Kabanata 10
Sara is looking at her wedding ring while her husband, Ryder is talking to some guest over there. After that small wedding, nagkaroon din ng maliit na salu-salo pagkatapos ng kasal. It happened on their house where decorations are already prepared. Pati ang mga pagkain ay nandoon na rin at nakahanda na. Iilan lang ang bisita roon at si Dahlia lang na kaibigan niya ang kakilala niya.
Hanggang ngayon nga ay hindi siya makapaniwala na ikinasal siya kay Ryder mismo ngayong araw. He never told her about this kaya ganoon na lang ang kabiglaan niya nang malaman ang tungkol sa kasal.
Hindi niya rin alam kung paano nakabili si Ryder ng singsing. Ang alam niya lang ay masyado itong abala para sa asikasuhin ang kasal. Pero nakalimutan niya na isang Cervantes ng apala ang pinakasalan niya. Everything that is needed to prepare would be easy for him. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung ganoon kabilis ang mga pangyayari.
Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mapaisip kung si Ryder mismo ang personal na pumili ng singsing para sa kanya.
“Congratulation sa kasal niyo ni Sir Ryder, Sara,” bati ni Dali sa kanya. Bagama’t hindi niya maipaliwanag nang maayos ang sitwasyon niya kay Dali ay laking tuwa pa rin niya na iniintindi pa rin siya ng kaibigan.
And even though their marriage is not real, she’s still happy. The smile on her lips cannot deny how happy she was today.
“Thank you.”
“Kakilala mo ba ang mga nandito?” tanong ni Dali sa kanya. Binulungan pa siya nito. Sa totoo lang ay hindi niya kilala ang mga inimbita ni Ryder. Mabuti pa nga at nakuha pa nitong imbitahan si Dali eh. Kasi kung hindi ay siguradong mahihiya siya na makisalamuha sa mga guest dito.
Halata namang mayayaman ang nandito. Kaya hindi na rin siya nakakapagtaka kung malalaman niya na ang mga tao na narito ay kasosyo niya sa negosyo.
“Hindi nga eh,” sagot niya sa kaibigan.
“Where’s your parents, Ryder. Today is your wedding.”
“They are still in states. They actually didn’t know that I got married today so please look forward to another wedding.” Narinig ni Sara ang sagot ni Ryder at hindi niya maiwasan na hindi mapatingin dito. Kaagad niya naman iniwas ang tingin nang magtama ang tingin nila ni Ryder. He’s holding a glass of wine in his right hand while talking to some guest. Ang guest na kausap ay mukhang nasa singkwenta anyos na at matanda na. Pero mapapaghalataan na nasa mataas itong posisyon at pamumuhay. Habang siya ay nandito lang sa tabi ng kanyang kaibigan na si Dali. May mga pailan-ilang bumabati sa kanya ng congratulation at tanging tango na may matamis na ngiti ang isinasagot niya sa mga ito. Pero kahit ganoon ay hindi nakakaligtas sa mata niya ang pagtingin ng mga ito sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang isa siyang bagay na kinakailangan suriin ng mabuti.
Kahit ba hindi niya pansinin ang mga ganoong tingin ay hindi niya maiwasan na hindi mahiya at maalibadbaran. Dahil alam na niya na hinuhusgahan siya nang mga ito. Sino ng aba naman siya para pakasalan siya ni Ryder? Hindi naman lingid sa kaaalam niya na lahat ng mga tao ngayon dito ay inaasahang si Kierra Buenaflor na kababata niya ang papakasalan nito. Sa lalaki na rin mismo galing na parehong boto ang mga magulang nila para sa isa’t isa. Walang magiging problema kung sila na lang ang magkakatuluyan. Pero sabi ni Ryder ay kahit kailanman ay hindi nagbago ang tingin niya kay Kierra kaya naman kahit gaano pa kaboto ang mga magulang nila sa isa’t isa ay balewala rin.
“So, where’s your wife? I want to meet her. To be honest, everyone is expecting that you’re going to marry Kierra since both families are rooting for you.”
“Kierra is just a childhood friend and I love my wife, sir.” Siniko siya ni Dahlia dahil kahit ito ay narinig ang kanyang sinabi. Halatang kinilig ito sa sinabi ng lalaki habang siya ay hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Pero hindi niya itatanggi na nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi ng lalaki kahit na kunwari lang naman ‘yon.
“Wife, can you come here?” tawag ni Ryder sa kanya. Nilingon niya ang lalaki at dahan-dahan na naglakad. Dahlia is rooting for her to be brave. Pinasok niya ito kaya naman kinakailangan niya talaga panindigan ito. Lahat naman ng mga tao roon ay napatingin sa kanya.
Inakbayan kaagad siya ni Ryder at hinapit sa kanyang bewang. “I want you to meet my wife, Sahara Gabriel Aragon-Cervantes.”
“Your wife looks beautiful, Mr. Cervantes.”
“Thank you. I cannot deny that she’s really beautiful.”
“Nice to meet you, Mrs. Cervantes. Welcome to the family. I am looking forward to meet you more from now on.”
Puro tango lang ang naisagot ni Sara sa kanila dahil nahihiya pa siya. “Pasensya na kayo. My wife is not used to talk in many people. So, don’t be harsh on her.”
Maya-maya ay bumalik na ulit si Sara sa dati niyang pwesto pero wala na roon ang kaibigan niyang si Dali.
“Hi,” wika ng lalaki sa kanya. Kaagad siyang napatingin sa lalaki. Kilala niya ito. Ito iyong kasama nil ani Ryder kanina sa simbahan na witness. “I’m Hanz, Ryder’s best friend.”
Ito ang kauna-unahang beses na nakilala niya ang best friend ni Ryder. Mukhang close sila dahil hindi naman iimbitahan ni Ryder ito para maging witness kung wala lang iyon. And he seems friendly. Hindi siya mukhang masamang tao.
“H-Hello…”
“I know about your secret so you don’t have to worry. In fact, I’m the one who suggested that he should find a surrogate to have an heir. Hindi ko lang alam na makakakahanap siya kaagad ng ganoon kabilis.”
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako ang ginusto niya na maging surrogate?” tanong ni Sara. Matagal nang tumatakbo sa isip niya iyon at alam niyang sinagot na rin ‘yon ni Ryder noon pa. Ayon sa lalaki ay hindi ito nagtitiwala basta-basta at matagal ng alam ‘yon ni Sara. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila no’n eh nagawa pa rin siya nito pagkatiwalaan.
Sinulyapan niya muli ng tingin si Ryder. Nakikipag-usap pa rin ito sa mga bisita pero nakatingin na ito ngayon sa kanya. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay.
“I don’t know either. But there’s one thing I’m sure of, Sara,” sagot ng lalaki sa kanya. Kaya naman agaran siyang napatingin sa lalaki.
“Ano ‘yon?”
“That’s he really likes you a lot.”
“H-Hindi totoo ‘yan. I’m just a commoner…” mahinang paliwanag niya sa lalaki. Narinig niya ang pagtawa nito kung kaya’t nagulat siya. “Wanna make a bet?”
“He’ll be here within five seconds if he saw me doing this…” Itinaas ni Hanz ang kamay niya at hinawakan ang pisngi nito na siyang ikinagulat niya.
“5…”
“4…”
“3…” Dumagundong ang puso ni Sara dahil dinig na dinig niya ang takong na tumatama sa sahig. It must be Ryder. Hindi niya nagawang lumingon sa likuran dahil nagulat siya sa ginawa ng best friend nitong si Hanz.
“2…”
Napatigalgal si Sara nang may humapit sa kanyang bewang at mabilis na inilayo kay Hanz. Inangat niya ang tingin at nakita si Ryder na ngayon ay nakakunot pa rin ang noo habang nakatingin sa kanyang kaibigan. Kumabog ang puso ni Sara nang dahil doon at napatingin kay Hanz na ngayon ay malawak ang ngiti sa kanyang labi. Halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Kung anu-ano nang tanong ang mga pumasok sa kanyang utak nang dahil doon.
“What are you doing with my wife, Mr. Lopez?”
Does Ryder really likes me?