang patid ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata.