Kabanata 11 Isang araw pagkatapos ng kasal ay bumalik na si Ryder sa pagtatrabaho sa opisina habang si Sara naman ay bumalik na sa campus para mag-aral ulit. Tanging personal na driver na si Kuya Arnold ang naghatid kay Sara papunta sa campus. Pagbaba pa lang niya ay nakatingin na kaagad sa kanya ang mga kalalakihan at kababaihan ng campus. Nakaangat ang mga kilay at pinagbubulungan. Mukhang big deal pa rin sa kanila ang eksenang pagsundo sa kanya ni Ryder noong una. Naglakad siya at saktong nandoon si Tristan. Napaawang ang labi niya nang makita niya itong nakatitig sa kanya. She greeted him. “Good morning, Tristan.” Masaya ang tono ng pananalita ni Sara nang batiin niya ang lalaki. Pero tila balewala ang pagiging masaya nito dahil sa naging boses ni Tristan sa kanya. Nagulat pa ng