Simula
Simula
“Bakit mo tinago ang anak natin, Sahara?” galit na tanong sa kanya ni Ryder.
Hindi nakapagsalita si Sahara dahil doon. Tila nabigla siya sa tinanong ng lalaking galit na galit ngayon sa kanya. Pero sa kabila no’n ay wala siyang balak sabihin ang totoo.
Ayaw na niyang dagdagan pa ang pagkakamali niya sa buhay. Hindi pagkakamali na nagkaroon siya ng Ravi sa buhay niya dahil ginusto niya iyon. She wanted to have a child with the man that she loved. Kahit pa sa maling paraan nagsimula ang lahat, hindi niya itatanggi na gusto niyang magkaanak sa lalaking mahal niya na siyang kaharap niya ngayon.
Nasaktan siya kung kaya’t iniwan niya ang lalaki habang buntis siya kay Ravi. Narealize niya na hindi siya ang nararapat na babae para kay Ryder. Na kahit anong pilit niya na pagtatama sa sitwasyon nilang dalawa, hindi na iyon magiging tama pa. Hindi kailanman maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali.
Alam niyang hindi mamahalin ni Ryder ang isang kagaya niya. At kung mamahalin man siya nito, alam niyang hindi totoong pagmamahal ‘yon. Sino ba naman siya para mahalin nito? Ina lang siya ng anak nila pero kahit kailanman ay hindi ito magkakaroon ng puwang sa puso niya.
“Wala tayong anak, Ryder,” sagot niya sa lalaki.
“Don’t play with me. You are pregnant before you left!” sigaw ng lalaki na nagpapikit sa kanya. Huminga siya ng malalim at pilit na tinatagan ang sarili. Natatakot siya na malaman ni Ryder ang totoo pero kailangan niya protektahan ang anak niya sa mga taong ayaw sa kanya.
“Answer— “I aborted the child, Ryder!” sigaw niya lalaki. Tumulo ang kanyang mga luha.
“W-What?” nanginginig na wika ni Ryder sa kanya.
“I-Ipinalaglag ko ang bata, Ryder,” malamig at mahinang wika niya. Kinuyom niya ang kanyang palad at saka huminga ng malalim.
“Kinausap ako ni Mrs. Cervantes na ipalaglag ang bata dahil ayaw niya magkaroon ng apo na ang ina ay nagtatrabaho sa bar,” mapait na sagot niya sa lalaki. “Binayaran ako ni Mrs. Cervantes ng isang-daan milyong kapalit ng kagustuhan na ipalaglag ko ang bata…” nanghihinang sagot niya sa lalaki.
“You’re lying, Sahara,” naiiling na wika ni Ryder sa kanya. “Hindi ‘yan totoo.”
“Totoo ‘yon!” sigaw niya sa lalaki. “T-Totoo ‘yon…” naiiyak niyang wika sa lalaki. Hindi na niya napigilan ang paghagulgol sa harap ng lalaki. Kakayanin niyang protektahan ang anak niya laban sa mga taong mapanghusga. She will never let anyone hurt her child just because of what she did.
At kung kinakailangan niya magsinungaling sa lalaking mahal niya na tatay din ng anak niya, pikit-mata niyang gagawin ‘yon.
“Paano mo nagawang ipalaglag ang bata dahil sa pera?” nanghihina na tanong nito sa kanya. Parang may kung anong tumarak sa puso niya dahil doon. Ayaw niya magsinungaling pero wala siyang pagpipilian.
“They are simply right about me, Ryder…” nanghihina niyang sagot dito. “Tama ang magulang mo sa sinasabing pera lang ang habol ko sa’yo noon. Tignan mo nga oh, nagawa ko pang ipalaglag iyong bata kapalit ng pera,” mabigat na wika niya sa lalaki. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan na sabihin iyon habang nakatingin sa mga mata nito. Hindi niya rin alam kung paano niya nagawang tatagan ang sarili habang kausap niya ang lalaki.
“So please, Ryder…. Leave me alone. Tigilan mo na ako kasi wala tayong anak…” malamig niyang sagot dito. Kitang-kita niya ang sakit at paghihinayang sa mata ni Ryder noong mga oras na ‘yon. At noong mga oras na din ‘yon, para siyang pinapatay ng paunti-unti.
Yumuko ang lalaki at pagkatapos ay kinuyom ang mga palad. Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya ng direkta.
“Did you even love me?”
Literal na hindi nakasagot si Sahara sa tanong sa kanya ni Ryder. Parang tumigil ang mundo niya sa mga oras na ‘yon dahil hindi niya inaasahan na lalabas ang mga salitang ‘yon galing sa lalaki.
Muli na naman nabuhayan ang puso niya ng pag-asa dahil sa simabi nito. Pero muli niyang naalala ang mga nangyari, apat na taon na ang nakakaraan, isa sa mga dahilan kung bakit niya ginusto lumayo sa kanya.
“No,” direkta niyang sagot sa lalaki. “I told you, I only used you because of your money, Ryder.”
Hindi nakasagot ang lalaki. Muli siyang yumuko at pagkatapos ay tumalikod at nagsimula na maglakad palabas ng opisina. Napapikit pa si Sahara nang marinig niya ang malakas na pagsarado ng pinto.
Para siyang nawalan ng lakas pagkatapos no’n. Dahan-dahan siyang umupo habang nakasandal sa pader at pinipigilan ang pag-iyak.
I’m sorry…